Baron Geisler laments "trial by publicity"

IMAGE 0


Baron Geisler is not happy with the Department of Justice (DOJ) prosecutors' resolution on the acts of lasciviousness case against him by Patricia Martinez. He claims the prosecutors were swayed by the "bad publicity" about him, plus the fact that one of the prosecutors was also a woman.


Marami nang pinagdaanan sa buhay si Baron Geisler na kungtutuusin ay masasabing mabigat na para sa kanyang edad. Pero sa kabila ng mgahindi-birong mga pangyayari kay Baron, ang maganda naman sa aktor ay ang drivenito na manatiling nakatayo sa mga pagsubok at mag-survive.

Tulad na lang ng recent developments na nangyari ukol sa kasong inihainlaban sa kanya ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila na siPatricia Martinez. Matatandaang sinampahan ng kasong acts oflasciviousness si Baron ni Patricia dahil sa diumano'y pambabastos ngbinata sa dalaga nina William at Yayo (click here to read related story ).

Kamakailan ay inaprubahan na ng mga nag-iimbestigang Department ofJustice (DOJ) prosecutors ang pagsasampa ng kasong acts oflasciviousness laban kay Baron. Diringgin ang kaso sa Makati RegionalTrial Court.

Gayunpaman, tila hindi alintana ni Baron angbagong dagok na ito sa kanyang buhay. Bagkus, tinitingnan na lang niya ang masmagagandang blessings na meron siya at darating pa sa kanya.

"Actually, it's still a very successful year naman for meand for my family, as well. I'm very happy kasi kahit every downfall, greatthings will happen again for me. So, I'm just waiting for all the great things,"pahayag ni Baron nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sapress conferece ng Viva Films entry sa MMFF na Baler sa Pagcor office noong Martes, December 9 ng tanghali.

BIASED DECISION. Idinadaanna lang din ni Baron sa tawa ang mga nangyayari sa buhay niya, na aniya, puwedenga raw isapelikula. But honestly, ano nga ba ang naramdaman niya nang lumabasna talaga ang resolution ng reklamo laban sa kanya?

"Naghihintay lang, kasi nga nagreklamo na kami sa [Office ofthe] Ombudsman (click here to read related story ). Nireklamo namin yung DOJ [prosecutors]. Hindi yata nakuha yungsinabi kong napaka-biased lang yung decision nila at ibinase nga nila angpagdi-dismiss nila sa mga TV appearances ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay sa pagrekomenda ng prosecutors office sa pagsasampa ng kasolaban kay Baron sa korte ay ang pag-dismiss naman sa mgacounter-charges ni Baron kina Patricia, Yayo at sa kaibigan ni Patriciana si Steffanie Barrios.

"Tingin ko, hindi ho tamang doon ibase [TV appearances]. Tingin ko, dapatibase natin sa ‘black and white.' Sa mga statements namin, sa mga nakasulatdoon, kasi, yun po ang dapat. Yun po ang tamang protocol. Tingin ko, hindi hoako taga-DOJ pero, tingin ko dapat...kasi, kasama nila yung women and child [PNP Women and Children's Desk]... Atbabae rin po yung aming fiscal, so, it's just too biased lang talaga."

Dugtong pa niya, "Siyempre, dito sa Pilipinas, yung babae,kahit hindi totoong sinaktan mo, kakampi tayo agad sa babae. Ganoon ang kulturanatin. Okey lang yun, kasi, ako rin naman, overprotective rin ako sa mga babae.Sa mga ate ko at sa mommy ko, kaya ngayon, iniintindi ko na lang din po sila.Kaya maghintay na lang po tayo kung ano ang mangyayari sa circus na ito."

Baron believes that he was pre-judged through trial-by-publicity. At kung dati, nandoon ang pag-e-express niya ng wish na magingkaibigan pa rin si Yayo at ang pamilyanito, ngayon ay hindi na raw.

"Huwag na...hindi na siguro."

Dugtong pa niya, "Kilala ko na sila. At least ngayon,masasabi kong kilala ko na sila."

Sa isang interview naman kay Yayo bago ang pagbaba ng resolusyon ng DOJprosecutors office, nagpahayag ito ng panghihinayang sa closeness nanabuo sa pagitan nila ni Baron na nagsimula noong pareho silang naginghousemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 (click here to read related story). Nagpahayag pa nga ito at ang asawang si William na tutulungan siBaron na magpa-rehab at matanggal sa sistema ng binata ang pagigingalcoholic nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVING SPANISH. Onething that keeps Baron positive ay ang mga blessings na natatanggap daw niya interms of his career. Tulad na nga lang ng pagkakabilang niya sa cast ng epicmovie na Baler.

Ano nga ba ang role niya rito?

"It's a very important role because we are portraying realcharacters. At kahit papaano, nabigyan namin ng justice ang pag-portray sa mgaheroes na ito ng Spain. And excited ako, kasi ang sarap mag-Espanyol, lalo nakapag pinapanood mo ang sarili mo. ‘Uy, ang galing...uy, hindi ako ‘yan, ah!'Parang ibang tao."

SEAN PENN AS IDOL.Career-wise, okey siya, pero sa personal life, parang sumesemplang pa rin?

"Nakakatawa nga, kasi last night, I was watching Sean Pennsa may Biography Channel. He was very... Nagagalit siya, he has plenty of badpress. Sine-sensationalize na bad boy, ganyan-ganyan...to the point na, gustoniyang sabihin na pansinin n'yo na lang ang iba't ibang characters ko na lang,so, naka-relate din ako sa kanya.

"So, idol ko talaga siya! To the point na nagdidirek na siyangayon. Naging revolutionary siya, inaway niya yung U.S. Government. So, parangang galing. Ayoko namang sumunod sa yapak niya. I want to handle it on adifferent way."

Dagdag pa ni Baron, "I want to inspire the kids and peopletoo...you know, pagdating sa larangan ng cinema, sa TV at sa pagiging maayos natao, yun ang gusto ko, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN