Manny Pacquiao avoids talking about politics

IMAGE 0


"I don't want to talk about that [politics], kasi katataposlang ng laban ko. Gusto ko munang mag-enjoy sa pagkapanalo ko at mag-enjoytayong lahat dahil nakapagbigay na naman ako ng karangalan sa ating bansa.Taas-noo tayo kahit sang sulok man ng mundo," says Manny Pacquiao when asked about reports that he'll run for Congress in 2010.



Kahit napaka-hectic ng schedule ng People's Champ na siManny "Pacman" Pacquiao ngayong araw na ito, December 10, ay napagbigyan pa rin niya ang ilangmiyembro ng media mula sa entertainment at sports sa press conference naipinatawag ng GMA-7 kaninang tanghali sa 17th floor ng GMA NetworkCenter.

Dumating si Manny kaninang madaling-araw pagkatapos niyangtalunin ang boxing legend na si Oscar de la Hoya sa kanilang "Dream Match"noong Linggo, December 7 (December 6, U.S. time). Nagpahinga lang sandali siManny at pagkatapos nito ay pumunta na siya sa Quiapo church sa Maynila upangmagsimba at magpasalamat sa kanyang panibagong tagumpay.

Pagkatapos ng misa ay nagpunta siya sa Malacañang paramag-courtesy call kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tapos ay dumiretso siyasa GMA Network para sa kanyang live guesting sa SiS.

Pagkatapos ng SiS ay kasabay niyang nananghalian ang mgaexecutives ng GMA-7, sa pangunguna ng presidente nitong si Atty. Felipe Gozon, sa 17th floor ng GMA Network Center.Sumunod na agad dito ang interviews niya sa iba't ibang programa ng GMA-7 atsa entertainment and sports media, kabilang ang PEP (Philippine EntertainmentPortal).

NO POLITICS...FOR NOW. Pagkaupong-pagkaupo pa lang ni Manny sa mesa ng entertainment at sports media ay sinalubong na siya agad ng intriga. Naging headline kasikahapon, December 9, sa ilang pahayagan ang diumano'y pagsabak niyang muli sapulitika. Kung noong 2007 ay tumakbo siya bilang congressman sa kanyang bayansa General Santos City, sa 2010 ay ang pagiging congressman naman daw ng QuezonCity ang puntirya ng boksingero.

Pero kahit na anong pilit ay panay ang iwas ni Manny napag-usapan ang tungkol sa pulitika.

"I don't want to talk about that [politics], kasi katataposlang ng laban ko. Gusto ko munang mag-enjoy sa pagkapanalo ko at at mag-enjoytayong lahat dahil nakapagbigay na naman ako ng karangalan sa ating bansa.Taas-noo tayo kahit sang sulok man ng mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag na nating pag-usapan ‘yan kasi hindinaman eleksiyon bukas, o next month. Walang eleksiyon ngayon. Ang pag-uspaannatin, kung paano tayo umunlad. Bakit hindi natin gayahin yung ibang bansa? Pagwalang eleksiyon, naka-focus talaga sila sa ekonomiya nila, kung paano silaumunlad. Dito sa atin, kakaiba, kasi kahit walang eleksiyon, ang pinag-uusapan,pulitika! I mean, paano tayo uunlad, paano tayo uusad sa buhay natin kung ganunlagi ang pag-uusapan natin?

"Higit sa lahat, ito prove na prove ko na 'to, talagangkailangan n'yong magdasal sa Panginoon, magtiwala, dahil Siya lamang ang tangingnakakaalam lahat. Siya ang may likha sa ating lahat. Without God, wala tayo,we're nothing," mahabang pahayag ni Manny.

Nang may humirit ulit tungkol sa puilitika, na bago raw siyaumalis ay nakapag-usap na raw sila ng isang congressman, ito ang sinabi niManny: "Alam mo, pasensiya ka na, ayoko talagang pag-usapan ang pulitika. Akokasi, gusto ko focus tayo ngayon sa bansa natin, kasi wala namang eleksiyon, e.Sabihin n'yo election ngayon, o sa makalawa, o next month, sige, pag-usapannatin ang pulitika. Pero wala namang eleksiyon ngayon, e."

BIRTHDAY BOY. Sa December 17 ay ise-celebrate ng boxingchamp ang kanyang 30th birthday. Ano naman ang kanyang birthdaywish?

"Magkaisa tayong lahat, at saka magkaroon kayo ng relasyonsa Mahal na Panginoon," sagot niya.

Dito ay ipinaalala ni Manny ang kahalagahan ng pagkakaroonng magandang relasyon sa Itaas.

"Ang tanong ko sa inyong lahat, ano ba ang relasyon n'yo saMahal na Panginoon?" tila hamon niya sa mga kaharap na press. "I-sample kolang ha, example lang, halimbawa may mga pamilya kayo, may asawa kayo, ilangtaon kayo hindi magkita, gusto n'yo magkita... Ganoon din ang Panginoon, gustoNiya lumapit ka sa Kanya. Sabi nga ng Panginoon, kumatok kayo, kayo aybubuksan. Kapag nagsisi kayo, lumapit ka sa Kanya, pakikinggan lahat ng dasalnatin, uunlad tayo sa buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa General Santos City raw ise-celebrate ni Manny angkanyang kaarawan.

"Mamimigay ako ng kahit papaano, konting tulong sa mgakababayan ko sa abot ng aking makakaya. Kahit papaano, mapasaya ko sila, yungilang pamilya doon," banggit ng Pambansang Kamao.

Pagkatapos nito ay babalik daw siya Amerika kasama ngkanyang mga anak upang samahan ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao. Doon naraw sila magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon, hanggang sa makapanganak siJinkee ng kanilang ika-apat na anak ni Manny.

Sa first week of January ang due date ni Jinkee at "QueenElizabeth" daw ang ipapangalan nila sa kanilang anak. Ang iba pa nilang mgaanak ay sina Jimuel, Mike, at Princess.

Ayon kay Manny, posibleng madagdagan pa ang kanilang mgaanak dahil "gusto ko maraming anak."

THE DREAM MATCH. Marami ang nagbunyi sa panalo ni Mannylaban kay Oscar de la Hoya, lalo pa't bago magsimula ang kanilang "Dream Match" aymarami ang nagsasabing dehado ang Pinoy boxer. Pero pinatunayan ni Manny nasiya pa rin ang best pound-for-pound boxer sa mundo nang pasukuin niya si Oscarpagkatapos ng 8th round ng kanilang 12-round fight.

Tinanong ng PEP si Manny kung gaano kaimportante angpagkapanalo niya kay De la Hoya, na may sampung world titles sa anim na weightclasses, bukod pa sa pagiging gold medalist sa Barcelona Olympics noong 1992.

"Napakaimportante nun, grabe!" bulalas ni Manny. "Yun angpinakaimportante sa boxing career ko, sa buong buhay ko. Kasi that was ahistoric fight, e. Yung laban na ‘yon, history ‘yon dahil in one year, threedivisions [super featherweight, lightweight, at welterweight] yung nilabanan ko.First time na nangyari ‘yon sa boxing. In one year, three divisions na malalakipa. Tapos kauna-unahang Pilipino rin na gumawa ng ganun...hindi lang sa Pilipinaskundi sa Asia."

Inakala ba niya na magiging ganun kadali yung laban nila niDe la Hoya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naniniwala ako na mananalo ako, pero hindi ko in-expect naganun kadali," sagot ni Manny. "Pero talagang grabe ang sakripisyo ko dun satraining. Although maraming balitang lumalabas, pero sabi ko sa team ko, ‘Huwagkayong mag-comment. Mag-concentrate na lang tayo sa training, kasi tayo namanang kawawa. Pagdating dun sa laban, mag-focus tayo, pag-aralan nating mabutikung anong gawin natin.'

"Ngayon, nagawa namin yung mga dapat naming gawin. Masmaganda yung kinalabasan ng laban," aniya.

Ipinagkibit-balikat naman ni Manny ang intriga na ibinigaylang daw ni Oscar ang laban kay Manny kaya siya nanalo.

"Sabi ko na, e. Noong una, mismatch ang laban, bubugbuginlang ako. Tapos nung matalo na, nagpatalo! Kung ganyan ang mga... Hayaan mo angmga taong mag-isip ng ganun kasi hindi nila alam yung mga ginagawa nila. Sanaturuan natin silang magmahal sa kapwa, magdasal sa Panginoon.

"Isa lang ang masasabi ko sa inyong lahat, ang taonggumagawa ng istorya sa kapwa, ibinababa ng Panginoon. Alam mo ang karma niya,hindi ‘yan sili na umaanghang kaagad. Hindi mo malalaman na ‘yon na pala angkapalit ng mga ginawa mo.

"Katulad ng mga bumabanat sa akin before the fight, mismatchang laban, mabubugbog ako, mana-knockout lang daw ako... Tapos sabi nila,mag-comment ka sa mga ano nila, sabi ko, hindi ako magku-comment. Balang-araw,pagkatapos ng laban namin, kakainin din nila ‘yang mga sinasabi nila. Sabi konga, ‘pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay!" natatawang sabi ni Manny.

Ilang oras pagkatapos ng laban nina Pacquiao at De la Hoyaay tinawagan si Manny ng nakalaban niya noon na si David Diaz. Hindi kasimakapaniwala si Diaz na magagawang talunin ni Manny si Oscar kaya nasabi niDiaz kay Manny ito: "How did you do it? You are inhuman. You did a heck of a job."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang naging sagot ni Manny kay Diaz, na tinalo niyanoong June 28, 2008?

"Sabi ko, ‘Of course, I'm human! I'm human like you!' Sabiko, ‘I'm just lucky. I'm blessed by God.' Talagang ipinagdasal ko lang kayaako naging ganun," sagot ni Manny.

Sa lahat ng karangalang ibinibigay ni Manny sa Pilipinas,ano ang inaasahan niyang maging kapalit?

"Ay, wala akong kapalit [na hinihingi]," sabi niya. "Alam mo, sa bawatpanalo ko, alay ko sa ating lahat. Hindi ko inisip sa sarili ko lang.Sa bawat panalo ko, gusto kong malaman nila na sa kabila ng tagumpayko,nakasama ko ang Panginoon. Lagi kong ipaalam sa kanila na ang tagumpayko,hindi lang sa sarili ko. Kung hindi dahil sa Panginoon, hindi akomagigingganyan."

CONVERSATION WITH GOD. Napansin ng press ang madalas napagbanggit ni Manny sa Panginoon kaya naitanong sa kanya kung kailan siya nagsimulangmaging ispiritwal. At dito na niya ikinuwento ang aniya'y hindi kapani-paniwalangunit totoong nangyari sa kanya.

"Hindi kayo maniwala na ako'y kinausap ng Panginoon,"seryosong sabi ni Manny. "Kaya ko sinasabi sa inyo ito, kasi I'm so lucky na ilangbilyon ang tao sa buong mundo, pero kakausapin ka ng Panginoon, bihirangmangyari ‘yan."

Ayon kay Manny, sa pamamagitan daw ng isang panaginip siyanagkaroon ng pagkakataon na makausap ang Panginoon.

"Pagkatapos nun, umiyak ako nang umiyak. Tapos nagising ako,pag-ano ko sa unan ko, basang-basa. Pati yung buhok ko rito [sa likod],basang-basa!"

Ano ang mga sinabi kanya ng Diyos?

"Yung time kasi na ‘yon, medyo natututo ako sa mga barkada,ganyan. Sabi Niya, ‘Anak, bakit ka lumayo sa akin?' Tapos ang laki ngboses. Mas matulis pa sa kidlat, malaki pa diyan. Ang sinag ng araw,hindi momatingnan," kuwento niya.

Kailan ito nangyari?

"Nagba-boxing na ako, pero hindi pa ako nananalo no'n... Ditona sa Maynila. Gusto kong i-share sa inyo na ang Panginoon, nandiyan lagi... Hindiko inambisyon na maging pari ako, ang gusto ko lang mai-share sa inyo yunghangarin kong ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT'S NEXT FOR MANNY? Kailan ang susunod na laban ni Manny?

"Siguro mga June," sagot niya.

Bagamat marami ang nagsasabi na alinman kina Ricky Hatton atFloyd Mayweather Jr. ang susunod na sasagupain ni Manny, ayaw munang sabihin ngPinoy boxer kung sino ang makakalaban niya.

"Hintay lang ako kung sino maghamon. Kung walang maghamon,wala munang laban. Boxer lang kasi ako, kung sino ang ibibigay sa akin ngpromoter ko na kalaban."

Ilan kaya ang magiging laban niya sa 2009?

"Puwedeng isa lang, puwedeng dalawa."

Mga ilang laban pa kaya ang susuungin ni Manny bago siya tuluyang mag-retire?

"Kung ako, nasa isip ko malapit na rin ako dahil ayokonghintayin yung panahon na magkaroon pa ako ng karamdaman sa katawan. Alam mo‘yang boxing, physical masyado, di ba? Ako nga, hindi ko ineengganyo yung mgabata na mag-boxing kayo, ganyan. Kasi one in a million lang maging katulad ko.Kung lahat siguro ng boskingero, maging katulad ko, e, di pagboksingin ko nasilang lahat!" lahad ni Manny.

Totoo bang magre-retire na siya sa 2010?

"2009 nga, gusto na akong mag-retire ng nanay ko, e!" tawani Manny.

Pero bago sumabak sa kanyang susunod na laban si Manny, mapapanoodmuna siya sa upcoming primetime series ng GMA-7, Totoy Bato, kung saanmakakasama niya sina Robin Padilla at Regine Velasquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN