PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hero Angeles on Cristy Fermin's suspension: "Dumating yung tamang justice."

Hero co-stars with former rival Mark Herras in "Luna Mystika."
Published Nov 12, 2008
"In a way, maganda yung naidulot niya para sa lahat, hindi lang para sa kanya [Cristy] kundi para sa iba... Sa nangyari nga, sabi ko na lang, siguro ‘eto na yung panahon para... Sana ma-realize niya [Cristy] yung mga nagawang mali," says Hero Angeles.

Masaya si Hero Angeles dahil nabigyan na naman siya ng project ng GMA-7 pagkatapos ng Dyesebel. Ito ay ang bagong telefantasya Kapuso network, Luna Mystika, kung saan ginagampanan niya ang isang engkanto.

"Ako po si Alguwas dito, ang pinuno ng masasamang engkanto," paglalarawan ni Hero sa kanyang role nang makausap siya ng PEP sa presscon ng Luna Mystika kagabi, November 11, na ginanap sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network Center.

Bakit siya pumayag na gumanap bilang kontrabida?

"Actually, nag-e-enjoy ako sa pagganap ng kontrabida, e," sagot ni Hero. "Yung sa Dyesebel, kontrabida ako sa love team nina Aljur [Abrenica] at Kris [Bernal]. First time ko kasing mabigyan ng ganung role. Kasi dati ang role ko, sa love team, teeny-bopper role. So, bago siya para sa akin. Dito kasi sa GMA, wala akong ka-loveteam, so ibang atake dapat."

Kasama pa rin ni Hero sa Luna Mystika sina Aljur at Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas gusto ba niya na walang ka-love team?

"Sa ngayon, masaya ako kasi parang ine-explore ko muna yung capabilities ko bilang artista na wala akong ka-love team. Pero if ever naman na mabigyan, iga-grab ko pa rin," saad ng batang aktor.

STAR CIRCLE QUEST BATCHMATES. Mas gusto niya bang ka-love team yung hindi na foreigner? Si Sandara Park kasi na dati niyang ka-love team sa ABS-CBN ay isang Koreana.

"Mas gusto ko Pinoy naman, para hindi na aalis!" biro ni Hero.

Magka-batch sina Hero at Sandara sa kauna-unahang Star Circle Quest, ang reality-based artista search ng ABS-CBN, kung saan si Hero ang itinanghal na Grand Questor at si Sandara naman ang kanyang naging runner-up.

Si Hero ay nakabalik na sa showbiz, pero ang ka-love team niyang si Sandara Park, sinubukang bumalik pero walang nangyari. Dahil dito, nagdesisyon si Sandara na bumalik na lang ng South Korea upang doon hanapin ang kanyang kapalaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang masasabi ni Hero rito?

"Feeling ko naman, may reason," sagot niya. "Actually, last time nag-text sa akin si Melissa [Ricks, batchmate nila sa SCQ], sabi niya, ‘I'm with Sandy.' Gusto raw niyang magkita-kita yung batch namin. Sabi ko, ‘Wow, talaga bumalik siya?' Sabi ni Melissa, for a vacation lang daw. Makikipag-meet siya that evening kay Sandy. Pero sabi ko, hindi ako puwede kasi may taping ako ng Walang Tulugan. Saturday kasi that time. Tapos sabi niya, ‘Okay, sige sabihin ko na lang.' Tapos after nun, wala na akong balita."

Sa mga ka-batch niya sa Star Circle Quest, sino pa sa kanila ang nakakausap ni Hero?

"Si Melissa, si Neri [Naig], tapos si Joseph [Bitangcol]," banggit ni Hero. "Si Joseph yung mas madalas kong ka-text, pero hindi kami nagkikita nang madalas kahit pareho na kaming nandito sa GMA. Minsan nagkikita lang kami sa Walang Tulugan."

Ang Walang Tulugan With the Mastershowman ang musical-variety show na hinu-host ni German Moreno sa GMA-7. Isa sa co-hosts ng show si Hero.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FROM RIVALS TO CO-STARS. Kasama rin ni Hero sa Luna Mystika si Mark Herras, at pareho silang gumaganap na masasamang engkanto.

Dati silang magkaribal ni Mark. Kung si Hero ay winner ng Star Circle Quest, si Mark naman ay winner ng StarStruck Batch 1.

How is it working with Mark?

"Actually, nakakatawa kasi dati sa kabila, noong nasa ABS-CBN pa ako, ipinakilala kami sa isa't isa sa isang product, Skechers [show brand]. Yun, nakilala ko siya, hanggang doon lang. Tapos yung mga showdown ng Hero-Sandara at Mark-Jennylyn [fans], nandun na. So, rivals nga kami kahit sa love team din. Pero ngayong magkasama na kami sa GMA, Kapuso na kami pareho. At dito sa Luna Mystika, pareho kaming salbaheng engkanto," lahad ni Hero.

Pero magkaibigan na ba sila ni Mark?

"Dito nabubuo," sagot niya. "Kasi noong mag-transfer ako sa GMA, hindi ko rin siya nakikita nang madalas. Minsan sa Walang Tulugan lang. Noong mag-guest naman ako sa SOP for Dyesebel, wala naman siya noon. Kaya masaya ako na katrabaho ko siya dito sa Luna Mystika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko ring makatrabaho yung iba pang StarStruck. Although nakasama ko na rin sina Aljur at Kris sa Dyesebel. Si Jennylyn, gusto ko rin siyang makatrabaho, lalo na ngayong nagbalik na siya ulit."

Sabi ni Mark, ipinaayos niya yung costume niya kasi ayaw niyang nakalabas yung nipple niya dahil naiilang daw siya. Si Hero ba ay kumportable sa costume niya?

"Nabibiruan nga kami ni Mark sa backstage bago yung presentation dito sa presscon. Sabi namin, ‘Uy, yung nipple mo!' Actually, naiilang din ako. Pero try natin, di ba? Wala lang!" natatawa niyang sabi.

HAPPY BEING A KAPUSO. Ayon kay Hero, suwerte rin siya at nabibigyan siya ng magagandang projects ng GMA-7.

"Oo nga," sambit ng binata. "Kasi nung sa Dyesebel pa lang, sinabihan na nila ako na magiging part daw ako ng isang soap. So, sabi ko, ‘Wow!' E, Marian Rivera pa yun [Dyesebel], di ba? Masaya ako na nakatrabaho ko siya kahit na hindi kami magkaeksena. Nakausap ko siya, mabait naman, kalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, dumating nga itong Luna Mystika. Masaya ako kasi parang naiangat pa yung role ko rito, mas malaki yung role ko rito," ani Hero.

Masaya ba siya na nasa GMA-7 na siya ngayon?

"Oo, masaya ako kasi kumbaga, parang second life na ito ng career ko. Nabakante ako, e. Nandun yung trust nila, so tinatanggap ko kahit anong role yung ibigay nila. Nagpapasalamat naman ako dahil magaganda yung mga napupuntang projects sa akin.

"Dati kasi sabi ko, ayoko na, e. Yung cell phone ko dati, lahat ng contacts doon, puro showbiz, sinira ko yung SIM card. Basta in-erase ko lahat. Sa isip ko, ine-erase ko rin [ang showbiz].

"Yun nga, nandito na ulit ako. Ang bini-build ko ngayon, yung good relationship, hindi lang sa mga co-stars ko sa show kundi pati doon sa mga tao sa likod ng camera, sa production, yung mga bosses. Hindi ko naman kailangang pilitin ang sarili ko na dapat perfect yung relationship ko sa kanila. Siguro yung pagiging natural ko lang talaga," pahayag ni Hero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TWO YEARS OF WAITING. Dalawang taon ang nakalipas bago talagang nakalipat si Hero sa GMA-7. Noong time na wala pa siya sa Kapuso network, hindi ba siya na-frustrate sa showbiz career niya?

"Oo, kasi yung dati, parang galit ako sa mundo noon, e," pag-amin ni Hero. "Sabi ko, kakalimutan ko na ang showbiz. Actually, nag-try akong magturo sa mga bata, sa pre-school. Nagturo ako ng Arts. Bago pa ako sumali sa SCQ noon, may project kami sa school na nagtuturo nga kami sa mga bata. Tapos yun, tinuloy ko nga rin. Ngayon nga, kapag wala akong taping, bumibisita pa rin ako doon sa school, kasi school naman siya ng friend ko."

Paano niya hinarap yung frustrations niya noon?

"Ang tagal din, e. Nagkukulong ako sa kuwarto dati. Sabi ko, ‘Ano ang gagawin ko?' Parang gusto ko ng madilim. Pero napaglabanan ko rin naman lahat. Noong mawala ako sa showbiz, nag-concentrate ako sa school, sa family ko. Nakapag-invest din ako sa house. Pero nakapag-indie rin naman ako," pagsisiwalat ni Hero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang indie film na tinutukoy ni Hero ay ang Stockroom, na bukod sa pagiging artista ay siya rin ang nagdirek.

For a time sinasabi na laos na siya, ano ang naramdaman niya noon

"Dinededma ko lang. Parang hindi ko niraramdaman. Yung mga pinagdaanan ko kasi, iniisip ko na lang na lahat ng bagay may dahilan."

OLD ENEMIES. Noong makakabalik na sana si Hero sa showbiz, bigla namang nagkaroon ng mga isyu at nagkaroon siya ng mga kaaway gaya nina Cristy Fermin at Alfie Lorenzo. Paano niya na-handle yun?

"Nakaapekto din sa akin yun. Pero kinalimutan ko na lang," saad ni Hero.

Dumalo sa presscon ng Luna Mystika kagabi si Alfie. Hindi ba sila nagkita?

"Nakita ko nga siya. Pero hindi ko na ulit siya nakita noong bumaba kami sa stage, e," ani Hero

Pero nagkita at nagkausap na ba sila ulit?

"Hindi pa, e. Nawalan na rin kami ng communication. Pero gusto ko sana siyang makausap para maayos na rin lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

How about si Cristy, nagkita na ba ulit sila?

"Hindi pa rin."

Ano ang reaksiyon niya sa suspension na nangyari kay Cristy sa ABS-CBN? Matatandaang naging malaking isyu noon ang alitan nila dahil sa mga isinulat noon ni Cristy laban kay Hero.

"Actually, ini-expect ko nang itatanong sa akin ‘yan dito," pag-amin ni Hero. Saka niya sinabing, "Parang ano lang, dumating yung tamang justice. Hindi lang siguro sa akin, kundi sa lahat ng nagawan ng damage.

"In a way, maganda yung naidulot niya para sa lahat, hindi lang para sa kanya [Cristy] kundi para sa iba... Sa nangyari nga, sabi ko na lang, siguro ‘eto na yung panahon para... Sana ma-realize niya [Cristy] yung mga nagawang mali."

ON HIS KUYA HENRY. Kinumusta rin ng PEP kay Hero ang Kuya Henry niya, na naging kontrobersiyal din noon dahil diumano sa pakikialam nito sa career ng kapatid. May kinalaman pa ba ito sa kanyang career ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
"Yes may ginagawa pa rin siya para sa career ko," sagot ni Hero. "Kumbaga ngayon, for film and TV, ang manager ko si Kuya Germs, co-managed din ako ng GMA Artist Center. Si Kuya Henry ko, personal manager ko pa rin. Nagbu-book pa rin siya ng mga shows para sa akin, like yung mga provincial shows. May mga nilalakad pa rin siyang mga endorsements gaya nga ng Buffalo shirts. Tinulungan din niya ako sa indie movie ko dati. Actually, kapag may kailangang asikasuhin si Kuya Germs para sa akin, pero hindi niya maasikaso, kuya ko yung gumagawa."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In a way, maganda yung naidulot niya para sa lahat, hindi lang para sa kanya [Cristy] kundi para sa iba... Sa nangyari nga, sabi ko na lang, siguro ‘eto na yung panahon para... Sana ma-realize niya [Cristy] yung mga nagawang mali," says Hero Angeles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results