Manny Pacquiao reveals secret of success in beating Oscar de la Hoya

IMAGE 0


"Alam n'yo, kahit tinalo ko si Oscar, iniidolo ko pa rinsiya. Ako, alam n'yo lahat ng ito, hindi ko kayang i-explain, pero galing itonglahat sa Panginoon," says Manny Pacquiao.



Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng tagumpay ni Manny Pacquiao laban sa Mexican-American boxing great nasi Oscar de la Hoya, nakausap siya nang live via phone patch ng ShowbizCentral kahapon, December 7.

Umpisa pa lamang ay puro pasasalamat na ang namutawi sabibig ni Manny habang kinakausap ng dalawang hosts ng Showbiz Central na sinaPia Guanio at John "Sweet" Lapus.

Nanalo si Pacquiao via TKO nang umayaw na si De la Hoyapagkatapos ng Round 8.

Mukhang sa umpisa pa lang ng laban, halatang confident na angPambansang Kamao. Ni isang round lang ay hindi niya napagbigyan si De la Hoya.Bakit kaya ganoon na lang ang naging bagsik ni Manny sa laban na ito?

"Siyempre, malaki siya. Hindi natin pinagbigyan ngpagkakataon na makaporma pa siya. Pero alam mo, nadinig lahat ng dalangin ko saMahal na Panginoon, na manalo sa fight na ito," saad ni Manny.

Tinanong naman ni Sweet si Manny kung ano ang pakiramdam nanatalo niya ang tinaguriang Golden Boy?

"Masayang-masaya ako," sagot ni Pacman. "Alam mo, hindilamang para sa akin pero galing sa Mahal na Panginoon ito. Because of my faithto God, nanalo ako. Sa Kanya lahat galing ito at para sa Kanya ang karangalanna ito."

Sinabi ni Pia kay Manny na bilib na bilib sila kay Manny sapananalig niya sa Diyos dahil nakikitang palagi siyang nagdarasal. But how doesit feel na wala sa ringside ang kanyang pregnant wife na si Jinkee Pacquiao parapanoorin siya?

"Mas pabor sa akin yun, kasi hindi ako magwo-worry na yungasawa ko, buntis, nasa corner ko. So, nag-decide na lang ako na sa hotel nalang siya manood para hindi siya masyadong ma-stress at hindi ako masyadongmag-worry," sabi ni Manny.

Nasaktan man lang ba siya kahit konti sa naging laban nilani De La Hoya? Kapag pinapanood daw kasi si Manny at natatamaan ay parang walalang ito sa Filipino boxer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasaktan din doon sa mga tama niyang pailan-ilan. Perotalagang ganoon ang boxing. Natitiis ko naman ang mga suntok niya."

Siyempre pa, itinanong din ni Pia kay Manny kung ano angpakiramdam niya sa sinabi ni Oscar na si Pacquiao na ngayon ang idol ng GoldenBoy.

"Alam n'yo, kahit tinalo ko si Oscar, iniidolo ko pa rinsiya. Ako, alam n'yo lahat ng ito, hindi ko kayang i-explain, pero galing itonglahat sa Panginoon."

Would he say na mas mabagal si De La Hoya ngayon kungikukumpara sa mga nakaraan niyang laban?

"Hindi naman...mabilis naman siya ngayon," sagot ni Manny."Kaya lang, hindi siya makasuntok ng marami. Tuwing sinusuntok ko siya,kina-counter ko siya sa katawan. Actually, na-surprise siya sa kanan ko. Angbinabantayan kasi niya, naka-focus siya sa kaliwa ko. So, he's very surprisedsa kanan ko."

Natawa na lang si Manny sa sinabi ni Sweet na yun daw yataang naging sikreto ni Manny ngayon. Lalo pa't ang bilis ng galaw nito, to thinkna nagdagdag siya ng timbang.

Ayon kay Manny, darating na siya sa bansa sa Wednesday,December 10, pero hindi niya kasama si Jinkee. Maiiwan siya sa Amerika dahil nasa late stage na ito ng pregnancy at doon na itomaghihintay hanggang sa makapanganak.

May plano na ba siya sa muling laban niya at kung sinumanang naiisip niyang makalaban pa?

"Sa ngayon, wala pa naman akong iniisip. Trabaho ng promoterko ‘yan para makipag-negotiate sa ibang boxer. Sa ngayon, ako, bakasyon munaako. Spend time with my family. Birthday ko rin sa December 17, at kailangan korin umuwi dahil marami pa akong gagawin. At saka, yun nga, bakasyon muna."

Huling laban na ba niya ang engkuwentro nila ni De la Hoya.

Natawa si Manny sabay sabing, "May mga ilang labanpa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN