Robi Domingo feels pressured by award as Best New Male TV Personality

IMAGE 0


"Ang sarap ng pakiramdam, pero mas pressured that I have toprove to them that I'm deserving of this award, and that's what I'm gonna do.Nandun yung pressure, pero kailangang pag-ibayuhin ko pa ang sarili ko and be abetter artist everyday," says Robi Domingo about being named Best New Male TV Personality.



Hinirang bilang Best New Male TV Personality sa nakaraang22nd Star Awards for TV, paunti-unti ay gumagawa na ng sarili niyang landas sashowbiz ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus second placer na si RobiDomingo.

Sa pagkapanalong ito ng young actor, inamin ni Robi sa PEP(Philippine Entertainment Portal) kasabay ng pag-uwi niya ng nasabingkarangalan ay ang pagdagdag naman ng pressure na kailangang ipakita niya nakarapat-dapat nga talaga sa kanya ang nasabing award.

"So overwhelming!" bulalas ni Robi. "In fact, I was notexpecting anything like this. I was not exepcting na ma-nominate even. But I don'tknow, it's kind of weird, I'm speechless right now, wala akong masabi. Ang damikong gustong pasalamatan, pero hindi ko alam kung sinu-sino ang dapatunahin.

"Ang sarap ng pakiramdam, pero mas pressured that I have toprove to them that I'm deserving of this award, and that's what I'm gonna do.Nandun yung pressure, pero kailangang pag-ibayuhin ko pa ang sarili ko and be abetter artist everyday," sunud-sunod na sabi ni Robi nang makausap siya ng PEP pagkatapos ng Star Awards for TV last Sunday, November 30.

BEING COMPARED WITH RICO YAN. Noon pa man ay marami na ang nagsasabi na kahawig ni Robi angnamayapang aktor na si Rico Yan at habang tumatagal ay mas nakikita angresemblance nila. Para sa young actor ay malaking karangalan ito sa parte niya.

"Very, very flatered ako na ikinukumpara ako sa kanya ‘causehe's one of the most prestigious actors and personalties in the showbizindustry. Grabe ang impact niya sa tao, di ba? Being compared with that guy, salamat nang sobra. I really want to takethe path of Rico Yan, except yung nangyari sa kanya, yun lang," ani Robi.

Sumakabilang buhay si Rico noong March 29, 2002 sa edad na27 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATENISTA VS. LA SALLISTA. Sa kabila ng pagsasabong sa kanila sa loob ng Bahay ni Kuya—si Robi bilang Atenista at si Josef Elizalde na taga-La Salle—sinabi ni Robi natotoong magkaibigan silang dalawa ni Josef.

"Sinabi ko before sa loob pa lang ng Bahay ni Kuya na walaakong pakialam sa ganyang mga bagay, it's school, something na hindi dapatpag-awayan o paglabanan. Everyone naman is different. And for me, hindi mankami nagtatagpo ni Joseph minsan sa mga qualities, magkaibigan kami."

Mas lalo pang tumindi ang competition between Robi ang Josefdahil pareho silang inili-link sa PBB Teen housemate nila na si Nicole Uysiuseng. Aware ba si Robi na may mga isyung lumalabas na mag-on na raw sinaNicole at Joseph?

"Actually, hindi ko alam kung sila na nga ba o hindi.Pero no matter what happens, I'll be supporting them all the way through. Kami,wala kaming hidwaan or anything. Kung sino ang gustong i-pair ng management saakin, I'll accept it and no grudges," pagtatapos ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN