Aiza Marquez denies marrying lesbian in the States

IMAGE 0


"Sumasama nga ako sa kanya sa San Francisco kasi wala nga akong trabaho. Iniikotniya ako sa lahat ng bars. Marami kaming pictures ni Elaine. Sa dami ngpictures namin, iisipin mo talaga na kami dahil ganun kami ka-close," says Aiza Marquez about a certain Elaine Crisostomo.



Nauna nang nabalita rito sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) last September 2007 ang umano'y pagpatol at pakikipagrelasyon daw niAiza Marquez sa isang tomboy. Mariin itong pinabulaanan ni Aiza. (CLICK here to read related story.)

Unang lumabas ang balita sa Entertainment Live noong Sabado,November 22. Isang balita ang ipinadala ng isang viewer nanagpakilalang si Gabriel Ruben, na may e-mail address na gabenukol12@yahoo.com. Sinabi niyang si Aiza Marquez ay nagpakasal daw sa San Franciscolast May. At ang pinakasalan daw ng young actress ay ang ex-partner ni Desiree del Vallena si Elaine Crisostomo, isang tomboy.

Ayon sa email, after five months daw ay umuwi ng Pilipinas si Aiza galingAmerika upang magtrabaho dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya. Peronagpapadala naman daw ng pera si Elaine. Babalik daw sa Amerika si Aiza sa March2009.

Sinamahan pa ang e-mail ng isang picture kung saan magkasama nga sinaAiza at Elaine.

Kahapon, November 23, ipinalabas sa The Buzz "TrueConfessions" ang reaksiyon ni Aiza tungkol dito.

Paano niya nakilala si Elaine Crisostomo?

"Nakilala ko siya through Desiree del Valle. Nagkasama kamidati sa Maalaala Mo Kaya. So, since then, kumbaga friends na talaga kami, untilnow," sabi ni Aiza.

Inamin din ni Aiza na pumunta siya sa Amerika noong Decemberlast year para magbakasyon at totoong nagkita sila doon ni Elaine dahilmagkaibigan sila.

"Nung nag-California ako, nag-message siya sa akin. Gustoniya raw akong iraket sa mga comedy bars sa States. So, ako naman, since gustoko ng trabaho at the same time bakasyon din ako, pinadalhan niya ako ng tiket.Tapos nag-stay ako doon ng two to three weeks," kuwento ng young actress.

Itinanggi ni Aiza na ikinasal sila ni Elaine sa Amerikanoong May.

"Kakaloka naman!" bulalas niyaa. "Napakaimposible na ikakasalako ng May. Dahil May dumating na ako dito, May 25. Tapos noong May 16, kasamako ang Tito ko kasama ang asawa niya sa Sta. Barbara."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakita kay Aiza ang picture na pinadala sa inbox ngEntertainment Live.

"Totoo yung picture na ‘yan," sabi niya. "Marami kaming picturesactually. Meron akong kopya sa USB ko. Binigyan niya talaga ako ng kopya.Sumasama nga ako sa kanya sa San Francisco kasi wala nga akong trabaho. Iniikotniya ako sa lahat ng bars. Marami kaming pictures ni Elaine. Sa dami ngpictures namin, iisipin mo talaga na kami dahil ganun kami ka-close."

Napansin din ng The Buzz ang suot-suot na singsing ni Aiza.

"Sana nga may magbigay sa akin ng wedding ring, di ba? Itokasi, binili ko ito sa sarili ko noong nag-birthday ako last year," sabi niya.

Nasasaktan daw si Aiza dahil pumatol daw siya kay Elainenoong time na gipit siya sa pera. Napalayas din daw si Aiza noon sa tinitirhannilang apartment dahil wala na raw umanong pambayad. Totoo ba ito?

"Inaamin ko mahirap ako nung time na yun. Pero hindi akoganun kadesperado para manggamit ako ng tao. And wala sa personality ko yungmanggagamit ako para lang makaiwas ako, or kailangan ko ng tulong kumbaga. Tapospapatol ako sa...sabihin na natin na tomboy. Hindi ako ganun kadesperado sa buhayko."

Tinulungan daw siya ni Elaine para makalipat ng bahay?

"Hindi totoo yun," tanggi ni Aiza. "Hindi totoo natinulungan niya ako para makalipat ako. Since noong nanalo ako sa isang gameshow sa kabilang channel, yun ang saktong-sakto na ginamit ko para makalipat."

Hindi naman itinanggi ni Aiza na naligawan na siya ng isangbabae noon.

"Noong high school ako. Kasi all girls yung school namin,e. At saka kapag bago ka, lahat ng mata nasa iyo. Lalapitan ka talaga. At sakakilala ko yung sarili ko, alam ko kung ano ang tama o mali para sa akin."

So, never siya nakipagrelasyon sa kapwa babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never akong nakipagrelasyon," diin ni Aiza.

Ano ang message ni Aiza sa nagpadala ng e-mail at nagsimulang isyu?

"Hindi ko alam kung sino ka, pero since ‘yang picture na‘yan na-send mo, parang nagkakaroon na ako ng idea kung sino ka. Huwag kanamang manira ng buhay ng may buhay. At kung nandun ka talaga, na sinasabi mongnandun ka, ipakita mo sa akin yung video. Game ako. Kung may maipakita ka, e,di talo ako," pahayag ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN