Angelika dela Cruz and Orion Casareo throw their own baby shower

IMAGE 0


"Di ba, ang sabi nila, kapagnabubuntis, nahihirapan, nai-insecure, nagiging iritable? Ako talaga, hindi.Nag-e-enjoy ako. Happy ako. Mas lalo kong gustong magsuot ng short shorts!" says five-months pregnant Angelika dela Cruz (in photo, with husband Orion Casareo).



Kadalasan ay ang mga kaibigan o malalapit na kamag-anak angnagbibigay ng baby shower para sa isang malapit nang magsilang. Pero sa kaso ngmag-asawang Angelika dela Cruz at Orion Casareo, sila mismo ang naghanda ngbaby shower para sa nalalapit na pagsilang ng kanilang anak.

Ginanap ang baby shower ni Angelika kahapon, November 27, saPunchline, Quezon Avenue. Dinaluhan ito ng mga kamag-anak at kaibigannina Angelika at Orion, in and outside of showbiz. Ilan sa mga namataan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) na taga-showbiz ay sina MaxeneMagalona, Tanya Garcia, Paolo Contis, Gina Alajar, at si Amy Austria, nanakatakda na ring magsilang ng kanyang anak sa December.

Five months pregnant na si Angelika at, ayon sa ultrasound, baby boy ang dinadalaniya sa kanyang sinapupunan. Ngayon pa lang ay pinangalananna nina Angelika at Orion ang kanilang baby na Gabriel.

Kapansin-pansin na ang sexy pa rin ni Angelika kahit buntissiya. In fact, naka-shorts lang siya noong baby shower.

Ayon kay Angelika, nag-e-enjoy raw siya sa pagbubuntisniya.

"Oo, in fairness, oo! Di ba, ang sabi nila, kapagnabubuntis, nahihirapan, nai-insecure, nagiging iritable? Ako talaga, hindi.Nag-e-enjoy ako. Happy ako. Mas lalo kong gustong magsuot ng short shorts!"tawa niya.

"Happy akong buntis," patuloy ni Angelika. "Kaya nga sabi ngmarami, baka raw babae yung ipinagbubuntis ko," sabay tingin sa mga gifts niya."Naku, okey lang din! Neutral colors naman. Kung hindi, e, di sa next!"

Hindi naman itinanggi ni Angelika na excited na siyangbuksan ang gifts ng baby niya na nakikita sa harapan ng stage.

"Excited na ako! Gusto ko na siyang buksan, now na!" natatawaniyang sabi.

Masaya si Angelika dahil masuwerte raw siya sa napangasawaniyang all-out ang suporta sa kanya.

"Lahat, e!" sambit ng aktres. "As in, physically,emotionally, as in everything talaga... Kung ano ang gusto ko, kung ano angmagpapasaya sa akin, nakasuporta siya palagi. Actually, parang siya nga angpinaglihian ko. Sa pagkain, wala ako yung particular. In fact, kapag gutom,kain lang ako. Hindi ako mapili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat nakahanda na ang pangalang Gabriel kung totoo nganglalake ang magiging anak nila, may pangalan na rin ba silang nakahanda kungsaka-sakaling babae ang isilang ni Angelika?

"Kapag girl, Isabella...para Bella. Alam n'yo na yun!" masayaniyang sabi, obviously referring to the lead female character in the novelTwilight.

Paliwanag ni Angelika, "Kasi, isang reason, noong malaman kona pregnant ako, nang magpa-check din ako, basa ko nang basa, tapos emotionalako. Lahat ng libro [ng Twilight], seven times ko binasa. Paulit-ulit! So, kayagusto rin namin kung girl, Isabella, para little Bella. Katawa, di ba? Angcheap ko!" tawa niya ulit.

FIRST GRANDCHILD. Kumusta naman ang mommy at daddy ni Angelika? Excited na rinba sila sa pagdating ng kanilang unang apo?

"Ay, excited sila!" bulalas ng aktres. "Si Mommy, girl orboy, excited. Si Daddy, mas gusto niyang boy, so haping-happy siya na boy. Kasinga, sabi niya, hindi raw kami mahihirapang mag-asawa na magbantay. So, happy ang Danaddy ko na boy."

Nai-imagine na ba niyang mai-spoil ang anak niya sa lolo atlola nito, lalo na't unang apo nila ito?

"For sure! Although siyempre, kailangang pigilan nang konti.Hindi dapat na sobrang spoiled, baka maging brat, ayoko!" tawa ni Angelika.

Sa partido naman ni Orion, sinabi ni Angelika na ang misterniya ang huling nag-asawa sa pamilya nila, kaya may mga apo na rin ang mgamagulang ni Orion sa mga kapatid niya.

"Excited din silang lahat, although siya ang pinaka-late nanag-asawa. Excited sila dahil parang sa kanila, ‘Finally, may apo na rin kamisa ‘yo!'"

CHURCH WEDDING. Sa December 4 ay magse-celebrate sina Angelika at Orionng kanilang third year anniversary assweethearts. Plano raw nilang ituloy ang kanilang church wedding sa December 4,2009.

"Aayusin namin, mga January," banggit ni Angelika. "Sangayon kasi, siyempre, nagpapa-renovate [ng bahay]. Yung baby, tapos tinatapos ko pa angdalawang soap [La Lola at Una Kang Naging Akin]. Pero tuloy talaga ang churchwedding, kasi gusto talaga ni Orion, e. Siya talaga ang may gusto. Sabi nganiya, ‘Isang beses lang mangyayari ‘to, so gawin na natin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Ang plan talaga namin, this year, December 4magpapakasal. Kaya lang, since nabuntis ako, baka ma-stress naman ako, so wemoved it to next year. At least, kasama na namin si baby," nakangiting sabi niAngelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN