Marky Cielo's burial is set on December 15

IMAGE 0


The family Marky Cielo, who passed away last December 7, has decided to bury his remains on Monday, December 15, at the backyard of their house in Sinto, Bauko, Mountain Province.



Apat na arawpagkatapos sumakabilang-buhay ang young actor na si Marky Cielo ay nadala na rinngayong araw, December 11, ang kanyang bangkay sa Sinto, Bauko, MountainProvince. Dito lumaki si Marky, na noong buhay pa ay laging ipinagmamalaki ang kanyangpagiging Igorot.

Bago nakarating angmga labi ni Marky sa Mountain Province ay pansamantalang ipinasok muna saCathedral of Resurrection sa Baguio City kahapon, December 10, upang masilayansiya sa huling pagkakataon ng mga kamag-anak at kaibigan niya roon. Bagokasi sumali si Marky sa Batch 3 ng StarStruck, kung saan siya ang itinanghal naUltimate Sole Survivor, ay nag-aral muna siya sa St. Louis University.

Pasado also-dose nghatinggabi kanina nang lisanin ng funeral convoy ni Marky ang Baguio Citypapuntang Mountain Province.

Ayon sa report niNelson Canlas para sa 24 Oras, naging mainit ang pagtanggap ng mga kababayan niMarky sa kanya sa kabila ng malamig na panahon. Pero labis na dalamhati angnaramdaman ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ni Marky pagkakita sabangkay ng itinuturing na "pinakaboritong anak" ng Sinto, Bauko.

Personal dingnagtungo sa Mountain Province ang action superstar na si Robin Padilla upangmakiramay sa pamilya ni Marky. Nagkasama sina Robin at Marky saaction-adventure series noon ng GMA-7 na Asian Treasures at sa pelikulang TillI Met You ng GMA Films.

Dumagsa rin ang iba pang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kapitbahay ni Marky sa kanilang tahanan upang makita nila sa hulingsandali ang kanilang pinakasikat na kababayan. Kaninang hapon naman ay isangmisa ang isinagawa para kay Marky.

Nakatakdang ilibingang mga labi ni Marky sa Lunes, December 15, bandang alas-dos ng hapon. Atbilang bahagi ng tradisyon ng mga Igorot at sa kagustuhan na rin ng kanyang pamilya, ililibing si Marky sa bakuran ngkanilang tahanan.

Sumakabilang-buhaysi Marky—na ang tunay na pangalan ay Mark Angelo Cadaweng Cielo—nooong Linggo, December 7, sa murang edad na 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapanood pa rinhanggang ngayon si Marky sa GMA-7 primetime series na La Lola dahilnakapag-adavanced taping pa siya bago siya namatay. Maririnig din ang kanyangtinig sa anime na Bleach, kung saan siya ang nagbigay-boses sa karakter naIchigo Kurosaki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN