Sam Milby ends "communication gap" with ex-girlfriend Anne Curtis

Dec 19, 2008
"We had a good talk. We don't need to give details about our talk, kasi it's personal. It's really for us. We really came out and we said everything we needed to say, I said everything I need to say. I just wanna tell you guys that we talked and it was a good talk. Tama na ‘yon," says Sam Milby about ex-girlfriend Anne Curtis.


Si Sam Milby na rin ang tumapos sa "communication gap" na namagitan sa kanila ni Anne Curtis matapos silang maghiwalay nong nakaraang buwan.

Sa kuwento ng singer-actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal), siya mismo ang gumawa ng paraan para makapag-usap na sila ni Anne noong magsama sila sa trade launch ng bagong shows ng ABS-CBN. Siya na raw mismo ang nagsimula dahil siya ang lalake.

Napangiti lang si Sam sa biro ng entertainment press na natural lang na siya ang mag-initiate ng move dahil siya raw ang nakipag-break kay Anne.

Tumanggi nang mag-detalye si Sam sa laman ng pinag-usapan nila ng dating kasintahan upang ma-preserba ang kanilang privacy. Hindi rin sinabi ni Sam kung saan sila nag-usap at gaano katagal inabot ang kanilang pag-uusap ng aktres. Pero natuwa raw siya sa naging outcome ng talk nila ni Anne. Sabi nga ni Sam, "It was a good talk." Napag-usapan raw nilang lahat ni Anne ang dapat nilang i-discuss.

Continue reading below ↓

Ang naturang pag-usapan ang kauna-unahang pagkakataong nagkausap sila nang masinsinan ni Anne.

"Even in a friendship, kahit anong relationship dapat communication," sabi ni Sam. "Kasi minsan, if you don't have the communication, it gets ano... That's one thing we didn't have, time to talk. We were supposed to talk sa set [ng Dyosa] naman, not the right place. That was a long time we didn't get to talk. Nagkausap lang kami pagkatapos ng trade show, Tuesday night, afterwards kami nag-usap."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi man kasing dalas kung mag-usap o magkumustahan sina Anne at Sam ngayon, ang importante ay natapos na ang kanilang gap.

NO RECONCILIATION. Bilang pagtatanggol sa sarili, nilinaw ni Sam na hindi niya gusto ang nangyari sa samahan nila ni Anne, na matapos maging magkaibigan ay nagkaibigan naman, tapos nagkahiwalay, muling nagkabalikan, at naghiwalay uli at ngayo'y friends uli.

"Ayaw ko ng ganyan. Pero siyempre sana if you really love someone, kung may problema, ayusin ninyo. No back and forth, medyo mahirap ‘yan. Pero things happen in life," aniya.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Sam na hindi sila nagkabalikan ni Anne, pero okey na sila bilang magkaibigan. Hindi nga lang maintindihan ni Sam kung bakit ipinipilit ng iba na kailangan niyang mangako kay Anne, samantalang maganda ang naging pag-uusap nila at hindi napag-usapan ang pagbabalikan nila.

"Kung ano ang mangyayari sa buhay namin, if we get back, if we become friends, yun ang mangyayari. I can't predict the future. I don't know what's gonna happen. Basta, we're really okay.

"We had a good talk. We don't need to give details about our talk, kasi it's personal. It's really for us. We really came out and we said everything we needed to say, I said everything I need to say. I just wanna tell you guys that we talked and it was a good talk. Tama na ‘yon," pahayag ng Fil-Am actor-singer.

Sa pananaw ni Sam, simple lang naman ang klase ng relasyong gusto niya.

Continue reading below ↓

"Basta yung relationship na we're two people na parang tinutulungan nila ang isa't isa. They never stop growing as a couple. They never stop and help each other. That's what makes a relationship worth. You should bring out the best in each other. If you bring out the best in each other then, go na go. I'm not saying na hindi gano'n ang relationship namin Anne. Yun lang ang gusto kong relationship," saad niya.

Nabalitang ang hectic work schedules nina Sam at Anne ang isa sa mga rason ng gap na nauwi sa hiwalayan. Itinanggi ito ng aktor, pero inamin niyang part din ito kung bakit nagkakaproblema ang magkasintahan.

"If you really want to be with someone, kahit malayo, you can't say na that's the reason for breakup," ani Sam. "When you wanna be with someone, if you love that someone, kahit walang oras, you can make time or even just talking on the phone, that's enough. But it was hard during that time for us to talk ni Anne. The things we needed to talk about, walang time. But it's not part of the reason."

Continue reading below ↓

NO THIRD PARTY. Inilalabas ni Sam si Jericho Rosales sa rason ng hiwalayan nila ni Anne. Matatandaang sumulpot ang intrigang nagselos daw si Sam nang makaabot sa pandinig nito ang balitang closeness nina Anne at Jericho sa set ng ginagawa nilang pelikula, ang Baler ng Viva Films.

"Kung lagi akong nagseselos sa mga ka-love team niya, e, di palagi na lang kaming nagbi-break!" nakangiting sabi ni Sam.

Sumusumpa si Sam na wala pa siyang ipinapalit na ibang babae kay Anne. Gusto muna raw niyang mag-concentrate sa kanyang career, lalo't lalabas ang kanyang album. Naumpisahan na rin niya ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo sa direksiyon ni Loren Dyogi para sa Star Cinema. Isa itong heavy drama kaya kailangan raw ni Sam na maghanda para dito.

ISSUE WITH KRIS AQUINO. Ipinagdiinan naman ni Sam na hindi niya inirapan si Kris Aquino noong iwasan diumano siya ng TV host nang minsang mag-guest siya sa The Buzz.

Continue reading below ↓

Hindi lang kasi magkaibigan kundi itinuturing ni Kris na younger sister si Anne. Very vocal din si Kris sa pagsasabing nakikisimpatiya siya sa pinagdadaanang sakit ni Anne nang bago-bago pa lang ang breakup nila ni Sam.

Kuwento ni Sam, "Nandoon ako sa The Buzz. I didn't think she [Kris] was happy with me ‘cause I have been ano, di ba? When I saw her, of course I always say hi to everybody and I want to apologize to Ate Kris if she came up that way.

"Pero when I saw her, she was coming towards me, I was talking to Tito Jobert [Sucaldito]. When I saw Ate Kris coming, she's like this, may kinakausap siya sa cell phone. Akala ko, ayaw niya akong kausapin. Okay. I really feel bad na kung lalapit ako, walang reaksiyon.

"So, I turned back to Tito Boy [Abunda] and talking to him, and Ate Kris was walking right pass me, nakaganyan pa rin [may kausap sa phone]. Akala ko ayaw niya. So I just kept talking to Tito Jobert and then she talked to me. I made her beso afterwards. She thought nga I was going to snub her. Nagulat ako na she thought I was going to snub her. Akala yung ayos niya, mukhang ayaw niya akong kausapin," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Hindi raw inisip ni Sam noong mga sandaling inakala niyang ayaw siyang pansinin ni Kris ay dahil kay Anne. Alam ni Sam na malapit ang TV host kay Anne, pero hindi niya inisip na pepersonalin niya ito.

Kung sakali mang hindi siya pinansin ni Kris noong mga sandaling ‘yon ay maiintindihan ni Sam ang TV host dahil sa pagiging malapit nito kay Anne. "Little sister" nga ang tawag ni Kris kay Anne. Natural lang daw na protektahan ni Kris si Anne dahil close friends ang dalawa.

Ang pinagtatakhan lang ni Sam ay ang balitang lumabas na pati ang isa pang host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez ay inisnab din niya. Wala kasing natatandaan si Sam na dinedma niya si Ruffa.

Kahit alam ni Sam na inosente siya sa isyu, humihingi na rin siya ng apology kay Ruffa kung sakali mang napagkamalian nitong inisnab niya ito.
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We had a good talk. We don't need to give details about our talk, kasi it's personal. It's really for us. We really came out and we said everything we needed to say, I said everything I need to say. I just wanna tell you guys that we talked and it was a good talk. Tama na ‘yon," says Sam Milby about ex-girlfriend Anne Curtis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results