PART II: Gabby Concepcion: "The day you give up is the day you lose. So, winner pa rin."

IMAGE 0


"Alam n'yo, sa totoo lang,ngayon, naano ako sa pagdadasal. Nagpapasalamat. Humihingi ako ng tulong sa Diyos. Madalas kong ginagawa ngayon‘yan," relates Gabby Concepcion. He says he now appreciates the things heused to take for granted in the past.



Nabanggit na rin lang ni Gabby Concepcion ang kanyang ama, kinumusta narin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung naka-recover na ba siya sa sakit na dulot ng pagkawala ngkanyang amang si Daddy Rollie Concepcion.

"'Andu'n pa rin yun, e, dimawawala yun... Kumbaga, siguro, nitong nagiging busy ako, natatanggal na langyung lungkot. Kaya nga si Mom ko, takot na takot ako, kasi, pagkatumama na anggabi, kahit na sino, pag nag-iisa na, malungkot.

"Kaya ngayon, may dinnerako kasama sila. Sasamahan ko siya bago ako mag-show, kasi alam ko, nag-iisasiya, e. Yun lang. Pero after a year, siguro, makaka-recover na siya. Normalnaman yun kahit na kanino.

"Binigyan na kasi si Daddyng three years lang talaga, e. Nalaman ko last year. Binigyan siya ng threeyears. Alam na namin... Kaya nag-usap-usap kaming magkakapatid. Sabi nga nila na,‘You need to go home' because nga yung kay Dad.

"Kasi, si Dad, di namakakabiyahe, di na kaya ng puso niya because of the pressure. So, ‘ayun,pagdating ko, after six months, he left us na."

Gabby's dad died last September. Bumigay ang puso nitohabang nakatigil ang sasakyan nito sa traffic. Buti na nga lang daw atnakatigil ang sasakyan nang bumigay ang puso nito at may kasama sa loob ngsasakyan.

Kinuwento ni Gabby sa PEP na in denial nga raw sila nungmalaman nila ang kundisyon ng kanilang padre de pamilya at may taning pa angbuhay. Hindi na rin kasi puwede pang operahan si Daddy Rollie dahil sa delikadonang kundisyon ng mga arteries at ang mismong puso nito.

"So, sabi niya, ‘wag na,sabi niya, he just wanted to live a quality life," madamdaming pahayag pa niGabby tungkol sa namayapang ama.

"NO COMMENT" ON ROSEFLAMINIANO. Siyemprepa, hindi maiiwasang hindi tanungin kay Gabby si Mommy Rose Flaminiano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Wag na... No comment nalang ako diyan," simulang pakiusap ni Gabo. "Kasi, I'm only focusing with the...Kasi, wala na akong dapat na intriga, e, kasi, intriga is always present... May sabihin man ako o wala, may gumano'n ohindi, walang effect."

Sa ngayon daw dahil hindisila in good terms ni Mommy Rose, sinusundan na lang daw niya yung mganapirmahan niyang kontrata at schedules. So,basta ba, hindi work-related o walang totoong talent fee involved, okey lang bayun sa set-up nila ni Mommy Rose?

"Basta ako, magtatrabaholang ako. Walang personalan o kung anuman. Sa akin, trabaho, trabaho lang. Kungmeron mang, ahm...tawag dito, tulad niyang mga naririnig natin, pero... Naku,mahirap nang magsalita, e!

"Hindi pa kasi... Alam n'yonaman yung TRO [temporary restraining order]. di pa na-grant...

Matatandaang sinampahan ngTRO si Gabby at ang attorney nito noon na si Raymond Fortun ni Mrs. Flaminiano,ngunit na-junk ito ng korte. Ganun na lang ang pasasalamat ni Gabby atpagsasabing hindi naman talaga dapat siyang sampahan ng TRO.

"So, bakit ako pipigilangmagtrabaho? Kawawa naman yung mga anak ko! Kailangan ko rin silang pakainin.Kailangan ko ring mabuhay. Ano'ng gagawin ko dito sa Pilipinas kung hindi akomagtatrabaho? E, hindi inano yung TRO,kasi, alam rin nilang kailangan ko ring magtrabaho. At saka, kung anuman yungcommission niya, naka-set aside yun! Hindi ko naman binabale-wala yun."

"Nakaano yun... pagnagkaroon ng kuwentahan, ‘Sige, no problem!' In good faith, nandoon lang yun."

Direkta sa isang escrowaccount o neutral bank account, as ordered by the court, ang komisyon para kayMrs. Flaminiano. Kung papabor ang korte kay Mrs. Flaminiano sa kaso nito withGabby, ita-transfer ang nakalagak na komisyon na nasa escrow account sa bankaccount ni Mrs. Flaminiano.

Sa ngayon daw, kapag maymga bagong offers or deals naman daw, ang abogado niya na muna angnakikipag-negotiate at hindi siya pumipirma hangga't walang go-signal ngkanyang abogado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Looking back, totoo bangang puno't dulo ng gulong ito ay isang halaga ng pera na diumano'y hinahabol niyadaw sa nakaaway na manager? Na ito'y may kinalaman diumano sa komisyon niMommy Rose sa kanyang mga live shows?

"Walang katotohan ‘yan,ngayon ko lang narinig ‘yan. Alam mo, darating din ang panahon, pag natapos anglahat ng ito, ipapakita ko sa inyo lahat. Kayo na ang maghusga."

May documents din kasingpinanghahawakan diumano ang manager.

"Hindi na bale, kasi,‘yon... The truth will prevail. The truth will come out! Nangyari na ‘yan sa buhay ko. So, mangyayariuli ‘yan. At handa akong harapin ‘yon.

"Kasi, kung kasalanan ko...Alam ko, inaamin ko, sa mga past na relasyon ko, kung ako ang may kasalanan,inaamin ko. Open naman ang libro ko, e. Pero hindi ko papalampasin ang isangbagay na alam kong mali. Tuloy ang katotohanan.

"Hindi naman ako masyadongnagsasalita, e. Alam n'yo naman ‘yan. Basta I know the truth, I'm doing theright thing, ‘tsaka ako, lahat ng commitments ko, sinisipot ko. Mga previouscommitments, wala akong pinapalampas na kahit na isa."

"NOT FOR ME." Hiningan din ng comment si Gabby sa latestna mga reklamong iniharap laban sa kanyang manager nina Aster Amoyo, Ara Mina,Aubrey Miles at Maui Taylor.

"Wala naman ako dun, e...Hindi ko problema yun! That does not involve me... Yung sa akin, yung mga intrigasa akin, hindi ko alam kung saan nanggagaling, e. Hindi ko maintindihan. Hindiko talaga alam.

"Pero I believe, na all ofthis has a reason, e. It's not for me. Sabi nga ng Dad ko, yung mga nangyayarisa buhay ko, hindi para sa akin. Ako lang, nagiging instrument lang ako.Kasi, totoo yun, e. Ako, naniniwala na theLord has plans for me. Kasi noon, I want to become a pilot, I wanted to! Thatwas my desire. I also wanted to become a dentist, pero hindi ibinigay ni Lorddahil color blind ako, e. Talagang hindi ibibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung hindi kopinangarap na maging artista, kung ano pa man din yung hindi ko pinangarap,binigay sa akin. Kita mo nga, di ko pinangarap na maging singer, peropagkatapos kong bumalik dito, nangyari! Ha-ha-ha!"

Naaalala nga raw niya yungwords of encouragement ng daddy niya noon sa kanya.

"‘Nandidiyan ka na rinlang, galingan mo na.' Kaya nung nag-real estate agent ako, ginalingan ko!Ha-ha-ha!

"Lahat naman ng ginagawako, ginagalingan ko. Pero, of course, hindi naman ako perfect. May mga bagay na hindi rin akonagsa-succeed. Hindi nga lang siguro napapanahon."

GABBY'S FAITH. Saan siya kumukuha ng lakas sa mga bagyong ito sakanyang buhay ngayon?

"Naku, alam nyo, sa totoolang, ngayon, naano ako sa pagdadasal. Nagpapasalamat. Humihingi ako ng tulong sa Diyos. Madalaskong ginagawa ngayon ‘yan.

"Noong araw, aaminin ko,hindi ako masyado close kay Lord. Pero nung napadpad ako sa Amerika, sabi ngLord, ‘It's time for you to reflect.' So, pahinga muna. Kaya, ‘eto na yun. Iwent back.

"Nag-Born Again[Christian] ako, pero mas ano sa akin yung pagiging Catholic, e. Dahil myfamily is Catholic. Okey lang, there is only one God."

Mas lumalim ba ang kanyangfaith dahil sa mga intriga?

"Oo! Nung araw, nawawalana nga yung faith ko kay Lord, e. Kasi, siyempre, ‘Ano na ba'ng nangyari saakin?' Pero bumalik ‘yon, di ako sumuko. Kasi, the day you give up is the dayyou lose. So, winner pa rin.

"E, sa Amerika, ano langtayo, e. Nag-strive lang tayo, e. Ang mga Pilipino, gano'n naman talaga, e. Doonka mate-test, e. Ibinagsak ka sa isang lugar na wala kang natapos, wala kangabilidad. ‘Siya ay isang artista lang... pero ang artistang yun ay nag-survive!' Di ba?

"Naging broker ako atnaging successful ako sa field na yun. Naging religious ako. In anything, yunang triumph ko, e. Natuto akong magmahal ng nakaraan. Kasi, nung araw, you takeit for granted, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos, yung mgaprinsipyo mo, nagbago lahat yun. Yung pagpanaw mo sa career mo... yung mga tao...Nagbago lahat yun. Basta, iisipin mo kasi, ‘Bakit ba ako mahal na mahal ng mgataong ito, e, ni hindi ko naman sila kaanu-ano?'

"Ang mga fans mo angnaglagay sa ‘yo diyan, kaya ka ‘andiyan, yun ‘yon, e. Kasi, maraming tao ang galit sa ‘yo, marami kang detractors forwhatever reason there is. E, hindi mona maiintindihan yun. Whether mag-explain ka or hindi... Kasi, may mga taongkahit na anong lambing mo o kahit na anong pakiusap ang gawin mo, wala. Basta,may pader."

Ipinarating ng PEP kayGabby na sa Internet blogs and sites, maraming mga fans pa rin ang nagsasabi ng maganda tungkol sa kanya at ipinagtatanggol siya always.

"Yeah, I know... And itdoesn't have to be writers, e. Kahit nga yung ordinaryong tao. Di ba, sa opisina, nangyayari yun? ‘Ewan koba kung bakit hindi ko gusto ang taong ‘yan?!' Basta hindi lang gusto. So,ngayon, doon ako nagpapasalamat kung bakit wala naman akong ginawa, perokabaligtaran naman."

RECONCILATION? Diretsahang tinanongng PEP si Gabby: May chance pa ba ang reconciliation sa pagitan nila ni MommyRose, bilang talent and manager?

"Well, ako naman, I canalways forgive, but I can never forget!" diretso ring tugon ni Gabo. "I don'tthink anybody can forget, you know. Kasi, puwede namang magbago ang pag-iisipnatin tungkol sa mga bagay na dumarating sa atin, and you can alwaysunderstand... Pero you can never forget.

"Intidihin mo na lang,dahil you're a Catholic person, or a human being. Hindi naman tayo Diyos paramanghusga... Wala kang magagawa, e. Gano'n talaga."

So, kumbaga, hindi niyaisinasara ang pintuan niya for Mommy Rose?

"Bukas naman ang libro ko,e. Bukas naman ang buhay ko sa publiko. Open naman ako sa conversations orkahit na ano. Pero there comes a point na kung minsan, hindi na rin nadadaan sapakiusap. Hindi na nadadaan dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na ilang beses pakayong magkita. Mas maganda pa nga siguro yung time, e. Yung meron kayongspace. That's what you need. Yun ang kailangan ko ngayon.

"Kahit ang mgamagkakaibigan, kailangan din ng space. Mga magkakamag-anak. Minsan, nagkakatampuhan."

Pero ang paghingi niya rawng space doesn't mean ang paglayo naman sa mga taong gustong makita siya sa mgashows at iba pang pagtitipon, tulad nga ng pagdating niya sa birthday party niBoy.

"Pero in between thatspace, ‘andiyan yung trabaho pa rin, ‘andiyan pa rin yung hindi naman tayonakakasakit ng tao.

"Sila ang may gusto sa‘yo, e. Sila ang may gusto sa ‘yong gumawa nito. Sila ang may gustong makita kanila sa gano'n. Gusto ka nilang magkaroon ka ng ganitong show. Why will youprevent them in seeing you, di ba?

"Why will I stop myselffrom invitations? Parang lumalabas naman na parang isnabero ako or parang,hindi ka man lang makipaghalubilo sa mga tao. Na parang, ‘Bakit ka magtatago?' ‘Tsaka,gusto ka nilang makita, e. Why will you stop that?" seryosong pagtatapos niGabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN