Eksaktong isang dekada na ang pagkakaibigan nina Beth Tamayo at Judy Ann Santos.
"Ten years na kami ni Juday as very good friends, to be exact," sabi ni Beth sa PEP (Philippine Entertainment Portal)."Nag-start kasi nun sa Esperanza, hindi na kami naghiwalay. Kami ni Juday, mabibilang mo lang sa kamay namin yung masasabi mong kaibigan talaga namin. We have so many mutual friends, pero yung kami lang talaga, iilan lang kami sa circle namin."
Pero sa first few years ng friendship nila, hindi raw sila ganun kadalas magkasama.
"Dati kasi, she was busy, I was busy. Kaya yung bonding namin, hindi masyado. Ngayon lang yung halos araw-araw kaming magkasama, ngayon yung lagi kaming nagbabakasyon na magkasama," lahad ni Beth.
Nag-away na ba sila ni Juday?
"Hindi pa," sagot niya. "Yung away talaga? Never pa. Tampuhan, pero hindi yung major. Kasi kapag magkaibigan naman kayo, dapat kahit masakit o pangit, you can actually tell to each other."
Kahit ang mister niyang si Johnny Wong at ang boyfriend ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo ay very close din daw.
"Pati sina Johnny at Ryan, okay sila. walang bad blood between our dyowas," banggit ni Beth.
STILL WAITING FOR A BABY. Speaking of her husband, apat na taon na silang mag-asawa, pero hanggang ngayon ay hinihintay pa rin daw nila ang pinakaaasam-asam nilang baby.
"We're still trying," ani Beth.
What if habang nagte-taping siya for Luna Mystika, where she plays the role of Mark Anthony Fernandez's sister, ay bigla siyang nabuntis?
"I have to say bye-bye, of course," sabi niya.
Maiintindihan naman daw sigurado ‘yon ng GMA-7 at ng manager niyang si Annabelle Rama.
BETH'S MANAGER. Kumusta naman bilang manager si Annabelle?
"Nakakatawa nga, kapag may mga gusto akong kunin for a project or a raket, kapag sinabi kong kausapin si Tita Annabelle, natatakot sila, hindi nila kinakausap. Kaya ako naman, sinasabi ko agad sa kanila, kausapin ninyo si Tita Annabelle, napakabait nun, madali siyang kausap," kuwento ni Beth.
Inuunahan na raw ni Beth na sabihan ang mga gustong kumuha ng serbisyo niya na walang dapat ikatakot or ikaalangan kay Annabelle dahil maayos at madali itong kausapin, contrary sa impression ng iba na masungit ito.
Kapa may ibinibigay nga raw itong project sa kanya at hindi uubra si Beth, madali itong nakakaunawa at never siyang tinarayan or tinalakan. Kaya naman walang demands whatsoever si Beth from Annabelle as a manager.
"Wala lang, just for her to give me work, something to keep me busy naman din talaga," ani Beth.
