PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rafael Rosell comments on Guam controversy involving Kapamilya stars

Rafael talks about delay of his two soaps in ABS-CBN.
Published Oct 23, 2008
"Ang point ko lang, it's very difficult to make a scene in public, especially if you're in a foreign land. Imposibleng walang makaalam, at tiyak na may mga makakakita," says Rafael Rosell about the rumored confrontation involving fellow Kapamilya stars in Guam.

Pinag-uusapan ngayon ang kung anu-anong eksenang ginawa diumano ng ilang Kapamilya stars sa Guam nang magkaroon ng show roon ang grupo ng ASAP '08 almost two weeks ago. Laman nga ng headlines ngayon ang diumano'y pagwawala ni Roxanne Guinoo nang magkaroon daw sila ng confrontation ng ex-boyfriend na si Jake Cuenca roon.

Isa si Rafael Rosell sa mga artistang kasama sa tropa ng ASAP sa Guam kaugnay ng pagiging isa sa mga miyembro niya ng Coverboys. Magkagrupo sila ni Jake kaya naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kung ano ba ang mga eksenang yun na hindi alam ng publiko.

"Lagi namang ganyan, lalo na kung nagkakaroon ng celebration afterwards. Everybody there was stressed out. Mula sa paglapag pa lamang ng eroplano, dumiretso na ang marami sa amin sa venue for the rehearsals. Wala halos tulog at pahinga. After the taping sa gabi, kukunan pa ng voice-over at spiels ang iba sa amin. Nakapagpahinga lang talaga kami para kumain," lahad ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ni Rafael na halos lahat ng mga nakasama niya sa trip ay may kanya-kanyang drama sa Guam.

"Ayoko namang magsalita and name names, at baka sabihing tsismoso ako!" natatawang sabi ni Rafael. "We were asked also to protect each other. Yun lang naman ang dapat.

"Pero sa sitwasyon namin, kapag ganoon, hindi na maiiwasan yung pag-init ng ulo, konting misunderstanding. But I hope doon na rin matatapos yun. Kasama na lang siguro 'yan sa trabaho.

"Ang point ko lang, it's very difficult to make a scene in public, especially if you're in a foreign land. Imposibleng walang makaalam, at tiyak na may mga makakakita," saad ng hunky actor.

Ang mahalaga, hindi manggagaling kay Rafael ang direktang info tungkol sa mga eksena sa Guam.

TREATMENT OF FANS. Sa tuwing may trips out of the country si Rafael, laging palaisipan sa kanya ang kakaibang trato sa kanila ng fans.

"Minsan, I feel uncomfortable," pag-amin niya. "Hindi pa ako sanay na kapag kumakain kami, may mga kumukuha ng photos. Yung mga fans, I don't think kung sila yung kukunan ng photos habang kumakain sila, hindi rin nila magugustuhan yun. But then again, wala naman kaming magagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I just find it unusual, na nagiging usual na, kasi laging nangyayari. Ganoon lang talaga siguro. People tend to forget, lalo na kung celebrity ka. E, mga tao rin naman kami. Kung sila yung ganoon, hindi rin nila magugustuhan na habang kumakain sila, nakanganga sila at sumusubo ng pagkain, nakukunan sila ng pictures. I don't think it's nice."

Pero appreciative si Rafael generally sa attention ng fans, lalo na kapag nasa ibang bansa sila. Talagang ipinaparamdam ng mga ito ang mainit na pagtanggap sa kanila kaya naman nagpapasalamat din ang aktor.

ON-HOLD PROJECTS. Sa pagbabalik niya sa trabaho, nagkataon namang natigil ang taping ng dalawang soap opera na tinatampukan niya sa ABS-CBN, ang Humiling Ka sa Langit na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Derek Ramsay, gayundin ang Moon River na sina Maja Salvador at Jodi Sta. Maria-Lacson ang mga bida.

"Iba't iba ang reasons, e. Pero okey lang. In a positive manner, nakabuti yung nahinto ang tapings dahil nakakapag-concentrate ako ngayon sa shooting ng movie with Rufa Mae Quinto," sabi ni Rafael.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama si Rafael sa cast ng Like A Virgin (ito na raw ang bagong title ng Civil Status: Single) para sa produksiyon ni Rufa Mae Quinto, ang On-Q 28 Productions, sa pakikipagtulungan ng Viva Films.

"Kung anuman ang problema sa Humiling, sana maayos na," sabi ni Rafael. "Kasi patapos pa lang kami noon sa Prinsesa ng Banyera, nagsisimula na silang mag-taping for that soap. Hanggang ngayon, hindi pa tapos. Pero sinabihan ako na kailangang fixed na ang schedule ko for November dahil magre-resume na raw ng taping.

"Hindi naman talaga malaki ang exposure ko riyan. Nasa beginning and ending lang ako ng soap. Yung main conflict kasi riyan, magsisimula sa amin ni Juday at matatapos din sa amin."

Yung Moon River naman daw, gusto ng ABS-CBN executives na ma-preview muna yung mga nakunang eksena.

"They wanted to revise some parts yata. Magre-resume uli kami by November din," sabi ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming offers na indie films para kay Rafael at kung siya ang masusunod, gusto niyang tanggapin ang lahat dahil magaganda talaga.

"But then again, sa Star Magic, pina-prioritize nila ang projects ko sa TV," sabi niya. "Gusto rin nila ang offers, pero kung magkaka-conflict sa schedule, baka sumabit lang ako, huwag na lang. Kaya kung may tatanggapin ako, piling-pili na yun."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang point ko lang, it's very difficult to make a scene in public, especially if you're in a foreign land. Imposibleng walang makaalam, at tiyak na may mga makakakita," says Rafael Rosell about the rumored confrontation involving fellow Kapamilya stars in Guam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results