Paolo Contis easily shifts from villain role to hosting family shows

IMAGE 0


"Actually, ang weird, diba? Kontrabida ka na pumapatay, tapos host ka ng pambatang show. E, siguro,nakita naman nila na kayang i-pull off. Nagulat siguro sila sa response ngWorld Records. Nag-taping na kami ng bagong game show at mahirap. Iba angmag-host ng game show, at iba ang mag-host ng show lang," says actor-host Paolo Contis.



Bagamat comedy film ang Scaregivers ng APT Entertainment ay hindi magpapatawa rito ang aktor na si Paolo Contis.

"Actually, yung characters namin ni Iza Calzado, flashbackkasi. Pero part pa rin kami ng present. Ako kasi, I died," kuwento ni Paolonang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ngScaregivers kagabi, November 15, sa Imperial Palace Suites.

Masaya si Paolo dahil among the actors today, hindi siyanawawalan ng projects, sa TV man o pelikula. Bukod sa Scaregivers, katataposlang niyang mapanood sa Codename: Asero at siya rin ang host ng magtatapos na ring World Records.

"Although ngayon," ani Paolo, "medyo relax, kasi kakataposlang namin ng Asero. Pero next week, magsisimula ulit ako ng bago kong show."

SUPPORT TO JOSE & WALLY. Sa Scaregivers, first time daw ni Paolo na gumawa ngpelikula para sa sa APT Entertainment. Masaya rin siya being support to thecomic duo of Jose Manalo and Wally Bayola.

"Noong in-offer sa akin, bakit naman hindi ko tatanggapin?Unang-una, piling-pili ang mga pinili nilang artista. At saka mga kaibigan konaman sina Wally at Jose, so bakit hindi ko naman sila susuportahan?" saad niPaolo.

Ano ang nakita niyang kaibahan ng dalawa as comedianoff-cam?

"Mas seryoso si Wally," sabi ni Paolo. "Si Jose, walalang...loko-loko lang. Pero before the scene, seryoso sila, nakikinig.Pinag-aaralan nila kung ano ang gagawin nila."

GAME-SHOW HOST. Isang buwan na lang daw ang hinu-host na programa ni Paolo,ang World Records. Pero babalik muli ito sa March 2009 for another season.

Peroayon kay Paolo, may kapalit na raw ito agad. He will be the host of a new gameshow na papalit sa Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, ang My Dad Is Better ThanYour Dad.

Bukod pa rito, kasama rin si Paolo sa susunod na soap operanina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang,bilang ka-love triangle ng dalawa. At present, he's also in Bubble Gang ascelebrity guest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba ni Paolo ba magmula nang lumipat siya ng GMA-7mula sa ABS-CBN, kung saan siya nagsimula bilang child star, na-maximize nghusto ang talents niya sa iba't ibang aspeto?

"Oo!" mabilis niyang sagot, "Actually, ang weird, diba? Kontrabida ka na pumapatay, tapos host ka ng pambatang show. E, siguro,nakita naman nila na kayang i-pull off. Nagulat siguro sila sa response ngWorld Records. Nag-taping na kami ng bagong game show at mahirap. Iba angmag-host ng game show, at iba ang mag-host ng show lang."

NO TIME FOR ISABEL. May time pa ba sila para sa isa't isa ng girlfriend niyangsi Isabel Oli?

"Actually, medyo wala ngayon. Sa trabaho ko naman kasi,I keep my Sunday open. For sure yun, magkasama kami ng Sunday. Ang work niyangayon, MWF. Ako naman, TThS, so wala talaga. Halos most of the weeks,hindi talaga kami nagkikita," lahad ni Paolo.

Hindi ba naaapektuhan ang relasyon nila?

"Okey lang," sambit niya. "Hindi naman kami yung hindinagkikita kasi ayaw lang namin. May work, di ba?"

Ngayong araw na ito, November 16, ay dumating ang kalahating pamilya ni Isabel mula sa Singapore. Sa December naman daw darating yung other halfpa.

"Well, so far, hindi pa kami nagpaplano kung saan kamimagpupunta, magpapasyal. Hindi pa naman kasi sila kumpletong lahat, so sigurokapag nandito na ngang lahat, dun na kami magpaplano," sabi ni Paolo.

PAOLO'S HOT BODY. Simula nang magpaganda ng katawan si Paolo, he makes it apoint na i-maintain na raw ito. Pero hindi raw siya yung tipong nagre-resort sapaggamit ng steroids upang mapaganda ang kanyang katawan.

"Hindi, e. Hindi puwede sa akin yun," sabi ni Paolo. "Kungpuwede lang... Mahina ang katawan ko, e. So, more on buhat, properdiet. Pero yun nga, kahit araw-araw ang taping ko, I always make it apoint na 10 a.m. palagi ang call time para makabuhat ako sa umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag super late naman ako umuwi, pipilitin ko na kahithindi ako makapagbuhat, kahit makatakbo lang. Kailangan, e. Araw-araw kongginagawa yun sa may Edsa Shangri-La Hotel."

After ng Cosmopolitan bachelor bash, marami na raw angnag-o-offer kay Paolo to do sexy films, especially sa mga indie movies. Pero sofar, namimili pa raw siya.

"Depende, lahat naman ‘yan kapag kailangan, puwedeng gawin.Basta hindi lang pilit, di ba? Hindi yung para makapagpakita lang. Hindi namannatin gagawin yun."

What about an art film na may frontal nudity?

"Depende," sabi niya. "Kasi ang art dito, masabing maghubadlang. Maghubad ka, art na. Pero kaya kong gawin, pero depende. Hindi ko namanmasasabing oo, tapos hindi ko naman pala gagawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN