Boy Abunda on being gay: "It's the closest you can get to being an angel."

IMAGE 0


"AkoI will fight for same-sex marriage. But Iwill not get married. I'm in a 25-year relationship pero hindi akokasal. Ang pinaglalabanko lang ay karapatan. You know, ang hinihingi ng mga bakla ay hindinaman doonsa sobra sa karapatan ng tao. Ang hinihingi ng mga bakla ay equalchances,equal opportunities, equal lang," says TV host Boy Abunda, who has lifetime partner in the person of Bong Quintana.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Kingof Talk na si Boy Abunda pagkatapos ng salu-salo sa ABS-CBN compound para sabirthday celebration niya sa The Buzzlast Sunday, October 26.

Nagkuwento si Boy tungkol sa kanyang pamilya, buhay-pag-ibig, at ang patuloyniyang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga bakla. Nagpunta sa HongKong si Boy para doon ipagdiwang ang kanyang birthday, kasama ang kanyang buongpamilya. Umalis sila umaga ng Lunes, October 27, at bumalik din after ng actualbirthday ni Boy kahapon, October 29.

"First time ito sa buhay namin. Kasama ko ang Nanay Lesing,kapatid ko si Manang Fe, asawa ng kapatid ko, mga pamangkin ko, at syempre siBong [Quintana, longtime partner ni Boy] kasama rin. Kami ni Nanay ang usuallymagkasama sa travel. Pero ito yung first time na buo kaming magkakasama,"excited na pahayag ni Boy isang araw bago sila umalis.

Espesyal ang trip na ito para sa kanya dahil makakasama niyaang kanyang kapatid, ang Vice Mayor ng Borongan City na si Manang Fe. Aminado si Boy na for quite some time ay hindi sila in good terms.

"Nag-sorry ako. Sinabi ko ang lahat ng sama ng loob ko.Sinabi nila ang sama ng loob nila sa akin. Alam mo, it humbles me. It took me alot of time to realize na hindi siya ako, at hindi ako siya. Hindi ba,kadalasan sinasabi natin na, 'Bakit hindi mo ako magaya? Bakit hindi ka ganito?Bakit hindi ka ganyan?' Malipala 'yon. And it took me a long time. Sabi ko, salamat sa Diyos na in Nanay'slifetime, hindi man kami perpekto, sinubukan naming mabuo," saad niBoy.

Mahirap daw talaga na mangyari noon na magkaroon ng ganitongpag-uusap ang pamilya. Pero kailangan na raw talaga, ani Boy, kaya siya na angnag-initiate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Gaano kahirap yung ganoong sitwasyon na dapat yung kapatidmo ay kasama mo at kausap mo pero kasamaan mo pala ng loob?

"Hindi kasamaan ng loob, ha," paglilinaw niya. "Mas maganda nga sana iyong masama ang loobmo, dahil may ginawa. Pero kami, meron lang kaming strain. Alam mo yun, hindilang kayo magkaintindihan dahil iba siya, iba ako. Halimbawa, ang atake ko saproblema iba, ang atake niya iba. 'Pag nagtagpo kayo, hindi naman sa nag-aaway,pero nagsisigawan kayo. At saka 'yong sinasabi nga ng nanay, bakit hindi siyakatulad ko. Hindi maganda 'yon sa kapatid mo. Dahil ang kapatid mo ay unique."

VICTIM MENTALITY. Gaano kahirap yung panahon na ikaw ay sarado at sa palagaymo ay perpekto ka?

"Gaano kahirap yun? Parakang nilalatigo minu-minuto sa iyong buhay. There were times when I felt thevictim mentality. I felt that I was so abused. Hindi ko alam na the biggestabuser ng sarili ko, ako. Alam mo, may mga panahon noong nagtatrabaho ako,umaakyat ako, pumupunta sa ibang kuwarto, para lang umiyak. Kasi hindi komaintindihan ang mga nangyayari. Dumating pa ako sa time na komonsulta pa akosa isang psychiatrist.

"When people say, 'Is it going to be easy?' Of course not,it's going to be hard. There will be a time na hindi ka na kasing kailangan ngindustriya. Advantage ko, manager ako. Dumadaan, pumapasok ang mga bagongartista. I know what it is. Alam ko ang kalungkutan. Alam ko ang depresyon napinagdadaanan ng mga taong gusto pa pero wala nang pumapalakpak. That somehowprepares me. But does it mean it will be easier for me? No. Pinaghahandaan koba, siguro. Insecure ba ako, siguro.

"Hindi siguro kasing bigat sa iba kasi nagawa ko na anggusto ko. I always do my job to the best that I can, di ba? Hindi ako suwapang.Alam na alam ko sa puso ko, may dalawang points yan e, isa ayaw na sa iyo,pangalawa baka umayaw din ako. Nakakapagod din ang trabaho natin. You know, nomatter how you love this job, this can be tiring. Alam mo my friends would say,alam mo 'yang si Abunda, kapag napagod 'yan, lalayas 'yan. Totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There may be a daythat I would just realize that, 'Teka muna, I want to spend more time withNanay. I want to spend more time with Bong. I want to travel more.' So, dalawalang 'yan, either ayaw na nila sa akin or ayaw ko na rin. Hindi sa ayaw. Pero Iwant to have more time, gusto kong magturo. Kumukuha ako ng Foreign Service saPhilippine Women's University. Five years from now, who knows, I'll be anambassador."

,

May plano ba sa pulitika?

"Hindi, e. Kasi ang kapatid ko nasa pulitika. Ang nanay kogaling sa pulitika. My late father was also into politics. Ako talaga hindi, e.Si Kris [Aquino] sabi niya, ‘I'm not closing my doors.' Pero ako, kung tanungin n'yo ako, ayokotalaga. If I'm going to change my mind, I don't know. Pero malabo. Baka kapag nag-speech ako, biglaakong sigawan ng, ‘Bakla!' baka makapatay pa ako!" biro ni Boy.

25 YEARS WITH BONG.Alam naman ng marami na matagal na silang nagsasama ng kanyang partner na siBong Quintana. Sa katunayan, 25 years na sila. Paano baide-describe ni Boy ang kanilang relationship?

"With Bong it is not easy. Ang pinagdaanan kasi namin niBong, hindi rin madali. Twenty-five years na kami sa November 3, birthday niAte Vi [Vilma Santos]. It is not a perfect relationship. Angdami naming kagaguhan. Ang dami naming ayaw sa amin. Pero lahat nang iyannalampasan."

Ano yung pinakamabigat na pagsubok na halos ay maghiwalay sila?

"Ang dami, pero hindi kami naghiwalay, e. Isang gabi siguronghiwalay. Pero walang matagal. In our 25 years, madami na kaming pinagdaanan," saad ni Boy.

Since birthday nga niya sa October 29, may ibinigay na bangregalo si Bong sa kanya?

"Ako ang nagregalo sa kanya!" pagbibiro ni Boy. "Alam mo Iwas about to go home, I don't know what he has for me. Alam mo why he's very,very important to me aside from the love? Siya talaga yung...he's the only person I think,outside of my family, who loves me more than I love my self."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinaka-sweet na nagawa ni Bong para sa kanya?

"Angdami. Alam mo si Bong, he really takes good care of everything. Like forexample, we're leaving, wala akong trabaho, puro lahat siya. From the ticketsto lahat, packing clothes...kasi palibhasa dating steward, di ba? Lahat ‘yansiya.

"It'sa sense of safety. Mas maasikaso si Bong kaysa ako. Mas inaasikaso niya ako.Ang ganda-ganda ko, ‘no?" biro ni Boy.

Inamin ni Boy na isa sa sweet na ginagawa nila ay yunghanggang ngayon, they still write love notes or letters para sa isa't isa.

"Alammo up to this day, we write notes. ‘Baby, I'm leaving ahead. Love you. Blah-blah.Be safe.' Isa yun sa mga sweet na ginagawa namin araw-araw. He calls, he texts.He says, ‘Be safe. I don't care where you are, just let me know that you areokay, that you are safe.' Communication, ‘yan ang bukas sa amin."

Pero aminado rin si Boy na, "Hindi ako naging faithfulbefore. Pero hindi ako nagsinungaling kahit kailan. Marami akong nakasalubong,nilandi ko, nilandi ako. Pero kahit kailan hindi ko itinatwa si Bong. At kahitkailan hindi ako nagduda, na kapag dumating na yung time na dapat na akongumuwi, uuwi ako. Hindi ako nanloko.

"Pero ako, ang dami kong pinagsisihan. Kay Bong, ang damikong kasalanan. Kung ang tanong n'yo, 'Si Bong ba, had he been perfect, had he beenloyal for the past 25 years?' Ang sagot ko, ‘I don't want to know.' I don'tneed to know to love Bong. I don't need to know his mistakes for me to love himin this lifetime and beyond. I love him the way he is.

"[But] it's not an open relationship. Kasi ang openrelationship in the gay context is you play around. It's not an openrelationship. Basta ako, I don't want to know and I'm sure Bong doesn't want toknow also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang secret ng kanilang lasting relationship?

"Alam mo,walang formula e. What works for me, may not work for you. Kilalanin mo angsarili mo. I'm sharing this because I'd like to tell you my story and why myrelationship worked."

FIGHTING FOR GAY RIGHTS. "Ako I will fight for same-sex marriage. But I will not getmarried. I'm in a 25-year relationship pero hindi ako kasal. Ang pinaglalabanko lang ay karapatan. You know, ang hinihingi ng mga bakla ay hindi naman doonsa sobra sa karapatan ng tao. Ang hinihingi ng mga bakla ay equal chances,equal opportunities, equal lang. May mga naniniwala sa same-sex marriage. I'llfight for it. Because that is a fundamental right. Pero sa personal, may ibaakong paniniwala. Ayoko talagang pakasal."

"I want people who believe in marriage to be happy.Happiness is not just about you... I'm not fighting this for my self. I'm fightingfor the younger generation of gays. So that one day they can say na, ‘Tatay,bakla po ako' at kagalang-galang. Ang kagalang-galang doesn't mean perfect, ha.Ang kagalang-kagalang may konting kalandian, may konting kasalanan, pero matino.Neither does it mean na kapag sinabing bakla ay promiscuous. Doonako nasasaktan. Promiscuity belongs to all, babae, lalaki, bakla, tomboy.

"Kami ni Bong, although we didn't undergo the ceremony,we've been married many times in front of God. Ang advice ko rin sa mga bakla... I'm in a 25-year relationship pero hindi nangangahulugan na you're assured ofanother day. Every day is a decision in a marriage. Hindi komo't 25 years nakayo ay pababayaan na. Dapat sexy ka pa rin. Dapat nagpapa-facial ka pa rin."

Ayon pa kay Boy, mahirap pa rin daw maging bakla sa panahonngayon, kahit na nga sinasabi pang tanggap na ito ng society.

"Mahirap din.Pero laban! Ako I'm proud to be gay, because for me it's so divine. It's theclosest you can get to being an angel," matalinhagang pahayag ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TO THE YOUNG GENERATION: "I'll tell you something, para ito sa mga batang bakla. Thisis such a blur o cliché. Parati kong sinasabi, be the best that you can be...becausepatuloy pa rin tayong lumalaban. You know people would say, ay tanggap na kayo.Maniwala ka, hindi pa rin. Sinasabi ko, be good. Because one day we are goingto produce gay world leaders. We're going to produce a gay president. Be good,mag-aral kayong mabuti kasi katulad ng lahat, mayroon tayong pagkakataon.

"Do not allow anybody to define you in your life. Lagi kongsinasabi, who you are is okay. Kung Bisaya ka, okay ka. Sino bang nagsabi saiyo na dahil sa Bisaya ka ay bobo ka? Yung punto natin does not define what wethink and how we think. Maraming mga estudyante, halimbawa sa classroom, angnagsasabing, 'Ayokong mag-recitation kasi baka mali ang English ko.' Can youimagine, ilang mga pangarap ang hindi natutupad dahil sa takot?

"Ang daming pangarap, ang daming trabaho, ang damingpagkakataon ang nasayang dahil sa takot na, I'm not tall enough, dahil hindimatangos ang ilong ko, dahil hindi makinis ang balat ko. You know, buildingyourself is not easy. Pero ako pruweba ako, na sa tapang ng loob, sa lahat ngdasal at paniniwala sa sarili, I made it," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN