Does Karylle still love Dingdong? "Ang mahalaga nagmahal ka nang totoo."

IMAGE 0


"Ako kasi sa pagmamahal, yung tiwalako nandodoon, e. Wala ring regrets, e. Ang mahalaga, nagmahal ka nang totoo. Yunlang naman yun, e. I mean, kung mag-workout man o hindi, wala na sa kamay koyun," Karylle said when asked if she has any regrets in loving ex-boyfriend Dingdong Dantes (inset).


Binasag na rin ni Karylle ang kanyangpananahimik tungkol sa breakup nila ni Dingdong Dantes at inihayag ang kanyangdamdamin sa interview ng The Buzz naipinalabas kahapon, November 16. Kuha ang naturang interview footage kayKarylle after Gary V. Live at 25concert ni Gary Valenciano sa Araneta Coliseum last Saturday, November 15, kungsaan naging guest performer si Karylle.

Isa-isang sinagot ni Karylle angmga isyung kinakaharap niya. Naging open siya sa pagsagot sa mga tanong tungkolsa ex-boyfriend niyang si Dingdong at sa rumored new girlfriend nitong si MarianRivera.

Sa tanong ng The Buzz tungkol sa umano'y sumasakit daw ang damdamin ni Karyllesa tuwing makikita niya sina Dingdong at Marian na magkasama, kaagad namanitong sinagot ng singer-actress.

"Actually, hindi ko pa sila nakikitatogether," mabilis na sagot ni Karylle.

Kasi si Dingdong daw nasasaktan parin hanggang ngayon. Ano ang comment niya rito?

"Yung focus ko kasi nasa trabaholang now, so hindi ko na masyadong iniisip kung ano ba yung iisipin niya, kungano yung mararamdaman niya. Kasi as of now, para maging maayos naman ang buhayko, iisipin ko muna yung trabaho ko."

Nilinaw din ni Karylle ang kumalatna balitang si Dingdong daw ang nag-initiate ng breakup nila.

"It was a mutual decision. Hindisiya nangyari overnight. Matagal siya na proseso. Kasi syempre hindi ka namanmagigising na lang bigla ‘tapos sasabihin mo, ‘Ay, break na tayo!'"

Nang matanong naman tungkol sainiintrigang relasyon daw nina Dingdong at Marian: "Hindi naman yata ako yungdapat tanungin about that. Wala naman akong alam kung ano man ang meron.Malalaman din naman ng mga tao kung ano man ang meron sila. Dahil ako, honestly,hindi ko talaga alam. Ang tanging matatanong ko lang naman about these thingsis si Dingdong. And ang sinasabi lang niya sa akin is talagang wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal rin silang nagingmag-boyfriend ni Dingdong, naniniwala ba siya sa mga sinasabi sa kanya niDingdong, lalo na sa pagde-deny nito tungkol sa romantic relationship umano nilani Marian?

Napatili muna ng, "Ay!" si Karyllebago siya nagpahayag ng, "No comment. Basta masaya ako nandito ako ngayon saGary V. concert."

Nang tanungin naman si Karylletungkol sa reaksyon ng inang si Zsa Zsa Padilla sa breakup nila ni Dingdong: "Magandapag-uwi ni Mama, siya na lang ang sumagot sa mga katanungan na iyan. Angmasasabi ko lang talaga, kasi ayoko rin namang magsalita ng masama, e."

Naging prangka rin si Karylle nangaminin niya ang naramdaman niya sa paghihiwalay nila ni Dingdong.

"Hindi ko naman made-deny nanasaktan ako. Pero ang nangyari naman kasi is pinagdaanan ko talaga yung lahatng stages ng... alam mo yun? Ng isang breakup. Siyempre may denial, may hurt, maybargaining, ‘tapos may acceptance. At this point nandun na ako sa acceptance. Natanggapko na lahat ng mga nangyari. Siyempre sa bawat masakit na nangyayari, maymaganda ring idinudulot ito."

Wala ba siyang pagsisisi sa ibinigayniyang pagmamahal?

"Ako kasi sa pagmamahal, yung tiwalako nandudoon, e. Wala ring regrets, e. Ang mahalaga nagmahal ka nang totoo. Yunlang naman yun, e. I mean...kung mag-workout man o hindi, wala na sa kamay koyun."

Nang tanungin ng The Buzz staff kung mahal pa ba niKarylle si Dingdong, tumawa muna ito, bago sinabing, "Hindi na!" at agad dingbumawi. "Huwag na, ang pangit naman ng hindi na. Huwag na lang, ang pangit, angpangit ng sagot ko. Parang hindi magandang pakinggan."

May message ba siya para kayDingdong?

"Ay, ayoko!"

How about kay Marian, may message basiya?

"Ayokong mag-message sa TV."

Bakit?

"Wala, hindi ko lang kaya."

Sa isapang rebelasyon ng The Buzz, sinabinaman ni Dingdong na kakausapin nito si Zsa Zsa Padilla sa oras na makauwi itong Pilipinas mula sa tour nito kasama sina Mang Dolphy at ang buong Quizonfamily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN