"Survivor Philippines" castoff Vern Domingo finally admits dating finalist Rob Sy

IMAGE 0


"Noong makabalik na kami sa Manila, he called me up and hewanted to go out daw. So okay lang because we already bonded sa island, kayaI see no harm in going out with him," says Survivor Philippines castoff Vern Domingo about Rob Sy.




Ayaw pa sabihin noong una ng Survivor Philippines juror na si Veronica "Vern" Domingo kungsinong kapwa castaway ang dini-date niya ngayon. Nang tanungin siya sa firstlive guesting niya sa Showbiz Central after her elimination tungkol sa ka-dateniyang ito, sinabi ni Vern na hindi pa niya puwedeng i-reveal dahil hindi pa nae-eliminate that time yung guy.

Pero ngayong dalawana lang ang natitirang castaways sa Survivor Philippines—sina JC Tiuseco at RobSy—inamin na rin sa wakas ni Vern sa PEP (Philippine Entertainment Portal) naang castaway na ka-date niya ngayon ay walang iba kundi si Rob Sy.

Ayon kay Vern, hindiraw niya type noong una si Rob. Nayayabangan daw kasi siya rito noon at parangparating nagmamarunong kapag nagsasalita.

"Actually, turnedoff ako kay Rob noong una kaming nagkakilala sa island," pag-amin ng taekwondoexpert. "Nagulat ako kasi parang feeling close na siya kaagad sa aming lahat.Tapos madaldal din siya. Pala-Ingles pa kaya lalo akong naiinis sa kanya noon.Sinabi ko nga sa sarili ko noon na hindi ko type ang lalakeng ito, kasi parangarogante. Hindi ko talaga feel ang mga lalakeng tulad ni Rob."

Pero noong tumagalna raw sila sa isla at nag-merge ang mga tribong Naak (kung saan kabilang si Rob)at Jarakay (kung saan part naman si Vern) para maging Chalam, doon daw masnakilala ni Vern si Rob.

"In fairness namanto Rob," ani Vern, "noong nagsama-sama na kami, doon ko na-discover na okaynaman pala siya. Siguro nga yung first impression sa kanya, gano'n talaga. Ibakasi ang dating niya. Malakas na nakakainis. Ewan ko lang kung style niya ‘yonpara ma-intimidate kaming lahat sa contest.

"But when I was ableto talk to him, okay naman pala siya. He's very open with his life at maramisiyang naikuwento sa akin na normally, e, sa isang ka-close or sa girlfriend molang masasabi. Kaya noong makabalik na kami sa Manila, he called me up and hewanted to go out daw. So okay lang because we already bonded sa island, kayaI see no harm in going out with him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEETING THE PARENTS. Nabanggit ni Vern nanaipakilala na siya ni Rob sa buong pamilya ng binata, at ganundin naman siya sa pamilya niya.

"Nagulat nga ako nabigla niya akong ipinakilala sa family niya," sabi ni Vern. "Mababait atmalambing sila tulad ni Rob. Sabi nga nila, kapag ang guy ang unang nagpakilalang family niya sa iyo, it means na serious daw siya sa iyo. Well, that's okaynaman with me kasi it means din na hindi niya ako ikinahihiya.

"Ako rin naman,ipinakilala ko siya sa buong family ko. At ang nakakagulat ay gustung-gustonila si Rob. That was the time na hindi pa nag-e-air ang Survivor Philippines.Ipinakita na ng family ko na gusto nila si Rob for me.

"Pero sabi ko namanna masyado pang maaga. We are taking things slow kasi dating pa lang namankami. Hindi pa kami dumarating sa serious part ng dating namin. Ngayon, we arejust having fun and getting to know each other more," lahad ni Vern.

May pag-asa ba siRob?

"I can't say yetkasi nga marami pa akong gustong malaman sa kanya. Sabihin na natin nafifty-fifty siya ngayon sa akin," sagot ng Survivor Philippines castoff.

JACE FLORES. Unang na-link siVern sa castaway na si Jace Flores noong nasa Koh Tarutao island pa sila.Inakala nga ng marami na nagkatuluyan sila dahil pareho silang mahiligsa sports at marami silang romantic moments sa island. Pero nanggaling na rin mismo kay Jace naparang kapatid lang niya si Vern at wala raw namagitan sa kanila sa isla.

"That's true naman,e," pagsang-ayon ni Vern. "Para ko lang kapatid si Jace. Unang-una, he'syounger than me. Nineteen years old lang kasi si Jace at nasa early 20s na ako.Kung alam lang nila, isip-bata pa ‘yang si Jace. Kaya yung sinasabi nilangromantic moments namin, wala lang ‘yon. Nag-aasaran lang kami no'n, kasi nga,para lang kaming brother and sister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Tsaka alam konaman kung sino ang type ni Jace. Siya na lang ang tanungin n'yo kasi bakanag-iba na siya ng type!" sabay tawa ni Vern.

SPORTS SHOW. Kapipirma lang niVern ng two-year contract sa GMA Artist Center. Gusto ni Vern na maging part ngisang sports program. Bagay raw sa kanya ang gano'ng klaseng show dahil sabackground niya in taekwondo.

"Hindi ko pa alamkung ano ang gagawin ko. I leave it up to them. But I would really love to getinvolved in sports. Yun naman ang passion ko, e. Sa laki kong ito[she's 5'8"], para siguro talaga ako sa extreme sports.

"Bata pa lang kasi ako, mgapanlalakeng sports na ang hilig ko. It has to do kasi with my dad na verypassionate sa sports. Akala nga nila na tomboy ako, pero girl na girl ako. Anghaba nga ng hair ko, e!" tawa ni Vern.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN