Mart Escudero on Jennica Garcia: Mart Escudero on Jennica Garcia: "Bukod sa mas gumaganda siya, may brains pa, kaya ang suwerte ko sa kanya."

IMAGE 0


"Para kasing anghirap mag-celebrate at maging sobrang saya kasi nabawasan kami ng kaibigan.Pero nag-iisip na kami ni Jen ng puwede naming gawin on our first anniversary.Baka kumain lang kami sa labas or manood ng sine," saya Mart Escudero about celebrating first anniversary with girlfriend Jennica Garcia.



Very special angdate na December 26 para kina Mart Escudero at Jennica Garcia. Hindi lang kasibasta birthday ‘yon ni Jennica, who is turning 19 years old, kundi firstanniversary rin nila ito ni Mart bilang magkasintahan. Sinagot niJennica si Mart noong nag-debut siya last year.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mart sa presscon ng Shake, Rattle & Roll X, wala pa naman daw silang plano ni Jennica para sa celebration ng kanilangrelasyon. Sobrang busy raw kasi silang dalawa, tapos ay nagkataon pang namatayang kaibigan nilang si Marky Cielo kaya medyo hinay muna sila sakasiyahan.

"Magkakasama kasikami nina Marky sa Boys Nxt Door," banggit ni Mart. "Noong pumasok sa cast si Jen, isa si Marky samahilig manukso sa amin. Kaya hindi namin siya makakalimutan ni Jen.

"Para kasing anghirap mag-celebrate at maging sobrang saya kasi nabawasan kami ng kaibigan.Pero nag-iisip na kami ni Jen ng puwede naming gawin on our first anniversary.Baka kumain lang kami sa labas or manood ng sine. Kasi second day yun ngMetro Manila Film Festival, di ba? Pareho pa kaming nasa 'Nieves' episode ngShake, Rattle & Roll X.

"Hindi ko lang kasi alamkay Jen kung matutuloy silang umalis ng bansa. Kasi nga sa December 27,may taping na kami for Gagambino. Parang mahirap na umalis sila na one daylang. Mag-uusap pa naman kami ni Jen tungkol sa pag-celebrate namin."

Ayon kay Mart, napansin niya na malaki na raw ang improvement ni Jennica, hindi lang sa pisikalna anyo nito kundi pati sa pag-iisip nito. Mature na raw kasi ito magsalita at kumilos kayanagugulat siya minsan sa mga interview nito.

"Older kasi sa akinsi Jen ng ilang months. Mas mauuna siyang mag-19 sa akin, e. Pero nakakatuwasiyang pakinggan kapag ini-interview siya. Marami siyang nasasagot at natutuwaang mga nakikinig sa kanya. Bukodsa mas gumaganda siya, may brains pa, kaya ang suwerte ko sa kanya," sabayngiti ni Mart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW LOVELIFE OFJENNICA'S MOM. Nakausap din ng PEP sa press conference ng Shake, Rattle &Roll X si Jennica Garcia. Tinanong siya tungkol sa nababalitang bagong pag-ibig ngkanyang inang si Jean Garcia—ang businessman na si Jojo Manlongat.

Bagamat kasama rin sa pelikula si Jean, hindi nakarating ang aktres sa presscon dahil inabot daw ng umaga ang taping ng Gagambino saValenzuela City. Nagkaroon din daw ng skin allergy ang aktres kaya hindi na itopumunta sa naturang presscon.

Kaya naman siJennica ang sumagot sa mga tanong ng media tungkol sa balitang dine-date ngayonng kanyang ina ang controversial ex-boyfriend ni Sunshine Dizon at ang ama ng pangalawang anak ni Angelu deLeon.

"Sa totoo lang, walaakong alam kung sino ang idine-date ni Mama ngayon," sabi ni Jennica. "Yungtungkol po diyan kay Jojo Manlongat, hindi ko pa po kasi siya nakikilala. Kungokey naman siya, ipapakilala naman siya ni Mommy sa akin, e. Pero as of thistime, wala naman po siyang nababanggit sa akin tungkol sa kanya.

"Ngayon, siguro angmagandang tanungin na lang ay si Mama mismo. Kasi siya naman ang mas nakakaalamsa nangyayari sa kanya at sa lovelife niya. Ayoko namang magbigay ng kunganumang comment kasi buhay na ni Mama ‘yan."

Pero okey lang bakay Jennica na kung kani-kanino nali-link ang kanyang ina at mostly ay sayounger men pa?

"I can't blame mymom kasi kita n'yo naman, bagets na bagets pa si Mama. Hindi na niya kasalananna may young men na manliligaw siya. Si Mama naman, masaya siya sa mga nangyayari sa kanya, e. She worksvery hard and she deserves naman to have an inspiration sa trabaho. Kung sinoman yung taong ‘yon, si Mama lang ang nakakaalam.

"Open naman si Mamasa akin, pero may ibang bagay na hindi muna niya sinasabi sa akin. Alam kasiniya na mapag-react ako, lalo na kung hindi ako pabor. Gano'n din naman ako, eh. I have other thingsnaman na hindi ko muna sinasabi kay Mama. Mana ako sa kanya na madalingmag-react kapag hindi feel!" sabay tawa ni Jennica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa ex-boyfriend ng ina na siPolo Ravales, sinabi ni Jennica na wala siyang problema rito. Minsan daw ay maymga eksena silang sabay na kunan sa Gagambino, nagbabatian naman daw sila.Kahit na raw ang nali-link dito na si Krissa Mae ay binabati rin niya.

"Kami naman ni KuyaPolo, okey naman kami. Pero hindi naman kami yung sobrang close. Kasi nga, ibanaman ang mga friends niya sa friends ko rin. But I'm okay with him. Walangproblema sa akin. Kung anumanang naging problema between him and my mom, at pati na kay Krissa Mae, hindiako nakikialam. I guess sila-sila na lang mag-ayos niyan kung may problemanga."

Magte-turn 19 na siJennica sa December 26 at kasabay ito ng first anniversary nila ni Mart Escuderosa kanilang relasyon. Wala pa raw silang plano ni Mart dahil may balak angpamilya ni Jennica na mag-out of the country.

"Pero depende ‘yonsa schedule namin dahil after Christmas daw ay resume agad ang taping forGagambino. Kaya hindi ko pa alam ang mangyayari. Nagkausap naman na kami niMart, na kung anuman ang maging schedules namin, we will work around it na lang.Masyado kasi kaming busy pareho kaya yung anniversary plans namin, hindimaayos."

May naisip na basiyang ibibigay kay Mart bilang anniversary gift?

"Secret na lang.Nag-research na ako na gusto niya, e. Basta magugulat na lang siya sa ibibigayko. Pero mas importante pa rin na ang gift ko sa kanya ay ang tiwala ko at angpagmamahal ko," sabi ni Jennica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN