Eda Nolan relates Gian Carlos's grief over best friend Marky’s death

IMAGE 0


"Pero sobrang nasaktan siya, hindi nga natulogkagabi 'yon," says Eda Nolan (main photo) about her boyfriend Gian Carlos (inset, bottom), who wasdeeply hurt by the loss of his best friend Marky Cielo (inset, top).


Hindi naiwasan ng entertainment press na tanungin ang youngactress na si Eda Nolan sa press conference ng Dragonna kahapon,December 8, tungkol sa reaksiyon ng kanyang boyfriend na si Gian Carlos sa pagkamatay ng matalik nakaibigan nito at ka-batch sa StarStruck na si Marky Cielo.

Matatandaan na si Gian ang naging First Prince ni Marky nang manalong Ultimate Male Survivor at Ultimate Sole Survivor ang yumaong aktor sa StarStruckBatch 3.

Ayon sa kwento ni Eda, lubos daw na ikinagulat ng kanyangboyfriend at ama ng kanyang unang anak ang pagpanaw ng kanyang matalik nakaibigan.

"Parang kapatid na niya 'yon, e," pahayag ni Eda. "Iyak lang siya nang iyak nang dumatingsiya. Until now, parang hindi pa rinsiya makapaniwala."

Kuwento pa ni Eda, nang puntahan nila ang mga labi ni Marky saAntipolo noong Linggo, December 7, ay nasa stretcher pa lamang ito. Hinayaan daw niya si Gian na makita sa huling sandali ang kaibigan.

"Kasi kahapon, ang nasa utak lang talaga niya, parang hindisiya makapaniwala, bakit nangyari kay Marky 'yon.? Noong pumunta kami doon, binigyan ko rin siya ng time na makausapang mga kaibigan niya doon"

Halos hindi raw matigil sapag-iyak ni Gian hanggang sa kanilang pag-uwi.

"'Yon, iyak lang siya nang iyak," paglalarawan ng 19-year-oldactress. "Hanggang sa umuwi kami,ikinukuwento niya sa akin, parang inaalala lang niya kung ano 'yong mgapinaggagawa nilang dalawa. Kumbaga,'yon lang ang ano niya..."

Samantala, nabanggit ng ina ni Marky na si Mrs. MildredCadaweng na may napag-usapan silang problema ng kanyang anak ilang oras bagonatagpuan nakahandusay ang binata sa kanyang kuwarto. (Click here to read related article.) Hindi tuloy naiwasan ng ilang miyembro ng media na tanungin si Eda kungnakakapagkuwento ba si Marky ng mga problema niya kay Gian.

"Hindi ko lang kasi natanong sa kanya, e," sagot niEda. "Pero ang alam ko kasi, si Markynagsasabi ng problema sa kanya, ganun din siya, kasi best friends nga sila, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, ayon kay Eda, dinadamayan na lamang niya angkanyang kasintahan sa kanyang pagdadalamhati.

"Binibigyan ko rin kasi ng privacy si Gian, e. Hindi ko rin siya masyadong tinatanong aboutdoon. Kumbaga, si Gian sobrang depresseddin siya," pagtatapos ni Eda.

Si Gian ay may sakit na hemophilia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN