Claudine Barretto explains taping delays in "Iisa Pa Lamang"

IMAGE 0


"If there's one thing na hindi ako, 'yon,unprofessional. Hindi ako nale-lateever since, hindi ako nagpapa-pack up ng taping, hindi ako ganun. At saka ngayon pa? So, kung sino man ang nagkakalat no'n, e, bahala na kayo," saysClaudine Barretto about rumors that she caused delay in the last taping daysof Iisa Pa Lamang.


Napabalita kamakailan na nagkasakit ang aktres na siClaudine Barreto. Sa katunayan, sanakaraang Folded & Hung Streetcast 2 fashion show, halos hindi makapagsalitanang maayos ang aktres ng Iisa Pa Lamang dahil nawalan siya ng boses atkagagaling niya noon sa ospital.

Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment media ang kalusugan ngayon ni Claudine sa presscon ng kanyang bagong endorsement,ang Belo Essentials whitening cream, kahapon, Nobyembre 7, sa Steak TownRestaurant sa Sgt. Esguerra Street, Quezon City.

"Actually, hindi pa ako bumabalik for a check-up," pagkukuwento ni Claudine. "Perokasi ganun pa rin, nalo-low blood, 90/70, 'tapos nag-90/75 ako. So, mahirap, may taping kami na talagang maynakabantay na nurse na kumukuha ng bp [blood pressure] ko. Hindi siya bumaba ng 90/70, hindi na siyaumayos o naiba, sobrang low blood ko ngayon. Kasi, pinapatay ng white cells ko ang red blood cells ko."

Sa ngayon, ayon kay Claudine, "They're checking kungproblema ba sa nodes, sa vocal chords, or sa blood kasi may inception ang bloodko, mas maraming white cells kaysa red [blood cells]."

Wala naman daw dapat ikabahala dahil pinayuhan naman siya ngkanyang doktor kung ano ang dapat gawin at inuming gamot. Aniya, "Meron akong iniinom para sa blood ko, para sathroat. But nothing to worry, nothingto worry pa naman. So, talagangpapa-check pa lang."

HUNDRED SEQUENCES IN A DAY. Kaugnay ng kanyang pagkakasakit,pinabulaanan naman ni Claudine na naging sanhi siya ng delay samga huling araw ng taping para sa Iisa Pa Lamang.

"Even when I wassick, I was still working," depensa niya.

Sabay nagpaliwanag siya sa naging dahilan ng sinasabingdelay sa taping at ang paggamit diumano ng double para sa kanyangkarakter. Ayon kay Claudine, "Angproblema, we had parang kunwari, two taping days na lang. Siyempre, wala ng araw, wala ng ano, 'taposdalawang director, dalawang separate unit. So, hindi na talaga kakayanin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kunwari, nandito pa ako sa taping ng place na ito, 'taposnauna na si, kunwari sa kabilang unit. 'Tapos kailangan gabi pero may araw na. So, naubusan talaga kami ng araw at gabi. So may mga kailangan talagang i-sacrifice na scene at may mgaeksena na kinailangang i-double because impossible talaga."

Inulit pa ni Claudine na walang kinalaman ang kanyangpagkakasakit, bagkus talagang marami lang silang dapat kuhanan at hindi talagakakayanin sa oras.

Dagdag na paliwanag ni Claudine, "We were doing 102sequences in one day. All in one day wehad to finish that and talagang alam naman natin na kahit physically maayos ohindi ang katawan mo, imposible.

"We really had to finish in two days. Maraming eksena lao pa't ako ang bida, hinditalaga kaya. Iisa lang ako, hinditalaga kaya na ilipat, magpalipat-lipat ng location. So, prinioritize yung mgaeksena na kailangan."

Idiniin din ni Claudine na hindi siyanagiging pasaway sa anumang proyekto na gagawin niya. "If there's one thing na hindi ako, 'yon, unprofessional. Hindi ako nale-late ever since, hindi ako nagpapa-packup ng taping, hindi ako ganun. At sakangayon pa? So, kung sino man angnagkakalat no'n, e, bahala na kayo."

OVERWHELMING SUPPORT. Kagabi, Nobyembre 7, nagtapos na angteleserye na pinagbibidahan nina Claudine at GabbyConcepcion.

Bagama't tapos na ang Iisa Pa Lamang, natutuwa naman daw siClaudine sa suportang ibinigay ng kanilang masusugid na mga manonood.

"Masaya dahil overwhelming ang suporta ng mga tao,"paglalarawan ni Claudine. "Kung papaanonila sinuportahan ang Iisa Pa Lamang... Ewan ko, ha, talagangna-overwhelmed lang ako kasi after giving birth, Maligno kasi was a sineserye. Ito [Iisa Pa Lamang]talaga ang pagbabalik ko sa primetime, na drama talaga. It's sobrang ganda, sobrang beautiful, sobraakong proud."

Naaliw din siya nang malamang marami ang gumagaya sa mga dimakakalimutang linya ng karakter niyang si Catherine laban kina Scarlet(Angelica Panganiban) at Isadora (Cherry Pie Picache).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Claudine, "Nakakatuwa kasi minsan lang ako nanonoodnoong sa You Tube, ganyan. Nakakatuwanoong pinakita sa akin ni Direk Ruel [Bayani], sobrang nakakatawa, nakakaaliw,sobra."

Dagdag pa niya, "Ang sarap ng feeling na [ginagaya ng tao]ang mga lines na hindi makakalimutan. Kasi, 'yong mga lines na 'yon, minsan ginagawa na lang namin sa set'yon, e."

Ano ba ang paborito niyang linya sa Iisa Pa Lamang?

Sa dami ng magagandang linya niya sa naturang palabas,tanging naisagot ni Claudine, "Naku, ang dami. Ang daming nagtatanong niyan."

ENOUGH OF ISSUE ABOUT ANGEL. Bago matapos ang panayam, humingi naman ng reaksyon ang entertainmentmedia sa di matapus-tapos na isyu sa pagitan nila ni Angel Locsin.

Muli itong nabuksan nang magkaroon ng dalawang fashion showang Folded & Hung at kapansin-pansin na hindi sila magkasama gayong parehosilang endorser ng nasabing clothing company. Sa unang fashion show, si Claudine ang finale, at noong sumunod naaraw at sa ibang venue, si Angel naman ang huling rumampa.

Sa kabila ng intrigang ito, muling sinabi ni Claudine namaayos na ang lahat sa pagitan nila ni Angel. Sa katunayan, sinabi pa nito sa media, "Nate-text naman kami. Parang ang feeling ko, everything na puwedena naming pag-usapan, puwede na naman naming pag-usapan, di ba? Walang halong kaplastikan 'yong ganun, diba?"

Nang tanungin naman ng PEP kung ano ang masasabi niya tungkol sa mga patuloy na nang-iintriga sa kanilang dalawa,sinabi ng aktres, "No comment na lang talaga."

Muli niyang siniguro, "Basta sinabi ko na okay kami, taposna 'yon. Kasi, the moment na you keepon talking about it, hindi na talaga matitigil, di ba? You really have to put a stop na ito na,okay na. Okay kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa pagtatapos ng Iisa Pa Lamang, panandaliangmamahinga muna si Claudine. Wala pa siyang ideya kung ano ang tiyak na susunod niyang proyekto pero maaringmagkaroon daw siya ng pelikula sa Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN