Bruce Quebral bent on marrying Wendy Valdez next year

Nov 29, 2008
"Plano ko talaga, next year na kami magpapakasal ni Wendy. Ang target ko talaga ay next year, e. If ever na makaipon talaga ng pera. I'll be turning 27 ngayong birthday ko sa November 29 at matanda na ako, kaya kailangan makapag-asawa na ako," says Bruce Quebral about settling down with girlfriend Wendy Valdez.


Hindi naman pala totally mahu-homesick ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Bruce Quebral sa pagpunta nito sa Dubai, U.A.E. para magtrabaho bilang isang steward ng Emirates Airlines dahil mayroon naman siyang monthly day-off sa trabaho.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bruce sa farewell party sa kanya ng mga fans nila ng girlfriend niyang si Wendy Valdez sa Jade Valley noong Huwebes, November 27. Ayon kay Bruce, sa December 5 na ang tentative date ng kanyang departure. Hinihintay na lang niya ang visa mula sa Emirates Airlines para tiyak na ang kanyang pag-alis ngayong buwan ng December.

"Pagdating ko doon, mayroon kami agad six weeks straight na training. Siguro kapag makakaalis ako ng December, February na ako makakabalik," sabi ni Bruce.

Tatlong taon ang kontratang pinirmahan ni Bruce sa Emirates Airlines. Every month ay allotted sila ng walong araw na day-off at puwede siyang umuwi sa Pilipinas para makapiling ang kanyang pamilya at si Wendy.

Continue reading below ↓

"So, magkikita pa rin kami ni Wendy," ngiti niya. "Ang magiging problema lang namin, nasanay kaming araw-araw kaming nagkikita at nagkakasama. Pero ngayon, magkakahiwalay kami at matatagalan bago kami magkikita."

Ayon kay Bruce, maganda ang kanyang pinasok na trabaho at mas stable ito kumpara sa showbiz. Bago pa siya pumasok noon sa Pinoy Big Brother ay talagang plano na nitong magtrabaho abroad. Kaya lang, nang makapasok siya sa PBB ay napunta muna sa backseat ang planon ito.

Does it mean, totally goodbye na siya sa showbiz?

"Hindi naman. Kapag may magandang offer naman na talagang hindi ko mahindian dahil maganda ito, babalik pa rin ako sa showbiz. This will happen pagkatapos ng contract ko," ani Bruce.

WEDDING PLANS. Hindi na raw hihintayin ni Bruce ang pagtatapos nito ng kanyang three-year contract sa Emirates Airlines dahil after a year ay papakasalan na nito si Wendy.

"Plano ko talaga, next year na kami magpapakasal ni Wendy. Ang target ko talaga ay next year, e. If ever na makaipon talaga ng pera. I'll be turning 27 ngayong birthday ko sa November 29 at matanda na ako, kaya kailangan makapag-asawa na ako. In my opinion, matanda na ako. Gusto ko nga ngayon, may anak na ako. Pero ang plano talaga namin, kasal muna bago anak. Pero hindi natin masasabi," saad ni Bruce.

Continue reading below ↓

Hindi pabor si Bruce sa live-in kaya naka-focus siya ngayon sa plano nilang magpakasal next year para makapagsimula na sila ng kanilang pamilya. Aniya, mahabang panahon ang kanilang hihintayin ni Wendy at posibleng may temptation na puwedeng pumasok.

"Actually, anywhere you go, there will always be a temptation. Just be strong and concentrate ka na lang para maiwasan ang temptation," sabi niya.

Ano ba ang mayroon kay Wendy kaya siya ang pakakasalan ni Bruce?

"Si Wendy kasi, nakita ko sa kanya 'yong pagmamahal niya sa pamilya niya. Nakita ko kung gaano siya kaligaya kung nakakakita siya ng bata. So, alam ko na kapag siya ang napili ko, ang family ko in the future, alam ko na hindi niya pababayaan, ang mga anak namin hindi niya pababayaan. Grabe siya magmahal sa family. So, gusto ko yun sa isang babae, na nakita ko sa kanya," sagot ni Bruce.

Read Next
Read More Stories About
Wendy Valdez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Plano ko talaga, next year na kami magpapakasal ni Wendy. Ang target ko talaga ay next year, e. If ever na makaipon talaga ng pera. I'll be turning 27 ngayong birthday ko sa November 29 at matanda na ako, kaya kailangan makapag-asawa na ako," says Bruce Quebral about settling down with girlfriend Wendy Valdez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results