Andrea del Rosario still recovering from breakup with French boyfriend

IMAGE 0


"Wala namang nangyaring hindi maganda sa aming dalawa. Like what I said, we both need space muna. It's better na ganito muna kami. People might think of it as weird, pero nangyayari talaga ang ganito. Kahit ako, hindi ko ma-describe ang pinagdadaanan namin ngayon," says Andrea del Rosario about her ex-boyfriend.



Hindi maitago ng morena at sexy actress na si Andrea del Rosario ang lungkot sa kanyang mga mata dala ng pagkakahiwalay nila ng kanyang French boyfriend na si Eric Noreil.

Three years din ang itinagal ng relasyon ni Andrea sa kanyang guwapong French boyfriend. Mukhang dumating daw sa point na masyado na silang naging kumportable sa isa't isa. Nataon pa na noong maghiwalay sila ay kakapanaw lang ng ama ni Andrea.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa presscon ng Saan Darating ang Umaga? noong Lunes, November 3, sa 17th floor ng GMA Network Center. Dito ay isiniwalat niya ang kanyang saloobin tungkol sa breakup nila ni Eric.

"Siguro we just needed space," sabi ni Andrea, na bagama't magandang-maganda pa rin ay walang gaanoong buhay ang mga mata. "Dumarating naman sa ganyan ang bawat relasyon, di ba, yung tinatawag na too close for comfort? So, nakakatakot na baka dumating sa point na magkasawaan na lang kami. Ayoko naman ng gano'n, kasi he's been such a nice person to me and my family. Ayokong magsawa ako sa mga magagandang ginawa niya for me."

Pagpapatuloy niya, "What made it more depressing ay yung pag-pass away ng father ko. Nasabay siya sa naging hiwalayan namin ni Eric, kaya isipin mo na lang yung lungkot ko that time. Dalawa sila sa buhay ko nami-miss ko. Now, okay na ako emotionally. Kinaya ko naman lahat."

Ngayon ay nasa France si Eric kasama ang pamilya nito, kung saan may inaasikasong raw itong mga negosyo. Ayon kay Andrea, wala naman daw silang pinag-awayan na matindi ni Eric. Sa katunayan ay patuloy pa rin ang communication nila sa isa't isa.

"Nagkakausap pa rin naman kami," banggit ng dating miyembro ng Viva Hot Babe. "Wala namang nangyaring hindi maganda sa aming dalawa. Like what I said, we both need space muna. It's better na ganito muna kami. People might think of it as weird, pero nangyayari talaga ang ganito. Kahit ako, hindi ko ma-describe ang pinagdadaanan namin ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Andrea kung okay na ba siyang makipag-date ulit ngayong wala na siyang karelasyon. Okey lang daw, pero para lang may nakakakuwentuhan siya.

"Ang dating naman, para lang maaliw ako at hindi ako magmumukmok sa bahay," sabi niya. "Noong maghiwalay nga kami ni Eric, talagang nalungkot ako. Matagal din akong hindi gumimik. Nasanay nga ako na siya lang ang kasama ko kapag lumabas ako."

Paliwanag ng aktres, "For the longest time kasi, kaming dalawa lang ni Eric and nobody else. Siguro therapy na rin if I go out on a date with other people para naman maiba ang nakasanayan kong routine. Kailangan ko lang siguro ma-break yung naging habit ko before with Eric."

Kasama si Andrea sa cast ng bagong GMA-7 sinenovela na Saan Darating Ang Umaga?. Pero bago nito ay napanood si Andrea sa telefantasyang Dyesebel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN