Criselda Volks on sex-video scandal: "Kami 'yon ng boyfriend ko."

IMAGE 0


A few days after PEP(Philippine Entertainment Portal) came out with news that a sex video which hit cellphones and the Internet apparently involved Criselda Volks, the sexyactress confirmed the existence of the controversial video. "Kami‘yon ng boyfriend ko ng five years," Criselda confessed. "Kami ang magkasama, so automaticallysiyempre nagbi-video-han kami."


Noong Huwebes, October30, ay lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkalatdiumano ng sex video ng sexy actress na si Criselda Volks. (CLICK here for related story.)

Ayon sa artikulong isinulat ni Rommel Llanes, "Apat ang sex videos,at sa apat na yun, pawang may close-up shots pa ang babaeng nasa video. May mga closeup shots din ang lalaking ka-sex ng babae sa video, bagama'tbahagyang kita lamang ang mukha nito sa mga kuha dahil nasa akto ngpakikipag-sex."

Matagal nang walangbalita tungkol kay Criselda, maliban sa mga personal issues na lumabas tungkol sa kanya, tuladng lagay ng relasyon niya at ng dating asawa na si Cris Villanueva. Noong isang taon ngaay nabalita ang suicide attempt ni Criselda, matapos uminom ng detergentsoap at liquid bleach dala ng matinding depression, matapos diumanomakipag-break sa boyfriend nito.

Mula noon ay wala nang narinig tungkol sa dating sexy actress hanggang sa kumalat nga anghinihinalang sex video niya sa pamamagitan e-mails, Internet forums, at cell phones.

"PERSONALVIDEO." Sa isang taped interview na ipinalabas kahapon,November 2, sa The Buzz, inamin niCriselda na siya ang babae sa nasabing video.

"Kami ‘yon ng boyfriendko ng five years. Kami ang magkasama, so automatically siyempre nagbi-video-hankami," diretsong pahayag ni Criselda.

Paliwanag ni Criselda, "personal"daw ang kuha at hindi ito dapat kumalat.

"Alam ko basically kungano'ng laman ng video," sabi ng dating artista. "Nakita ko ‘yong video sa phone at that time. Matagal na ‘yon, pero hindi ko inisip na lalabas ‘yon."

Sa mga ganitong uri nginsidente ay natural lamang na mapagbintangan ang kabilang party, lalo na kung hindimaganda ang naging paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Pero naniniwala rawsi Criselda na walang kinalaman ang dating boyfriend sa pagkalat ng sexvideo. Ayon sa kanya, bagama't hiwalay na sila ay nananatili pa rin daw silangmabuting magkaibigan kaya malabo na ito ang nagpakalat ng video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't regret makingthe video because it was supposed to be a personal life, personal namin ‘yon.Sumama ang loob ko doon sa naglabas ng video," himutok ni Criselda.

MEREVICTIM SCANDAL. Inamin din ni Criselda na pumasok siyasa isang rehabilitation center para matulungan siyang matanggal ang mga bisyo,katulad ng pagsusugal at pag-inom ng ilang medication.

"For almost three years, hindi na ako nagka-casino. When I went to rehab a year ago, I stoppedeverything. Hindi na ako nagsusugal, hindi na ako nag-sleeping pills, hindi kona din tina-try i-kill ang sarili ko," sabi ni Criselda.

Nanawagan si Criselda sapubliko na sana'y huwag siyang husguhan dahil lamang sa kumalat na sex video.Sa usaping ito ay biktima lang din daw siya katulad ng iba pang nasangkot saganitong klaseng isyu.

"Sana huwag na langakong pandirihan dahil biktima lang ako," panawagan ni Criselda. "Ako, naaawa ako sa sarili ko, sanamaawa din kayo. Na-down po ‘yong moral ko, ‘yong dignidad ko sobrang down nadown na."

Si Criselda ay lumabas sa mga sumusunod na pelikula: NoRead, No Write (1997), Walang Katapusang Init (1998), Kaleldo (2006), at Siquijor: The Mystic Island (2007). Siya ay hinangaan ng maraming kritiko sa kanyang pagkakaganap sa maraming klase ng roles, lalo na sa indie film na Kaleldo, kung saan gumanap siya bilang lover ni Cherry Pie Picache.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN