PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iwa Moto mourns death of "StarStruck" batchmate Marky Cielo

Iwa asks people to stop speculating about his death.
by Rose Garcia
Published Dec 11, 2008
  "Kasi si Marky, sobrang kuya naming lahat. Tapos palagi siyang, ‘O, Iwa, ayusin mo ang pananalita mo. O, Iwa ganyan...' At saka never ko siyang nakitang malungkot. Ang maaalala ko sa kanya, kung paano siya ngumiti. At saka never siyang nagagalit," relates Iwa Moto about her late StarStruck batchmate Marky Cielo (inset).
Hindi lamang magka-batch sa StarStruck 3 sina Iwa Moto at ang namayapang young actor na si Marky Cielo, kundi parang magkapatid na rin ang turingan nila dahil pareho sila ng manager, si Rommel Gacho.

Halatang apektado pa rin si Iwa sa biglaang pagpanaw ni Marky nang humarap siya sa entertainment press noong Martes ng gabi, December 9, para sa press conference ng Shake, Rattle & Roll X sa Imperial Palace Suites. Kasama si Iwa sa episode na "Nieves," na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

"Nasa hospital nga po ako noon. Nagpapa-general check-up ako. Tapos yun, tumakas ako sa hospital," kuwento ni Iwa kung paano niya unang nalaman ang nangyari kay Marky.

Ano ba ang mga bagay tungkol kay Marky na hindi makakalimutan ni Iwa?

"Yung pagiging kuya niya," mabilis niyang sagot. "Kasi si Marky, sobrang kuya naming lahat. Tapos palagi siyang, ‘O, Iwa, ayusin mo ang pananalita mo. O, Iwa ganyan...' At saka never ko siyang nakitang malungkot. Ang maaalala ko sa kanya, kung paano siya ngumiti. At saka never siyang nagagalit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Iwa, huli niyang nakausap si Mark noong gabi bago ito namatay.

"Noong Sabado ng gabi [December 6]. Kasi nasa event ako, sa Ultra, kasama ko rin si Katrina Halili. Tapos, tinawagan namin siya ni Tatay Rommel. Inaasar namin siya [Marky], kasi nagdye-JRP [John Robert Powers] kami, di ba? E, nag-i-english na siya. Sabi ko, ‘Aba, fluent nang mag-English! Tapos, sabi ko kay Tatay, ‘Tay, si Marky fluent nang mag-English! Inglesero na!' Tapos, tumawag si Tatay, inaasar pa namin na, ‘From now on, hindi ka na puwedeng mag-Tagalog.' Ginagano'n siya ni Tatay. Then, yung last word na narinig ko [from Marky] was: ‘Tatay, I don't think that's a good idea.' Tapos, tawa lang siya nang tawa. Wala na..." kuwento ni Iwa na may bahid ng kalungkutan.

Sa ibang nakasama ni Marky, may tila premonition ito sa kanila. Meron din bang pagpaparamdam si Marky kay Iwa?

"Wala, e, wala siyang ipinahiwatig," sabi ni Iwa. "Basta ano lang siya, masaya lang siya palagi. Si Marky kasi, kahit may problema, hindi nagsasalita ‘yan sa akin. So, I don't know."

PEACE FOR MARKY. Simula nang pumanaw si Marky noong Linggo ng umaga, December 7, iba't ibang ispekulasyon na ang naglalabasan tungkol sa kanyang pagkamatay. Ano ang masasabi ni Iwa rito?

"Huwag naman sana nilang anuhin...patahimikin na natin si Marky," pakiusap ni Iwa. "Kung nasaan man siya, sana masaya siya. At saka, sana... Mabuting tao si Marky, huwag nilang pag-isipan ng masama. Yung kaluluwa niya, mahihirapang umakyat sa heaven kung lahat ng tao pinagdududahan ang pagkatao niya.

"Baka ano...baka time na lang niyang talaga. Kasi noong kausap ko yung mommy niya, sabi ng mommy niya, ‘Iwa, sumuko na si Marky. Hindi na niya kaya.' Pero ayoko na siyang habulin dahil hayan, at peace na at peace siya. Every time na titingnan ko siya, at peace na at peace siya," sabi ni Iwa na naiiyak na.

Sa morgue raw niya unang nakita si Marky.

"Noong makita ko siya, nakahiga na. Hinihintay ko lang siyang gumising. Feeling ko, nakahiga lang siya. Feeling ko, nagloloko lang siya, e. Feeling ko, hindi totoo. Feeling ko, biro lang. Hinihintay kong sabihin niyang, ‘Yari ka!" lahad ni Iwa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayon ba ay tanggap na niya ang nangyari kay Marky or may denial pa rin?

"Feeling ko, buhay pa siya, e," sagot ni Iwa. "Alam mo yung hindi ko matanggap. At every time na makikita ko yung mga pictures namin, feeling ko, nandiyan lang siya na puwede kong tawagan if ever I have problems. Na hindi pa rin siya nawawala."

Nagko-confide ba sa kanya ng problema si Marky?

"Ako lang ang madalas [mag-confide]. Si Marky kasi, malihim na tao. Never siyang naglabas ng sama ng loob kahit kanino. At kahit gaano pa kasama ang loob niya sa isang tao, pinapalampas lang niya yun. Tapos, wala na, as if nothing happened."

GOOD NEWS. Kung may ikinatutuwa man daw si Iwa ngayon, ito ay ang tungkol sa kalagayan ng ama na tinaningan na hanggang December na laHindi lamang magka-batch sa StarStruck 3 sina Iwa Moto at ang namayapang young actor na si Marky Cielo, kundi parang magkapatid na rin ang turingan nila dahil pareho sila ng manager, si Rommel Gacho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halatang apektado pa rin si Iwa sa biglaang pagpanaw ni Marky nang humarap siya sa entertainment press noong Martes ng gabi, December 9, para sa press conference ng Shake, Rattle & Roll X sa Imperial Palace Suites. Kasama si Iwa sa episode na "Nieves," na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

"Nasa hospital nga po ako noon. Nagpapa-general check-up ako. Tapos yun, tumakas ako sa hospital," kuwento ni Iwa kung paano niya unang nalaman ang nangyari kay Marky.

Ano ba ang mga bagay tungkol kay Marky na hindi makakalimutan ni Iwa?

"Yung pagiging kuya niya," mabilis niyang sagot. "Kasi si Marky, sobrang kuya naming lahat. Tapos palagi siyang, ‘O, Iwa, ayusin mo ang pananalita mo. O, Iwa ganyan...' At saka never ko siyang nakitang malungkot. Ang maaalala ko sa kanya, kung paano siya ngumiti. At saka never siyang nagagalit."

Ayon kay Iwa, huli niyang nakausap si Mark noong gabi bago ito namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Noong Sabado ng gabi [December 6]. Kasi nasa event ako, sa Ultra, kasama ko rin si Katrina Halili. Tapos, tinawagan namin siya ni Tatay Rommel. Inaasar namin siya [Marky], kasi nagdye-JRP [John Robert Powers] kami, di ba? E, nag-i-english na siya. Sabi ko, ‘Aba, fluent nang mag-English! Tapos, sabi ko kay Tatay, ‘Tay, si Marky fluent nang mag-English! Inglesero na!' Tapos, tumawag si Tatay, inaasar pa namin na, ‘From now on, hindi ka na puwedeng mag-Tagalog.' Ginagano'n siya ni Tatay. Then, yung last word na narinig ko [from Marky] was: ‘Tatay, I don't think that's a good idea.' Tapos, tawa lang siya nang tawa. Wala na..." kuwento ni Iwa na may bahid ng kalungkutan.

Sa ibang nakasama ni Marky, may tila premonition ito sa kanila. Meron din bang pagpaparamdam si Marky kay Iwa?

"Wala, e, wala siyang ipinahiwatig," sabi ni Iwa. "Basta ano lang siya, masaya lang siya palagi. Si Marky kasi, kahit may problema, hindi nagsasalita ‘yan sa akin. So, I don't know."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEACE FOR MARKY. Simula nang pumanaw si Marky noong Linggo ng umaga, December 7, iba't ibang ispekulasyon na ang naglalabasan tungkol sa kanyang pagkamatay. Ano ang masasabi ni Iwa rito?

"Huwag naman sana nilang anuhin...patahimikin na natin si Marky," pakiusap ni Iwa. "Kung nasaan