Irish Fullerton on nasty tabloid photos: "It's not me!"

IMAGE 0


"Hindi ko alam how they did it, pero, alam ko sa sariliko, hindi ako yun. Kung photoshopped man yun, I don't remember any instance nanag-pose ako ng ganoon. Kasi, kung ako naman yun, bakit hindi ko aaminin? Kungnakunan ako ng ganoon, I won't really mind if it's really me. But, it's notme," says Irish Fullerton of the photos that came out in a tabloid. Right: one of the alleged pre-PDA Irish Fullerton photos.



Noong February 7, 2008 pa pala officially naging mag-on sina Jay R Siaboc atIrish Fullerton.

Hindi na nga maitatago pa ang kanilang relasyon. Kagabi ngalang, sabay silang dumating sa paanyaya ni Angel Locsin sa birthday ng mommy nito sa Music 21 Plaza, Timog, Quezon City.

Natiyempuhan namin si Irish na bumibili pa ng yosi para saboyfriend na si Jay R na super-sing ang ginagawa that time sa loob ng videokeroom kung saan nagkatipun-tipon ang mga kaibigan ni Angel para sa isang privateparty.

"Malabong magplano kaming magpakasal agad ni Jay R. Maramipa kaming dapat gawin. Although, ilang years lang naman ang tanda ko kay Jay R,hindi naman puwedeng sabihing matanda na ako para mag-asawa.

"I'm still young for that," sabi pa ni Irish.

JAY R'S GETTING FAT. Pero, sa nangyayari, may mganagsasabi ngang nagmimistulang PA (personalassistant) na lang ni Irish ang boyfriend na nagustuhan ng marami sa PinoyDream Academy noon, dahil puwede rin itong pumasang matinee idol.

Kaso nga, nanaba na nang husto si Jay R, at yun na nga, maymga nagsasabing habang pa-sexy nang pa-sexy si Irish, si Jay R naman ay parangnapapabayaan na lamang ang sarili, at naaapektuhan na nga raw ang career nito.

"Nag-try naman talagang magpapayat si Jay R, lalo nanoon, pero na-collapse na siya sa sobrang pagda-diet. Kaya inisip na lang niyana kalimutan muna ang diet para hindi maapektuhan ang health niya.

"Kaso nga, hindi na napigilan ang pagtaba niya. Sangayon naman, tina-try pa rin niyang magpapayat. Pero, just the same, he stilllooks good. Yun nga lang, aware naman siya na kailangang magpapayat siya.

"Ayoko namang ma-guilty na dahil sa akin, sinasabingpinababayaan niya ang sarili niya. Pinapaalalahanan ko pa rin siya, kasi, maycareer siyang dapat protektahan, at puhunan namin dito ang aming looks,"depensa ni Irish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOT PHOTOS. Ang hot nahot na pinag-uusapan sa ngayon ay ang nasty photos na allegedly taken whenIrish had a pictorial before in the U.S., bago pa siya sumali sa Pinoy DreamAcademy.

Nailathala ang mga ito sa tabloid na PinoyParazzi. "Hindi ako ang nasa pictures na yun," sabi pa niIrish. "Hindi ko alam how they did it, pero, alam ko sa sarili ko, hindiako yun. Kung photoshopped man yun, I don't remember any instance na nag-poseako ng ganoon.

"Kasi, kung ako naman yun, bakit hindi ko aaminin? Kungnakunan ako ng ganoon, I won't really mind if it's really me. But, it's not me.Somebody told me that the files came from a photographer of the tabloid.

"Kung paano nakuha yun, at kung paano nila naisip naako nga yun, hindi ko na masasagot," dugtong na paliwanag ni Irish.

JAY R'S REACTION. Ano ang reaction ni Jay R tungkoldito?

"Siya ang unang nagpakita sa akin ng tabloid,"sabi pa ni Irish. "Hindi naman siya nagalit. Natawa nga siya, kasi, alamniyang hindi ako yun.

"Yun nga lang, marami pa rin ang hindi nakakakilala saakin at pupuwedeng isipin nila na ako nga yun, or when I was in San Francisco,I was really that wild or something.

"Kilala kasi ni Jay R ang pamilya namin kaya alam konghindi siya basta naniniwala.

"Nakikiusap lang talaga kami na itigil na angpaglalabas ng photos na yun, and stop making people believe na ako nga ang mganasa photos na yun."

Dedma na lang si Irish sa mga ganitong intriga. Naniniwalasiyang part ng showbiz ang ganitong mga bagay, kaya hindi na lang siya gagawang hakbang laban sa gumagawa nito sa kanya.

"I'm not really bothered even if people are talkingabout me because of those photos. Kasi, ang importante, yung mga nakakakilalasa akin, alam nilang hindi ako yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit ko pag-aaksayahan ng energy 'yan? It's notsupposed to be a problem. If that will make other people happy, na isiping akonga ang nasa photos, wala naman akong magagawa roon," paliwanag na lang niIrish.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN