PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boboy's Trip: France, Switzerland, Italy

"Sabi ng anak ko, 'Pa, mayroon tayong day na 20 kilometers ha?'"
by Noel Orsal
Published Jul 8, 2023
Boboy Garrovillo
Veteran singer-actor Boboy Garrovillo and his wife Elizabeth "Bong" Agcaoili are looking forward to their European vacation in September. He says, "Tinanong ako ng wife ko if we can pass by Lourdes kaya um-oo naman ako, holy kasi yon."
PHOTO/S: Noel Orsal / @bobgarrov Instagram

Sa darating na September ay nakatakdang magbakasyon si Boboy Garrovillo at ang asawa niya sa France, Switzerland, at Spain.

Matagal na rin kasi itong hindi nakakabiyahe ng personal, at this time, kasama rin ang kanilang anak.

Read: Boboy Garrovillo recounts how he survived "major car accident" on Christmas eve

"Tinanong ako ng wife ko if we can pass by Lourdes kaya um-oo naman ako, holy kasi yon," saad ng beteranong singer-actor.

Ang Lourdes ay isang lugar sa Southern France na kilalang Catholic pilgrimage site kunsaan matatagpuan ang The Sanctuary of Our Lady of Lourdes.

Sa pagpunta nila sa Spain, hiking naman ang gustong activity ng anak ni Boboy

Patuloy ni Boboy: "Iyong anak ko naman nagyayaya sa Camino de Santiago, ang lamig doon. Ang sabi niya I can just join them and eat there."

Ang Camino de Santiago, o the Way of James, ay kilalang pilgrimage route na may habang "780 kilometers," ayon sa santiago-compostela.net.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ng anak ko, 'Pa, mayroon tayong day na 20 kilometers ha?' Siguro mga eight hours yan kasi I can walk two kilometers in less than an hour. Pero 20 kilometers mapupuno yong eight hours ko.

"Medyo mabigat yong 20 kilometers in one day. Puwede mga 10 or 12 kilometers, kaya yan. Sinasabi ng mga kakilala ko na kapag nandoon na raw, hindi na raw mahahalata kasi maraming tao.

"Marami rin kayong stops kung saan doon kayo kakain ng lunch. It is also spiritual kasi ginagaya niyo yong lakad ng mga prophets or some holy men before na they took that 800 kilometers walk, e."

Paano nagsimula ang hilig niya sa hiking?

“Naging mountain climber yong anak ko so niyaya kami. 10 years ago, I climbed Mt. Ulap. It’s only a six-hour climb to the camp, and then we stayed there overnight.

"The next morning, we climbed for one hour to the peak. May mga taga UP Mountaineers kaming kasama, sila yong mga naging guide namin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakas kay Boboy ang pagkatuwa habang inaalala ang kanyang karanasan.

"You know Mt. Ulap, ang lamig. Pagdating mo doon, mga sunset, nasa 10 degrees na. Nag-jacket na kami. Pagdating ng gabi, nasa two degrees na.

"Nararamdaman na yong clouds, ka-height niyo na yong clouds. Kapag nadaanan ka, mababasa ka. Iyong mga tent namin basang-basa, hindi ako makatulog kasi lahat basa.

"Nag-init ang ulo ko doon, e. Sinabi ng anak ko kaya raw uminit yong ulo ko because of the temperature, hindi raw kinaya."

Pero worth it daw ang pagod nang masaksihan niya ang view sa peak ng Mt. Ulap.

"The next morning, we woke up at 4:30 in the morning, we went to the peak kasi sunrise, e. Ang ganda ng Mt. Ulap.

"Lahat kami may ilaw and may walking path, kapag nagkamali ka, mahuhulog talaga. After one hour, lalabas yong araw sa clouds. Balik na rin sa camp pagkatapos noon, then baba na for five hours ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Marcos loyalist na si Dulce at Kakampink na sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo, walang political issue

PLAN TO MEET JIM IN FRANCES

Magkakasama rin ba sila ni Jim sa kanyang bakasyon sa Europe?

"Ang dami kasi nilang kaibigan pa from the States na kasama, kaya tinanong ako ng asawa ko kung sasama pa ba kami sa kanila kasi hindi naman namin kilala yong ibang mga tao.

"Almost same date kaya hindi ko alam kung magkikita ba kami o ano, anim kasi kami.

"Sinabi sa akin ng anak ko na mahal yong kanila kasi galing pa silang Australia, kaya sinabihan ko yong anak ko na maghanap pa ng mas magandang rates."

Sabay tukoy uli ni Boboy kay Jim, "Basta ang ending namin ay we’ll all see each other in Paris kasi, di ba, yong anak niya may restaurant doon?"

Nakapanayam si Boboy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket press conference ng APO Hiking Society 50th Anniversary with Jim Paredes & Boboy Garovillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginanap ang presscon sa Pannex Room of the University Hotel, Gomburza St., University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Magkakaroon ng 50th anniversary concert ang APO Hiking Society, na gaganapin sa Hyundai Hall proscenium theater of Areté sa Ateneo de Manila University, na alma matter nina Boboy at Jim. Sa July 15 at 16 ang petsa ng kanilang concert.

Noong kasikatan ng APO Hiking Society, halos lahat daw ng travel ni Boboy ay dahil sa APO, kaya naman nalibot na raw nito halos lahat ng gusto niyang mapuntahang bansa.

Kasama ni Boboy sa APO si Jim Paredes at ang yumaong co-member nila na si Danny Javier.

"Minsan kaming magkakaibigan mag go-golf kami sa China or sa Vietnam, pero yong sa Europe, it was always because of APO. We were able to see Switzerland.

"Alam mo yong gumawa ng movie ng Alien? Sa Switzerland pala nakatira yon. We went to his restaurant and lahat ng furnitures niya Alien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagtaka ako noong una, pero nalaman ko na siya pala yong nag-design ng Alien. Like what I’ve said, APO is the reason why we were able to see the world.

"Ang hindi ko pa lang napupuntahan ay Africa, I am putting that in my bucket list.”

Watch: Danny Javier, NAGPARAMDAM kina Jim Paredes at Boboy Garrovillo

ON UPCOMING SHOW IN THE U.S.

Ayon kay Boboy, nakatakda rin sila ni Jim na magkaroon ng show sa U.S.

"Natawa nga ako kasi inimbitahan kami sa LA, e, di pupunta ako. Tinanong ako kung wala raw ba akong visa, sinagot ko na wala na since 2009.

"Pumupunta lang kasi ako ng America dahil sa mga show, tapos pupuntahan ko na rin yong mga barkada at kamag-anak ko. Inimbita kami, di ba?

"Ang sinabi ko kay Jim siya na lang ang pumunta. Nagkaroon sila ng Zoom meeting, and then sinabi na sagot na raw nila ang ticket ko, so nag-apply na ako ng visa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang ibinahagi pa ni Boboy na inaprubahan agad ang kanyang U.S. visa application.

"Two weeks pa lang nagkaroon na ako ng appointment, naging mabilis kasi may invitation.

"May ten years akong visa. Inisip ko kung anong gagawin namin sa ten years kasi 70 years old na kami."

Read: Danny Javier, in the words of APO co-members Jim Paredes and Boboy Garrovillo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran singer-actor Boboy Garrovillo and his wife Elizabeth "Bong" Agcaoili are looking forward to their European vacation in September. He says, "Tinanong ako ng wife ko if we can pass by Lourdes kaya um-oo naman ako, holy kasi yon."
PHOTO/S: Noel Orsal / @bobgarrov Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results