Erik Santos reacts to issues involving ex-girlfriend Rufa Mae Quinto

IMAGE 0


"Personally, mas kilala ko si P-Chi kaysa mas kilala siya ngibang tao. For one year magkasama kami, kaya kilala ko ang ugali niya, kungsino talaga siya. Saka hindi naman problema sa akin kung ma-link siya, kasinatural lang yun. Normal ‘yan sa showbz, na kahit na sino puwedeng ma-link sa‘yo," says Erik Santos about ex-girlfriend Rufa Mae Quinto.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singerna si Erik Santos sa trade launch ng mga bagong shows ng ABS-CBN sa SMXConvention Center last Tuesday, November 25.

Kinuha namin ang kanyang reaksiyonsa pagli-link sa dati niyang girlfriend na si Rufa Mae Quinto kay Sam Milby,pati na rin ang breakup ng sexy comedienne sa Mexican-American boyfriend nitona si Bobby Lopez.

"Regarding kay Sam, una, hindi ako naniniwala," sabi niErik. "I don't think it's true, because I know P-Chi [palayaw ni Rufa Mae]personally and Sam is one of my friends. Hindi ako makakapagsabi ng komento.Pero ang masasabi ko lang, hindi ako naniniwala na may namamagitan sa kanilangdalawa. But if ever, let's say it's true, P-Chi is single, Sam is single also,so okay lang.

"Dun naman sa foreigner boyfriend niya, I never asked aboutthe guy. Na-meet ko siya once, pero hindi ko siya kilala. And I chose not toask anything about the guy. Ngayon, anghirap namang mag-comment about sa breakup nila kasi never naman akong nagtanongkay P-Chi about him. Saka hindi ko rin alam ang sitwasyon nila kaya hindi akomakasagot."

Nagpahayag din ng hinaing si Rufa Mae na lagi siyangnapagbibintangan na naninira ng isang relasyon, gayong wala naman daw siyang ginagawangmasama. Dinepensahan naman ni Erik angex-girlfriend.

"Kahit naman nung kami, kahit papaano nali-link pa rin siyasa iba," sabi ni Erik. "Pero alam ko naman ang totoo na nung kami, at leastnung kami, wala naman talagang iba. Yun lang ang puwede kong sabihin.

"Personally, mas kilala ko si P-Chi kaysa mas kilala siya ngibang tao. For one year magkasama kami, kaya kilala ko ang ugali niya, kungsino talaga siya. Saka hindi naman problema sa akin kung ma-link siya, kasinatural lang yun. Normal ‘yan sa showbz, na kahit na sino puwedeng ma-link sa‘yo," paliwanag ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Erik, anumang namagitan sa kanila ni Rufa Mae aybahagi na lamang ng nakaraan.

"I can say that I already moved on," aniya. "Handa na akofor another relationship, pero hindi naman ako naghahanap. Kung may ibigay saakin, much better. Pero kung wala, okey lang din.

"Right now naman kasi, I'm focused on my work. I have my newChristmas album, All I Want This Christmas, my single is ‘Christmas Is,' andthis is composed by Mr. Jim Brickman. So I hope maka-avail sila ng album ko.Nag-aaral din ako in CEU, fourth year na ako. My course is BS Psychology."

Pero totoo bang may non-showbiz girlfriend na si Erik?

"Yung sinasabi nilang may girlfriend na raw ako, that's nottrue," tanggi niya. "Sa concert kasi ni Sarah [Geronimo], nanood kami.Nagkataon na na-focus yung camera sa aming dalawa nung kasama namin, thennabigyan na ng kulay.

"Wala kong girlfriend. May mga taong nagmamahal sa akin, mayminamahal ako. Pero yung special someone, sana dumating na nga."

Single si Erik at free din naman ngayon si Rufa Mae, hindikaya madugtungan uli ang nakaraan nila?

"Iba-iba na kasi ang priorities naming dalawa," sabi ni Erik."Mas masaya kami bilang magkaibigan. Pag nandiyan na kasi yung tensyon,tampuhan, selosan, ayoko na ng ganun. Minsan pag nag-invite siya or nag-invite ako, and free naman kamipareho, we go out. Saka ngayon, sobradin ang pagtatrabaho ni P-Chi para sa pamilya niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN