Paolo Ballesteros is now a dad!

IMAGE 0


Paolo Ballesteros flew to the United States for the birth of his daughter Keira Claire (inset) with former girlfriend Maria Katrina Nevada.



Sa kaka-browse namin sa Facebook account ng mga kaibigan namin aynatiyempuhan naming naka-post sa profile ni Paolo Ballesteros ang litrato ngkanyang baby na si Keira Claire. Kasalukuyang nasa New York si Paolo.

Natupad ang wish ni Paolo na maipanganak ang kanyang anak samismong araw ng kanyang birthday last November 29. Nai-post ng actor-TV host ang picture ng kanyangbaby girl noong November 30.

Nagpadala kami ng mensahe kay Paolo at nagtanong kamitungkol sa ibang detalye ng kanyang baby girl, pero hindi pa sumasagot ang Eat Bulaga! host. Siguro ay ninanamnam pa niya ang moment ng kanyang pagiging daddy.

Nakita na rin namin ang ina ng kanyang baby na si MariaKatrina Nevada. Marami silang mga litrato na magkasama sa Facebook account niPaolo at mukhang masaya naman silang dalawa.

Huling napanood si Paolo sa GMA telefantasya na Dyesebel.Pagkatapos nito ay lumipad siya sa U.S. dahil gusto niyang nasa tabi siya ngkanyang girlfriend kapag nanganak ito.

May hawig kay Paolo ang kanyang baby girl, na mukhangipinangalan nila sa Hollywood actresses na sina Keira Knightleyat Claire Danes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN