Jericho Rosales clicks with Anne Curtis but feels closer with Carmen Soo

IMAGE 0


"Kung five stars ‘yan, siguro si Carmen is three stars orthree and a half stars. Anne siguro is two and a half. That is because masmatagal kaming nagkasama ni Carmen. Pero kami ni Anne, click kami ni Anne. Pagnag-crack ako ng joke, tumatawa siya," says Jericho Rosales when asked to rate his closeness with leading ladies Carmen Soo and Anne Curtis.



Usap-usapan ang passionate at intense love scene ninaJericho Rosales at Anne Curtis sa pelikulang Baler, entry ng Viva Films at BidaProductions sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ay mula sadireksiyon ni Mark Meily.

Ayon kay Echo, hindi naman bastos lumabas angnasabing love scene at maganda naman ang pagkakagawa nito.

"It was a lovely scene. Direk Mark explained it to us beforewe did it. We were very comfortable in doing that scene. Maganda talaga siya.Very passionate pero beautifully executed," saad ni Echo nang ma-interviewsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Baler kahapon,December 9, sa 5th floor ng PAGCOR Executive Office sa Hyatt Hoteland Casino sa Manila.

May lumabas na balita na mas naging maselan daw si Jerichokesa kay Anne in doing their love scene. How true?

"Hindi naman," sagot ng aktor. "Sa lahat naman ng ginagawakong movies, kahit yung Santa-Santita [with Angelica Panganiban] dati pa, e,meron na talagang... Bukod sa pinipili ko yung roles na gagawin ko, tinitingnanko rin yung purpose bakit ko kailangang gawin yung love scene. And Direk Markexplained it to me kung ano ang purpose ng love scene namin.

"Ganun ako, e, nagtatanong talaga ako. Pero kapag sinabinaman na gagawin yung love scene not to excite or titillate people, okay akodoon. Kasi love story siya, natural lang na magki-kiss kayo. You know, throughthe years, may mga bagay akong na-realize as an actor. Meron akong mga hindimaintindihan dati. Yung mga limitations ko, hindi ko maintindihan. But now,naiintindihan ko na.

"Hindi naman ako gagawa ng movie just to titillate people, orto show my body to excite people, or to look sexy on screen. I always do filmsna may saysay, may buhay. To make the long story short, I want every film namay impact sa tao, a positive and wholesome impact sa tao, even though matureroles yung gagawin ko," mahabang paliwanag ni Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH ANNE. More than the love scene, masproud at excited si Echo para sa pagkakasali ng Baler sa MMFF. Happy rin siyana makatrabaho si Anne.

"I'm very excited about the filmfest," sambit niya. "I'm soexcited for the film. This is the first period film that I've done. Good thingshave been happening since nag-start pa lang naming gawin yung movie. I'mso happy for Direk Mark Meily, for the cast, for the crew, for myself. I'm soproud of Direk Mark because despite his coolness, he has this wonderful visionsa movie namin, and I really enjoyed portraying the role of Celso. I enjoyedworking with Anne, too. She's a real pro."

Meron bang posibilidad na magtambal sila ulit ni Anne pagkatapos nitong Baler?

"I wish. Depende kay Anne."

Ano ang mga qualities na nagustuhan niya kay Anne?

"She's very good. She's a bright light in the set. Peoplelove her and I've seen it sa Baler. The people liked her a lot."

So, posible bang ma-in love siya at ligawan si Anne?

"Excited lang ako to be working with her. Hindi ko pa siyanakakasama before. She's very beautiful. But I respect the fact that she camefrom a failed relationship. Kaya courting her now is not in my mind. She hasvery good qualities. I like her. Ano siya, e... honest siya sa tao, malapit satao, magaling na artista, siyempre maganda. Pero yung ligaw, hindi ko munainilalagay sa isip ko. Hindi ko pa mahanap yung timing para sa sarili ko, e,"saad ni Echo.

BECAUSE OF CARMEN? Kaya ba hindi niya maituloy angpanliligaw kay Anne dahil meron na siyang Carmen Soo, ang kapareha niya sadrama series na Kahit Isang Saglit?

"Hindi naman ganun," tanggi ni Echo. "I like Carmen verymuch. She's one of the brightest and wonderful persons whom I have worked with.We became friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Carmen is very special to me, to be honest with you. Maramikaming pinagsamahan at pinagdaanan when we were doing our soap, Kahit IsangSaglit. Yung time na namatay si Manong [director Gilbert Perez], yung time nanasa Malaysia ako, yung mga pinagdaanan naming saya at hirap sa soap.

"With Anne kasi, kailan lang kami nagkakilala. Although alamko naman na mabait siyang tao. If you would really look into it, I'm really upfor friendship kasi, e. Hindi naman komo't magpa-Pasko, e...ayokong madaliin.Yung manliligaw ako ng babae dahil magpa-Pasko, ayokong ganun ang maging rason.This time I would choose to be single muna."

Sa level of closeness, how would he rate his closeness withCarmen and Anne?

"Kung five stars ‘yan, siguro si Carmen is three stars orthree and a half stars. Anne siguro is two and a half. That is because masmatagal kaming nagkasama ni Carmen. Pero kami ni Anne, click kami ni Anne. Pagnag-crack ako ng joke, tumatawa siya," sabi ni Echo.

Noon bang time na na-depress si Anne dahil sa breakup nilani Sam Milby ay inaliw niya ba ang dalaga?

"Well, enough na yung fact na nakikita kong okay siya.Pinapatawa-tawa namin. And we would make kuwentuhan here and there. Honestly,wala naman akong nakitang depression kay Anne. Always happy ang set namin. Perosaludo ako kay Anne kasi napaka-professional niya. Hindi niya ipinakita sa aminang kalungkutan na ‘yon."

Going back to Carmen, dati sa launching ng KahitIsang Saglit, nasabi ni Echo na hindi pa sila nakakalabas ni Carmen. Peronagbago na nga ang lahat ngayon dahil madalas na silang lumalabas kapag nasabansa ang Malaysian actress-model.

"Oo nga, na-realize ko rin kasi kailangan ko siyang ipasyal,"sabi ni Echo. "Kasi wala naman siyang ibang malapit na kaibigan rito kundi akorin. Meron kaming mga lunch out, dinner... Siyempre kaibigan mo siya nadumadalaw sa Pilipinas, di ba? Gusto ko lang ding maging polite, siyemprekaibigan ko siya, masaya ako kapag kasama ko siya. You know, I promised her naevery time na pupunta siya sa Manila, I'll bring her out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Happy nga si Echo sa sunud-sunod na projects na ginagawaniya ngayon.

"Yeah, happy ako and thankful kay God at sa ABS-CBN, salahat ng sumusuporta sa akin, sa Genesis. Siyempre, with Kahit Isang Saglitkahit patapos na. Tapos itong Baler. May new projects pa next year sa TV andmovies. May gagawin kaming pelikula ni Kristine [Hermosa] with Carmen. Happyrin ang Christmas ko. I'll be spending it sa bagong bahay ko. First Christmasko sa bahay."

Proud din si Echo sa Baler dahil iniendorso ito ngDepartment of Education at ng National Commission for Culture and Arts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN