Jose Manalo still willing to play sidekick after launching movie with Wally

IMAGE 0


"Kahit anong mangyari. Ito naman,tina-try lang kami. Pero basta Tito, Vic & Joey, kahit na ano, alalay kaminiyan. Habambuhay kaming alalay niyan," says Jose Manalo.



Ang horror-comedy film na Scaregivers, na ipronodyus ng APTEntertainment at M-Zet Productions, ang magsisilbing launching film ng comictandem na sina Jose Manalo at Wally Bayola. This time, hindi lang silasidekicks ng mga bida kundi sila mismo ang ibinebenta ng movie na mapapanood samga sinehan simula November 26.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siJose sa presscon ng Scaregivers kagabi, November 15, sa Imperial Palace Suites, mabilis ang naging sagotnito sa tanong kung kinakabahan ba siya sa movie na ito.

"Sobra po!" bulalas niya. "Pati yung pamilya namin, halostawag nang tawag, ‘Daddy kaya mo ‘yan, Daddy kaya mo ‘yan! Galingan mo yungpagpo-promote.'"

Bagamat nagbibida na siya ngayon, wala raw dahilan para maymabago kay Jose.

"Ako kasi, ang pag-aartista ko ngayon, hindi ko iniisipna...yun pa rin ako. Kahit sa Eat Bulaga!, kapag nandoon ako, madalas pa rin akodoon sa mga kasama ko dati, sa crew. Kasi naniniwala ako na kapag ganyan daw naartista ka at pagkatapos hindi mo tinitingnan yung mga dati mong kasama, eithermahawa ka na or mabitbit mo yung mga kasama mong stars na, ‘Ay, eto na ako, starna rin ako!'

"Sa ngayon, ganoon pa rin. Nandoon pa rin ako sa kanila,maharot pa rin ako. Hindi ko masyadong inilalalagay na heto na ako, bida ako.Mahirap, e," saad ng comedian.

Kung nagbida man daw sila ngayon ni Wally sa Scaregivers,definitely, susuporta pa rin daw sila sa mga next movies nila kung may offer.

"Ay, oo!" sambit ni Jose. "Kahit anong mangyari. Ito naman,tina-try lang kami. Pero basta Tito, Vic & Joey, kahit na ano, alalay kaminiyan. Habambuhay kaming alalay niyan."

Kung hindi sina Tito, Vic & Joey, willing ba silangmag-sidekicks or magbigay suporta sa iba?

"Siyempre, para naman kay Bossing [Vic] at kay Tito Joey,siguro hihingi kami sa kanila ng advice or permiso kung papayagan nila kami.Siyempre, nakatatak na rin na nandoon kami sa kanila. Kasama rin kami ni Wallysa Iskul Bukol at kasama rin kami na nagpunta sa Cambodia ni Bossing," aniJose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TANDEM WITH WALLY. May impression na tila package deal silang dalawa ni Wally.Ganun ba talaga ang usapan nila o puwede rin silang magkahiwalay kung mayinteresadong kumuha ng isa lang sa kanila?

"Siguro kung magiging kailangan na package, package kami niWally," sagot ni Jose. "Kung meron man kukuha sa akin, siguro yun pa rin,hihingi kami ng advice sa mga boss namin."

Kuwento ni Jose, nagkakilala lang daw sila ni Wally sa EatBulaga! Kung susumahin daw niya, nasa limang taon na raw siguro angfriendship nila.

Paano naman niya ide-describe si Wally bilang komedyanteat bilang kaibigan?

"Si Wally kasi, medyo seryoso ‘yan, e, pagdating sa totoongbuhay. Seryoso ‘yang si Wally. Yung pagiging komedyante niya kasi, mararamdamanmo na ‘yan kapag nandoon siya sa entablado.

"Although kahit hindi, minsan may mga pa-joke-joke nabumibira ‘yan, masayahing tao ‘yan, e. Hindi ko nga alam kung bakla nga ba‘yan!" tawa ni Jose. "Kasi nagsimula ‘yan sa banda, tapos nag-stand-upcomedian. E, wala pa yatang stand-up comedian na... Kami lang yata yung stand-upcomedian na duo sa comedy bar na lalaki."

FINDING RITCHIE. Naikuwento rin ni Jose na siya pala ang naka-discover kungsaan matatagpuan si Ritchie D' Horsie, ang dating komedyante na kasama ninaTito, Vic & Joey sa Iskul Bukol. Hindi naman daw halos nagkakalayo ang edadnila ni Ritchie kaya noon pa man, naging tagahanga rin siya nito at napapanoodsa sitcom na Iskul Bukol.

"Fan ako no'n, noongtime pa lang ng Iskul Bukol," sabi ni Jose. "Hindi naman siguro ganoon kalayoang age namin. Mga 50-plus siya, ako naman, 42, so hindi naman masyadongmalayo. Nagkausap na kami no'ng time na nakalabas siya, sa reunion [ng IskulBukol movie]. Kahit wala akong schedule, nagpunta ako dahil gusto kotalaga siyang makita.

"At saka tuwing magso-show kami gabi-gabi, ako kasi nakaalamkung saan siya pupuntahan. Pina-plug ko gabi-gabi na, ‘Nandito lahat ang castng dating Iskul Bukol, ngayon kung sino sa inyo ang nakakaalam kung nasaan siRitchie, pakisabi sa akin.' Kaya doon ko nalaman na nasa Quezon City Jail palasiya. Sinabi ko na sa kanila at na-check nila, kinuha na nga nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita raw niya ang malaking pagsisisi at pagbabago niRitchie nang magkausap sila.

Ani Jose, "Gusto ko rin kasi siyang makausap dahilpinanggalingan ko rin ang pinanggalingan niya. Naging [drug] user din akobefore, hindi naman ako nagkaroon ng ganoon kalaking eskandalo like yung kasoniya. Self-rehabilitate kasi ako, e.

"Mga eight years din ako gumamit," pag-amin ni Jose. "Perobefore Valiente [a defunct soap] pa yun. Noong pumasok na ako sa Valiente, nakapag-rehabna ako sa sarili ko. Hindi ako pumasok ng kahit saan, nag-self-rehabilitateako.

"Naniniwala kasi ako sa lakas ng naturalesa ng tao,e. Hindi ako naniniwala na yung drugs, may giyang. Kahit na sinong tao,ang paniniwala ko, kapag sinabi kong ayoko, ayoko na. Kahit sino sa atin, walanaman tayong kalaban sa mundo kundi sarili natin."

Taong 1989 daw nang tumigil si Jose sa pagiging user atmasasabi niyang hinding-hindi na raw siya babalik sa ganoong buhay.

"Hindi na! Hindi na! Talagang hindi na," deklara niya.

Naikuwento niya ba ang lahat ng yun kay Ritchie?

"Oo, pero sinabi niyang siya, nilamon siya. Nadala siya nanghusto ng drugs. Ako kasi, lumaki ako sa Tondo na ganoon ang paligid ko. Kayaang ginawa ko, iniwasan ko. Lumayo ako sa Tondo. Nakabili ang mother ko ngbahay sa Novaliches kung kaya't doon ako nagpirmi. Gumawa ako ng panibagonggrupo, naging adviser ako ng youth. Nilibang ko ang sarili ko para umiwas munako," kuwento ni Jose.

Napansin niya bang kahit paano na may pagka-ilang si Ritchiena sa paglabas niya mula sa kulungan ay balik showbiz siya?

"Hindi naman," ani Jose. "Kaya lang, nandoon pa rin yungilang niya. Pero makikita mo sa kanya na napaka-behave na niya. Hindi na siyanagsisigarilyo. Inalok ko siya ng yosi, hindi na siya nagyo-yosi, Born-again nasiya ngayon. At saka, kinuwento niya kung ano ang nangyari sa kanya sa loob.Hindi siya dinadalaw ng mga kamag-anak niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN