PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FASHION WEEK (Holiday 2010 Collection): Bolder and braver fashion this coming season!

Kapuso and Kapamilya stars met on the runway last May 30 to showcase Bench Heritage, Kashieca's whimsical style, and Human Revolution.
Published Jun 2, 2010
The Rubi stars—(top, from left) Jake Cuenca, Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, and Diether Ocampo—made the fashion show even more scream-worthy. Also present were the StarStruck V winners Sarah Lahbati (bottom, third from left) and Steven Silva (bottom, second from left), with runner-up Rocco Nacino. PBB Double Up's Tibo Jumalon (third from right), Jason Francisco (second from right),

Muli na namang nagsama-sama ang mga artista para rumampa sa fashion show ng clothing empire ni Ben Chan. Ang naturang event—na naganap noong ika-30 ng Mayo, sa SM Mall of Asia—ay bahagi ng Philippine Fashion Week Holiday 2010.

Muli rin itong dinagsa ito ng maraming fans dahil kapag Bench event, alam nilang star-studded ito.

Sa show na idinerek ni Ariel Lozada, nabigyan ng ideya ang mga dumalo ng trend na dapat abangan sa darating na season.

Unang segment ang Human, na nagpamalas ng disenyong eclectic at istilong punk rock. Ang unang celebrity na nagpakita sa runway ay ang ang endorser nitong si Isabelle Daza, na sinasabi ng karamihan na puwedeng maging beauty queen tulad ng ina nitong 1969 Ms. Universe, si Ms. Gloria Diaz, na nakitang proud na proud habang pinapanood ang anak mula sa audience area.

Dapat sana ay rarampa rin bilang male endorser ng Human si Chris Cayzer. Subalit ayon sa manager nitong si Leo Dominguez, naospital ang PO5 star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangalawang segment ay hatid ng Kashieca, na inspired by the romance era ang mga disenyo. Sigawan ang excited audience nang lumabas si Bea Alonzo, na litaw na litaw ang kagandahan sa whimsical theme ng kanyang mga kasuotan.

Ang panghuli ay ang holiday collection ng Bench. Hindi mapigilan ang mga fans sa katitili, lalo na noong ipinakita sa screen and video clips ng naka-topless na si Enchong Dee, na isa ring endorser ng naturang clothing brand. Bagamat hindi ito nakarating, ramdam na ramdam ang excitement ng kanyang mga fans.

Sa segment na ito ipinakilala ang bagong brand ambassadors—ang StarStruck V winners na sina Steven Silva at Sarah Lahbati, pati na rin ang mga runners up na sina Rocco Nacino at Diva Montelaba.

Sumunod naman ay ang Are You The Next Bog Star winners na sina Geoff taylor at Frencheska Farr.

Pagkatapos ng mga Kapuso stars ay lumabas ang tatlo sa PBB Double Up Big Five na sina Johan Santos, Paul Jake Castillo, at Tibo Jumalon. Nagsimula ang malakas na hiyawan nang lumabas si Jason Francisco, na ngumunguya ng bubble gum habang astig na naglalakad sa ramp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinakahuling lumabas sa lima ang Big Winner na si Melai Cantiveros. Kinilig na naman ang fans ng Melason tandem dahil noong nagsalubong ang dalawa sa rampa, ay tiningnan pa nang malagkit ni Jason si Melai, na kuwelang ngumuso sa bagong komedyante.

Nang lumabas naman ang new Bench endorser na si Coco Martin, dumagundong na ang buong SM Mall of Asia sa napakalakas na tilian at hiyawan ng mga tao.

Sa huling pagrampa ni Coco, ganun din kainit ang pagtanggap ng mga fans sa kanya. "I love you, Coco!" ang sigaw ng isang babaeng nakatayo sa likod ng writer na ito. Isa lamang siya sa maramiing Coco fanatics na nakipagsiksikan para lamang makita ang idol for the first time.

Pero ang highlight ng naturang fashion show ay ang pagrampa ng apat na bida ng Rubi—sina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Solo-solo rumampa ang apat, at pabonggahan naman ang tilian ng kanya-kanyang tagahanga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dalagang-dalaga na si Shaina at sumeseksi pa, kaya hindi malayong ma-in love sa kanyasi John Lloyd Cruz.

Si Diether naman, kahit hindi nag-topless, ay mababakas pa rin sa kanyang kasuotan ang matipuno nitong katawan. For a change, may kakaibang "semi-slow motion" na ipinamalas ni Diet sa kanyang paglalakad.

Si Angelica naman ay panay ang tawa, ngiti, at hagikgik. "Ang bidang kontrabida! Rubi!" ang tili ng excited fans sa audience. Sa gitna ng ramp, nag-muwestra pa siya ng "Paaaakkk!" na naging trademark ng character niya sa Here Comes The Bride, kung saan ginaya niya si John "Sweet" Lapus.

Si Jake, na siyang bukod-tanging Bench underwear model this summer, ay nakadamit noong rumampa pero bongga pa rin ang suporta ng mga fans.

Rumampa rin ang PBB ex-housemate na si Sam Pinto, Be Bench hottie na si John James Uy, at ang young actor na si Angelo Patrimonio, na pinanood ng kanyang daddy na si Alvin Patrimonio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, magkahiwalay na dumating sina Aiko Melendez at Jomari Yllana upang panoorin ang pagrampa ng cute nilang anak na si Andrei.

Present din si Richard Gomez, ang original Bench endorser, upang suportahan ang anak na si Juliana.

Kasama nina Andrei at Juliana na rumampa si Zaijian Jaranilla, na paulit-ulit tinawag ng crowd na "Santino," ang dating title-role niya sa ABS-CBN.


Nanood din ang may-ari ng SM Supermalls na si Henry Sy, at ang singer na si Claire dela Fuente.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Rubi stars—(top, from left) Jake Cuenca, Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, and Diether Ocampo—made the fashion show even more scream-worthy. Also present were the StarStruck V winners Sarah Lahbati (bottom, third from left) and Steven Silva (bottom, second from left), with runner-up Rocco Nacino. PBB Double Up's Tibo Jumalon (third from right), Jason Francisco (second from right),
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results