Singer-actor Jay-R turns band manager

IMAGE 0


"I've provided them a studio. Siya po at yung mga kaibiganniya, I provided them a studio in the back, aside from my studio ko po. Sangayon, nagre-record sila ng mga bagong kanta. At ang gaganda ng mga kanta.Bilib na bilib po ako sa pamangkin ko. Paglabas niyan, sigurado akong maghi-hittalaga ‘yan," says Jay-R about the band that he manages.



Napaka-personal ng dating ng bagong Christmas album niJay-R, ang Holiday of Love, na siya mismo ang nag-remix at nag-remaster sakanyang sariling recording studio, ang Homeworkz Records Label.

Inamin din ni Jay-R na ang Holiday of Love ayrepackaged edition ng una niyang Christmas album na Christmas Away FromHome. This time, may additional seven songs sa repackaged album at may dalawang originals na angnag-compose ay ang kapatid niyang si Jing.

"Ni-repackage ko rin po ang recod label ko po," sabi ni Jay-R. "Last year po,Jay-R's music, ngayon Homeworkz po. But this album is produced by UniversalRecords pa rin po. Yung first Christmas album ko po, eleven songs lang siya, taposmay tatlong instrumental, medyo parang dinaya ko. Ngayon, fourteen songs nasiya, tinanggal ko na ang instrumental. So, nag-add ako ng mga anim na kanta.Dalawang originals and the rest, yung mga favorite Christmas songs na."

Personal choice daw ni Jay-R ang Christmas songs nanakalagay sa album niya. He's a Christmas person daw kasi. Bata pa lang dawsiya, ito na ang pinakapaborito niya among the holidays.

For a good cause din daw ang Christmas album ni Jay-R dahil maykapupuntahan ang magiging sales ng album.

"Yung proceeds niya, ilalagay ko sa Kapuso Foundation,"masaya niyang kuwento.

May plano rin daw siyang mag-put up ng sarili niyangfoundation, although hindi pa lang daw niya naasikaso.

"Medyo busy pa, hindi ko maasikaso ‘yun, but it's really onmy plan."

BAND MANAGER. Bukod sa pagiging artist, very proud din na sinabi ni Jay-R namanager na rin daw siya ng isang banda.

"I wanted to make a band under Homeworkz Label. I'm teachingthem the ways. Alternative band po sila, Wovv. Yung lead singer po, pamangkinko po, my sister's daughter. Galing po siya ng States at sa bahay na rin posiya nakatira."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa sarili niyang studio, nagbigay pa raw si Jay-R ng sariling studio ng bandang mina-manage.

"I've provided them a studio. Siya po at yung mga kaibiganniya, I provided them a studio in the back, aside from my studio ko po. Sangayon, nagre-record sila ng mga bagong kanta. At ang gaganda ng mga kanta.Bilib na bilib po ako sa pamangkin ko. Paglabas niyan, sigurado akong maghi-hittalaga ‘yan."

Nasa launching ng album ni Jay-R last November 19 ang tinutukoy napamangkin na si DJ. Ayon kay Jay-R, si DJ angchampion ng North America Pinoy Pop Star.

Aside from being an RnB singer, now a band manager, Jay-R isalso into acting. Kasama siya sa primetime series ng GMA-7 na La Lola andhe's also in the 2008 Metro Manila Film Festival entry na Desperadas 2.

STILL KAPUSO. Natawa na lang si Jay-R when asked kung happy na ba siyangtalaga sa Kapuso network dahil sa mga naging intriga na lilipat siya ngnetwork.

"Ay, hindi po, happy naman po talaga ako!" nakangiti niyangsabi. "May two years contract pa po ako sa GMA."

But seriously, hindi ba sumagi sa isip niya anglumipat dahil naging maingay rin ang isyu ng paglipat niya and that his managerArnold Vegafria was talking with the ABS-CBN people?

"Well, siyempre po, inisip ko rin po. But there's stillloyalty where I started po," sabi ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN