PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zanjoe Marudo says Mariel Rodriguez is the "bonus" in his lovelife

According to the actor, he does not have an anniversary date for his girlfriend Mariel.
Published Oct 17, 2008
"Hindi ako nagbibilang, e. At saka, wala naman akong date. Kapag nilagyan mo kasi ng date yan, meron din katapusan yan kaya dapat, hindi mo nilalagyan ng date," answers Zanjoe Marudo when asked to disclose how long he and Mariel Rodriguez have been a couple.


Visible ngayon sa telebisyon si Zanjoe Marudo dahil bukod sa primetime series niyang Dyosa, napapanood pa rin siya sa ibang regular shows ng ABS-CBN. May Florinda pa siyang series na hindi pa naipapalabas, at pagkatapos ng Dyosa, posibleng ituloy na rin nila ni Anne Curtis ang nasimulan na nilang wedding series.

Ayon kay Zanjoe, kuntento naman siya at masaya sa ibinibigay sa kanya ng kanyang home network. Kung masaya ang career ni Zanjoe, same goes with his lovelife raw with Mariel Rodriguez. Ayon pa sa aktor, hindi raw siya nagbibilang kung gaano na sila katagal.

"Hindi ako nagbibilang, e. At saka, wala naman akong date. Kapag nilagyan mo kasi ng date yan, meron din katapusan yan kaya dapat, hindi mo nilalagyan ng date."

Natawa si Zanjoe when we told him na sabi ni Mariel, hindi raw siya seloso. "Talaga? Sabi niya?" sabi niya na may halong pagkagulat.

Bakit may pinagselosan na ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Depende siguro, hindi lang ako ganoon, ang mga lalaki naman, hindi naman showy. Pero sa ngayon, wala pa naman akong pinagselosan talaga. At saka, sa babae at lalaki, mas selosa naman ang babae. Although sa ngayon, wala pa naman. Wala pa rin naman siyang pinagseselosan."

Pareho silang busy ni Mariel, may time pa ba sila para sa isa't isa?

"Palagi kaming ano...pagkatapos ng trabaho. Siya rin naman, sobrang busy niya. So, kung may family gathering sila, minsan a-attend ako. O kaya, siya rin sa amin.

"Pero kami, trabaho muna. Hindi naman pang-habambuhay na ganyan. Darating din naman ang time na maraming bakanteng araw. Darating din naman ang mga bakasyon, Holy Week, so, mas masaya yung ganoon. At least, hindi kayo mauumay sa isa't isa. Mas namimiss namin ang isa't isa."

Maituturing na ba niyang seryosohan ang relationship nila ni Mariel ngayon?

"Ako, para sa akin, ano naman ako, seryoso naman ako. Relax lang at kumbaga, cool lang naman. Masarap kasi yung unti-unti mong nakikita ang mga gusto mo, tapos meron ka pang ganoong bonus sa lovelife."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Dyosa ay isa na siya sa mga leading men ni Anne Curtis. Supposedly, mas mauuna sanang umere ang wedding series nila ni Anne bago ang Dyosa pero na-postpone nga ang teleserye na ito.

Ngayong hindi na exclusively dating sina Anne at Sam Milby, mas malaki ba ang chance na ma-push through ang wedding series at mas mapaglalaruan na rin ang tandem nila ni Anne?

"Ako kasi, hindi rin naman ako naniniwala sa love team dahil lang meron kayong relasyon or what, nandoon sa trabaho n'yo yan, e. Doon n'yo maipapakita. Minsan may mga nangyayari pa na kahit hindi naman magkakilala, kahit hindi magka-relasyon, pero kapag nakita mo sa TV, grabe ang chemisty. Nasa tamang timing at suwertihan lang din siguro."

Would he say na parang mas equal treatment na ngayon sa kanilang tatlong leading men since wala na nga raw ang dalawa?

"Hindi naman nagkaroon ng lamangan, e. Right from the start, inaalagaan naman ng mga writers at mga directors ang bawat characters namin. Ako naman, bilang kasali sa Dyosa, hindi naman ako nag-e-expect na kailangan mas lamang ako or mas bigyan ng importansiya ang character ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman, kung ano lang ang ibigay sa akin, yun lang ang gagampanan ko. At saka, ako naman, ang love team talaga rito ay sina Anne at Sam. Masaya na ko na kahit paano, nakakasingit-singit ako roon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe noong October 14 sa Gusi restaurant para sa presscon ng Cinema One Originals. Ang Altar ang first indie film na ginawa at pinagbidahan ni Zanjoe for Cinema One Originals noong 2007. Mapapanood na ito mula October 29 hanggang November 4 sa Indie Sine ng Robinsons Galleria.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ako nagbibilang, e. At saka, wala naman akong date. Kapag nilagyan mo kasi ng date yan, meron din katapusan yan kaya dapat, hindi mo nilalagyan ng date," answers Zanjoe Marudo when asked to disclose how long he and Mariel Rodriguez have been a couple.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results