Rufa Mae Quinto will keep her lovelife private from now on

IMAGE 0


"Feeling ko talaga, yung ganyang mga bagay, sasarilininko na lang muna. Pabayaan na lang natin na sila ang magsalita. Wala rin akongmagiging benefit sa ganyan. Benefit of the doubt lang!" says Rufa Mae Quinto about her lovelife.



Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siRufa Mae Quinto tungkol sa American-Mexican boyfriend niyang si Bobby Lopez,hindi na positibo ang reaksiyon ng comedienne. Sa shooting ng Desperadas 2 saBonifacio High Street noong Huwebes, November 13, nagpahayag si Rufa Mae naayaw na niyang magbigay pa ng statements tungkol sa lalaking ito.

Hindi na kailangang klaruhin pa kay Rufa Mae, pero mukhang burado na ang relasyong ito. Sabi niya, "Kung ano ang nariyan, yunna lang. Wala talaga sa priorities ko ngayon ang guys. Puro kasi mga lalaki rinang laging naitatanong sa akin."

Matatandaang nakipag-break si Bobby kay Rufa Mae sapamamagitan ng email.

Palagay ni Rufa Mae, she has to keep a little for herselfpagdating sa matters of the heart. Mukhang ito ang magiging malaking pagbabagosa kanya.

E, kumusta na ang sinasabing pagpaparamdam ni Jon Avilasa kanya? Si Jon ang isa sa leading men ni Rufa Mae sa isa pa niyang pelikula na Single.

"Walarin namang linaw. Nagte-text lang yung tao. Busy ako, marami akongginagawa. Ratsada itong Desperadas 2. Okey naman kami ni Jon," parang walang latoy na sabi ni Rufa Mae.

Bakit tila wala nang gana sa lalaki si Rufa Mae?

"Hindi sa walang gana sa mga lalaki, pero sapagkukuwento, ayoko na. Feeling ko talaga, yung ganyang mga bagay, sasarilininko na lang muna. Pabayaan na lang natin na sila ang magsalita. Wala rin akongmagiging benefit sa ganyan. Benefit of the doubt lang!" tawa niya.

Wala raw katuturan ang pinatutunguhan ng mga usapan tungkolsa kalalakihan. "Lalo na yung tungkol kay Bobby, taga-Hong Kong naman yun,at hindi nag-aartista. Ano ang gain ko riyan?" sabi ni Rufa Mae.

FROM RUFA MAE TO IZA. Nabanggit din ni Rufa Mae na ang bahay na nabili niya saAcropolis ay ibinenta na niya sa co-star niya sa Desperadas 2 na si IzaCalzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fairness, mabilis niyang nababayaran, ha!"natatawang sabi ni Rufa Mae. "Gusto ko nga, mag-Pasko pa doon sa bahay na yun.Nakiusap ako kay Iza, pero mukhang gusto na niyang lumipat. Okey na rin, kasinabili na niya kung tutuusin.

"Unti-unti pa lang naman ang bayad niya, pero nag-downna siya. Nag-loan pa raw siya para mabayaran niya. Kaya okey kami pagdating sabagay na 'yan."

Actually, nakaalis na si Rufa Mae sa nabanggit na bahay atisa-isa nang inililipat ang mga gamit niya mula roon.

"Kailangan ko lang maibenta ang property na yunfor the dream house na gusto ko, na ipinagpapatayo ko na sa ngayon. Doonmapupunta ang perang pinagbentahan ko," saad ng comedienne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN