Sylvia Sanchez finds alternative profession in her passion for cooking

IMAGE 0


"Pagka-graduate ko, focus muna sa restaurant. At the sametime, ayaw ko muna mag-aral ng one year. Tama na 'yong one year ko. Perosiguro mag-aaral ako mga three weeks, two weeks, ganun na lang," says SylviaSanchez about her new profession as a chef.



Halos mahigit isang taon din nang huling makita angbeteranang aktres na si Sylvia Sanchez na gumanap sa isang soap opera. Ang huli ay ang Crazy For You (2006),kasama nina Luis Manzano at Toni Gonzaga. Ngayon, ay nagbabalik siya bilang ina ni Cristine Reyes sa TV adaptationng 1976 movie na Eva Fonda.

Ayon kay Sylvia, kakaiba ang karakter niya ritokumpara sa mga nagampanan na niya sa mga dati niyang proyekto. "Ito kasi, kakaiba dahil sobra siya talagangmabait na character. Sa buong show,three times lang siya nagwala," paglalarawan ni Sylvia.

Gayundin, sa Eva Fonda, napansin niya ang talentosa pag-arte ng mga nakababatang artista na kasama niya, partikular na bidang siCristine.

"Isa sila doon sa mga magagaling umarte," ani Sylvia, "Likesi Cristine, nagulat ako kay Cristine kasi magaling talaga siya umarte. Ilang taon pa lang siya ngayon, bata pa langsiya. Kapag nagkaedad na siya, mga 25, marami na siyang na-experience, gagalingpa lalo 'yan."

Dahil sa matagal na rin niyang karanasan sa mundo ngpelikula at telebisyon, binibigyan din daw ni Sylvia ang mga batang artista ngmga payo sa pag-arte. Tulad kayCristine na madalas niyang makaeksena, sabi ni Sylvia, "Nagbubulungan na langkami kung ano'ng dapat gawin."

Patuloy pa niya, "Kasi minsan, siyempre bago si Cristine,minsan ako ang naka-front sa camera, ang ginagawa ko, sinasabihan ko siya,‘'Nak, dito ka sa side para ikaw ang naka-front sa camera. Ibinibigay ko sa kanya kasi, alam mo yun,siya 'yong bida."

PASSION TURNS INTO PROFESSION. Inusisa naman ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kung ano ang kanyang pinagkaabalahan habang wala siyangproyekto sa telebisyon.

Kuwento ni Sylvia, "Nag-stop ako kasi nag-aral ako ngculinary for one year. Every day akonasa school, Academy for International Culinary Arts sa may Pasig. So, nag-aral ako, every day nasa school akona para akong high school student.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, nag-o-OJT (on-the-job training) sa Mickey'sDelicatessen, isang restaurant sa Makati sa Jupiter Street. One month na akong nag-o-OJT doon, 'taposmga less than a month, mga three weeks tapos na ako. 'Tapos ga-graduate na ako, diploma kasi ang kinuha ko."

Ano naman ang naging dahilan kung bakit niya naisipangmag-aral ng pagluluto?

"Passion ko kasi talaga magluto, e, gusto ko talagangmagluto," sagot ng aktres. "Bukod nito,nagluluto talaga ako. Bukod sa showbiz,ito 'yong pangalawang hilig ko.

"Since natuloy ko na ang showbiz, nabakante rin naman ako ngalmost one year na walang show. Di ba, sinasabi nga nila dapat may fallbackka? Ito ang ginawa ko. So, kapag wala akong taping, at least nasarestaurant ako, kumikita pa rin ako."

Kumusta naman ang kanyang karanasan sa pagbabalik-eskwela?

"Noong una ayaw nila akong lapitan kasi salbahe ako, kasi'yon ang nakikita nila. Hindi akokinakausap, nakatingin lang nang patago na nahuhuli ko silang nakatingin lang!"natatawang kuwento ni Sylvia.

Patuloy niya, "Ako na mismo ang gumawa ng paraan namaging kaibigan ko sila. Kasi nga, diba, hindi mo rin sila masisisi, gano'n 'yong nakikita nila. Sabi nga nila saakin, ‘Akala namin salbahe ka.' Kasi,'yon ang nakikita sa TV, naging kaibigan ko silang lahat."

Bago pa man magtapos sa nasabing kurso, nakapagplano na rinsi Sylvia ng kanyang gagawin pagkatapos ng kanyang pag-aaral.

Aniya, "Mayroon akong restaurant ngayon sa Greenhills, 'yong TJ's. Balak ko pangmagtayo. Actually, nagmi-meeting nakaming lahat, inaayos na 'yong isang restaurant sa Metrowalk atisa sa Cebu. Ako 'yong magiging chefdoon at saka mayroon din akong ibang kasama. Ako ang tututok doon."

Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, tututukan muna daw niSylvia ang kanyang planong negosyo. Kasabay nito, maaaring kumuha siya ng short courses kaugnay parin sa pagluluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN