Eddie Gutierrez grateful to wife Annabelle Rama for holding their family together

IMAGE 0


"Alam mo, sa pagdating ng oras na ganun, lagi niyang sinasabiyun. Pero ako, mas gusto kong mauna ako kaysa sa kanya. She took charge. Siyaang tumawag sa mga doctor. Hands-on siya. Sa lahat ng mga ginawa niya, ako aynagpapasalamat sa kanya," says Eddie Gutierrez about wife Annabelle Rama.



Two weeks ago, pumutok ang balita tungkol sa pagkakaospitalng veteran actor na si Eddie Gutierrez dahil sa heart problem.

"Hindi ko kaya. Sabi ko, ‘Eduardo, ako na lang mauna, huwagikaw.'" Ito ang naging emosyonal na mensahe ni Annabelle Rama para sa kanyang asawa.

Three days after his angioplasty, masaya nangnakalabas ng ospital si Eddie.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumuporta sa amin. Salahat ng mga nagdasal," aniya.

Pero kasabay nito, isang revelation naman ang binitiwan niAnnabelle sa The Buzz noong November 9.

"Mayroon din akong sariling sakit. Sabay kaming dalawa.Inaantay ko lang makalabas si Eddie," sabi ni Annabelle.

November 15, through her K-Text, humingi si Ruffa Gutierrez, panganay na anak nina Eddie at Annabelle, ng dasalpara sa kanyang mommy who underwent hysterectomy, isang operation paratanggalin ang uterus ng isang pasyente.

The following day, November 16, masayang ibinalita ni Ruffasa kanyang K-Text at sa The Buzz ang naging successful operation kay Annabelle.

November 19, sa kanya pa ring K-Text, nagpasalamat si Ruffasa lahat ng nagdasal para kay Annabelle dahil finally ay nakuha na nila ang biopsyresult at cancer-free ang kanilang mommy.

Para sa isang The Buzz exclusive, humarap si Eddie para sa kanyang unang interview matapos ang kanilang mga pinagdaanan.

"I feel much better now than what I felt before theprocedure na ginawa sa akin. I feel lighter. I feel na parang mas masaraphuminga. Hindi ako masyadong napapagod. So, I feel much better now,"nakangiting sabi ni Eddie.

Kahit habang inooperahan, naging clear pa rin para kay Eddieang lahat ng nangyayari sa paligid niya. And when he came out of the operatingroom, "Paggising ko, noong lumabas ako sa operating room, ang una kong nakitasi Annabelle. So, gumanun ako [thumbs up]. Tapos niyakap ko siya. Tapos si Ruffalumapit din, yung mga anak ko. Pero before that, narinig ko yung mga doctor, nagpapalakpakan. So sabi ko, siguro successful yung operation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya sa emotional message niAnnabelle para sa kanya?

"Alam mo, sa pagdating ng oras na ganun, lagi niyang sinasabiyun. Pero ako, mas gusto kong mauna ako kaysa sa kanya. She took charge. Siyaang tumawag sa mga doctor. Hands-on siya. Sa lahat ng mga ginawa niya, ako aynagpapasalamat sa kanya.

"Si Richard, malaki rin ang nagastos. Malaki rin angibinigay ni Richard para pambayad sa ospital. Lahat sila, they were always inthe hospital."

Nagpapasalamat ang veteran actor dahil sa pagiging intact ngkanilang pamilya, lalo na sa oras ng pangangailangan.

"Si Annabelle, she's the one who holds our family together.Hindi lang kay Annabelle, kay Ruffa. At sa lahat ng mga anak ko," at nagsimulanang mapaiyak si Eddie.

Nang matanong tungkol sa kalagayan ni Annabelle, naging opendin si Eddie sa pagbibigay ng detalye sa pinagdaanan ng asawa.

"Well, si Annabelle naman, meron siyang myoma na matagal nasa loob ng tiyan niya. Sabi ng doctor, kailangang operahan daw para tanggalinyun kasi ten years na raw inaalagaan ni Annabelle yun, kaya lumalaki yung tiyanniya. Noong magpa-check up siya, kailangan na raw tanggalin. So, yun isanglinggo rin siya sa ospital at ngayon nandito na siya sa bahay."

Pero bago raw operahan si Annabelle, nagbilin pa raw ito sakanya.

"Marami siyang ibinilin. Yung mga titulo...nandun daw yung mgatitulo. Yung mga alahas niya, nandito raw. So, marami rin kaming pinag-usapanbago siya inoperahan. Kung ano ang mga dapat gawin sa mga anak namin, sa mgaapo namin."

Sa ngayon daw, slowly ay nakaka-recover na si Annabelle.

"Pumayat siya. At saka lumiit na ang tiyan ngayon. Sexy nasiya ngayon. Malaki ang iniliit ng tiyan niya at saka yung mukha niya medyolumiit. Kasi one week siyang hindi kumakain. Four days siyang worried kung maycancer siya o wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang hingan naman ng final message para kay Annabelle at sakanyang buong pamilya, hindi naiwasan ni Eddie na maging emosyonal.

"Thank you very much for your love, for being by my side.Thank you and I love you. Ruffa, you're my only daughter, I know you're worriedand I know you did a lot," at napaiyak na muli si Eddie.

"Ganun din kay Richard. Si Richard, napakabait na bata.Natutuwa ako na makikita ko sila at makakasama ko sila for a longer time."

Dahil sa katatapos lang na operasyon kina Eddie atAnnabelle, bawal daw mag-travel ang dalawa. Kaya ngayong darating na Pasko, sabahay lang daw magse-celebrate ang kanilang buong pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN