Dingdong Dantes shares blessings in his early Christmas party for the press

IMAGE 0


"Kung ito ang isa sa paraan paramapagsama-sama ko in one place at mabigyan ko ng kahit paano, ilang oras nakasiyahan ang mga kasama ko rin sa hanapbuhay like the entertainment press, bakitnaman hindi?" says Dingdong Dantes when asked about his Christmas party for thepress.


Naging napakasaya ng pa-Christmas party niDingdong Dantes para sa entertainment press na ginanap kagabi, November 22 saImperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde.

Pagdating na pagdating ni Dingdong aysinimulan na agad ang press Christmas party, na nasa ikalawang taon na ngangginagawa ng aktor. Ito ang naisip na paraan ni Dingdong para mai-share angblessings na natatanggap niya sa entertainment press.

Pagdating pa lang ng press ay sangkaterbanggiveaways mula sa mga ine-endorse ni Dingdong ang isinasalubong sa mgadumarating na press people tulad ng Medicol, Ponds, Mario D' Boro, Bench, atGran Matador.

Nakalagay naman sa malaking tray nahawak-hawak ng mga waiters ang isa-isang inabot sa mga entertainment press natig-isang MyPhone na cell phone na isa rin sa mga endorsement ng actor.

In-terms of raffle prizes, talagangmasasabing magaganda at mamahalin halos lahat ng mga ipina-raffle ni Dingdongsa lahat ng press. Literal na masasabing umuwing may bitbit ang mga invitedpress. Hindi lang isang round ang naganap sa raffle kundi umabot pa ito hanggangikalawang round with four Chronotech watches as major prizes.

Dahil gusto ni Dingdong na lahat talaga ng um-attendna press people sa Imperial Palace ay umuwing may bibit, isinali niya ang lahatsa raffle for the major prizes, kahit na noong mga unang items pa lang na ipina-raffle ay mako-considerna ngang major na kung prices lang ng mga ito ang pagbabasehan.

Matagal na naming tinanong si Dingdong kungbakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, na as we all know, hindi kadalasanginagawa ng kapwa niya artista. Ayon kayDingdong, "Kung ito ang isa sa paraan para mapagsama-sama ko in one place atmabigyan ko ng kahit paano ilang oras na kasiyahan ang mga kasama ko rin sahanapbuhay, like the entertainment press, bakit naman hindi?"

Obviously, Dingdong knows how to share hisblessings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas maaga na ngang ginanap ang pa-Christmasparty ni Dingdong sa entertainment press dahil halos araw-araw ay masasabing punoang kanyang schedule. Bago pa man siya umalis sa December 1 papuntang LosAngeles, kasama ang ka-love team na si Marian Rivera for their Let's Celebrate concert, iba't ibangcommitments pa ang tatapusin ni Dingdong sa bansa.

Isa sa mga ito, based sa aming pagkakaalamay another charitable event before the start of December na kung may ilang taonna rin niyang ginagawa.

Posible rin daw na makapunta at maisabay nasa pag-alis nila ang pag-attend naman sa ilang screening ng One True Love sa America.

Pagdating naman ni Dingdong from the U.S.,magsisimula na naman siya ng taping for their new primetime soap opera with Marian,ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyangna nakatakdang umere sa February next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN