Cristine Reyes confirms having two Kapamilya suitors

IMAGE 0


"May girlfriend na yung isa. Ayoko ng ganoon, di ba? Yungisa naman, hindi sa ayoko sa kanya, pero, ayoko muna kasing makapag-ano ngayon...E, yun pa nga, sabi ko dati, crush ko. Pero ganoon ako, kapag nandoon na, ayokona," reveals Cristine Reyes about the two ABS-CBN young actors who arecurrently wooing her. But she refuses to name them.


Mag-iisang taon nang Kapamilya si Cristine Reyes. February ofthis year nang lumipat si Cristine Reyes sa ABS-CBN from GMA-7. At kitang-kitanaman sa aura ni Cristine na masaya siya ngayon bilang isang Kapamilya.

"Sobrang happy at marami na rin naging kaibigan at hindinaman ako nalulungkot. Like sinasabi ng iba na iba raw sa ABS, ganyan-ganyan,pero, hindi naman. Nang magtagal, talagang naging at home na rin ako. Kapagtaping ng Banana Split, lahat kaminggirls, kulitan. Nakaka-text-an ko.

"Kahit yung sa KahitIsang Saglit, nakaka-text-an ko. Si Direk Jerry Sineneng, si Carmen Soo,kahit nasa Malaysiasiya, nagkaka-text kami. Naging close ko rin yung mga nasa Eva Fonda. Marami na at nakakabuo na rin ako ng group of friends saABS," kuwento pa ni Cristine.

Hindi naman itinanggi ni Cristine na na-tension daw siya nanghusto nang unang emere ang kanyang unang pinagbidahan na primetime series.

"Sobra! Nasa plane pa ‘ko nun, galing akong Davao. Hindi konapanood ang pilot, e. Pray ako nang prayna sana, mataasang rating. ‘Tapos, Tuesday nalaman. Pinakamataas siya sa primetime! So,sobrang saya! Hindi ko naman hinahangad na mataasan lahat, ang sa akin langtalaga, sana mag-rate.

"So, happy ako kasi, ito ang first lead ko. So, happy ako namataas ang rating niya at parang tingin ko pa lang sa akin, nagsisimula palang. At least, nahabol din."

DARING EVA. Idinepensa naman ni Cristineang serye niya sa nagsasabing sobrang daring nga raw ito na may pagka-bold na.

"Hindi naman. Hindi naman siya bastos. Kasi, kung bastossiya or sexy, ika-cut na ng MTRCB [Movie and Television Review and ClassificationBoard], siyempre, bago namin ito ipalabas sa TV, mauuna muna ang MTRCB, and forthe record, wala silang na-cut. Lahat naaprubahan.

"May story siya, drama. Actually, this week, puro drama na.Na-rape na siya, nangyari na lahat ng tragedy, so, puro drama na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-feel niya ba na kahit paano, "made" na rin siya becauseof Eva Fonda?

"Hindi pa...gusto ko pa ng another project like movie. Yungpuwede ko pang patunayan na kaya kong gawin kahit na ano, gusto ko pa."

Okey na ba sa kanya na nalilinya na talaga siya sa mga sexyroles and movies?

"Okey lang...kahit saan ako mahilera. At least, hindi akonai-stuck sa comedy lang or sexy lang. At least, versatile."

DENNIS TRILLO. Nagulatna lang si Cristine na may isyu raw pala na peke lang angnaging breakup nila ni Dennis Trillo at silang dalawa pa rin daw.

"Hindi ko nga alam bakit may ganoon. Sino ba ang nagsasabi?Para sa akin kasi, ang tagal na ng isyu. Sana,huwag na lang nilang ibalik."

September pa raw nang mag-break sila.

"Sana lang talaga, huwag nang ibalik yung ganoong isyu kasi,pareho na kaming okey, di ba? Never narin kaming nagkita at saka, malabo na rin siguro dahil nasa ABS na ako."

Wala na ba si Dennis sa puso niya?

"Wala na..."

May pumalit na ba rito?

"Wala pa," natatawa niyang sabi. "Niloloko nga nila ako,parang hindi raw ako. Pero at least, di ba? Kahit walang love life, happy namansa career."

Hindi nga kaya ganoon yun?

"Ganun? Tingnan natin, hindi naman porke marami akongblessing sa career, hindi ko sinasadya na huwag akong mag-boyfriend. Nagkataonlang talaga."

Pero may mga manliligaw?

"Hindi sila yung nanliligaw na consistent. Pero ayoko rin, e. Ayoko ng text-text, kaya nagbago ako ngnumber, e."

KAPAMILYA SUITORS.Meron daw dalawang sikat na young actors from Kapamilya network na patuloysiyang tine-text.

"Oo, pero, ayokong mag-name. Bahala sila."

Dugtong pa niya, "Nagpalit na ‘ko ng number. Saka hindi rinnaman ako nagre-reply kapag nagte-text sila."

Bakit naman?

"Kasi ayoko, e, ayoko na muna...Kaya kapag nagkasalubong kami,sinasabing ‘Tinext kita.' Sinasabi ko na lang, ‘Oo nga.' Kunwari na-receive kopero hindi ko na lang sinasabing nag-iba ako ng number."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw gusto ni Cristine yung isang young actor nanagte-text sa kanya dahil may girlfriend na ito.

"May girlfriend na yung isa. Ayoko ng ganoon, di ba? Yungisa naman, hindi sa ayoko sa kanya, pero, ayoko muna kasing makapag-ano ngayon...E, yun pa nga, sabi ko dati, crush ko. Pero ganoon ako, kapag nandoon na, ayokona," natatawa niyang sabi.

BREADWINNER? Ayawnaman sabihin ni Cristine na siya na ang breadwinner ng pamilya, lalo pa'tmaganda ang nagiging takbo ng career niya ngayon at consistent ang mga projectsniya. Bukod sa mga TV projects niya, siya rin ang image model ng Fiona atMint.

Aniya, "Tumutulong, siyempre. Kailangan ko rin naman tumulong dahilkumikita na rin naman ako. Minsan, ako na ang sumasagot sa ibang gastusin.Binibigyan ko ng monthly allowance ang mommy ko.

"'Yung mga kapatid ko, kung may kailangan sila at hindi nilakaya, nag-aabot ako. Sa lahat ng gastos sa bahay, ako na rin in a way."

WANTS TO BE VI. Sangayon, marami pa raw siyang gustong ma-achieve.

"Sabi ko nga, tingin ko naman, nagsisimula pa lang ako. Siyempre,gusto kong maging respetadong artista. Yung maging aktres katulad ni...Siyempre,ang hirap nang ma-attain yung narating ni Ms. Vilma Santos, pero, lahat naman nilu-look-up siya.

"Ang sa akin lang, gusto ko yung maging ganoong klasengstatus."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN