Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco talks about his "Survivor Philippines" experience

IMAGE 0


"Kung kanina, sobrang kaba angnararamdaman ko, ngayong sobrang saya. After how many months of waiting kung anoang mangyayari, ngayon sobrang fulfilling yung ginawa namin. Worth it lahat!" says basketball heartthrob JC Tiuseco a few minutes after being declared the first Pinoy Sole Survivor of Survivor Philippines.


Ilang sandali bago i-announce kung sino ang kauna-unahangPinoy Sole Survivor ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) na makausap ang nanalong si JC Tiuseco.

Tinalo ni JC ang co-finalist niyang si Rob Sy, 7-2, upangmakuha ang titulong Pinoy Sole Survivor at ang premyong tatlong milyong piso—angpinakamalaking cash prize sa kasaysayan ng reality shows sa Pilipinas. Anim naboto ang nakuha ni JC mula sa walong miyembro ng Jury, bukod pa rito ang isang boto mula sa viewers through textvotes,samantalang dalawa namanang nakuha ni Rob.

Suot pa rin ang blue t-shirt at long shorts na ginamit niyanoong nasa Koh Tarutao island sa Thailand pa sila, sinabi ni JC sa PEP ang pakiramdam niyasa nalalapit na announcement ng winner.

"Ngayon, sobrang kabado, excited din. Siyempre, malungkotdin kasi patapos na yung Survivor," saad ni JC sa backstage ngStudio 7 ng GMA Network Studios, kung saan ginanap ang finale ng SurvivorPhilippines kagabi, December 12.

Nag-e-expect ba siyang manalo?

"Siyempre, pareho kami ni Rob na wini-wish namin na sanaako manalo, siya manalo. Pero either way, sino man manalo sa amin, napag-usapannamin na happy na rin kami sa naabot namin. Yun nga, nagtulungan naman kamipara umabot sa Top 2."

THE LEAKAGE. Ilang linggo pa lang umeere noon ang SurvivorPhilippines aymay lumabas nang leakage na si JC daw ang nanalong Pinoy Sole Survivor.Ano ang reaksiyon niya nang marinig niya ang tungkol sa leakage naito?

"Actually, nakaka-pressure lalo, e," sabi ng 23-year-oldbasketball heartthrob. "Tsaka disappointed din ako. Kasi siyempre, maylumalabas na ganun. Hindi pa naman namin talaga alam kung ano ang result. Yungibang Jury, hindi naman talaga alam, hindi naman sila nag-usap-usap kung sinoyung ibinoto nila.

"Siyempre, sa akin, pressure ‘yon. If ever I don't win,parang... Siyempre sinabi na sa spoiler na ganyan, yung ibang tao ayaw na saakin. ‘Ay, ayoko nang manalo si JC kasi may spoiler ng ganun.' Siyempre, saakin, gusto ko yung pagkapanalo ko, deserving. Hindi yung sinabi na ‘Ay, mayspoiler lang kasi, na-preempt na ‘yon.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But looking at the eight Jury members—Jace Flores, KikoRustia, Vern Domingo, Marlon Carmen, Kaye Alipio, Zita Ortiga, Cris Cartagenas,and Charisse Yacapin—ilan ang sa tingin ni JC ang kakampi niya o ibinoto siya?

"Actually, ang clear lang sa akin si Kiko, e," sagot ni JC."Sa iba, siguro si Cris, I guess. Kasi okay din naman ang pinagsamahan namindoon. Tapos nakita naman natin doon sa mga last episodes, nag-away rin sila niRob. Na-share ko pa kay Cris yung ibang mga rewards ko. May isang Immunity pa nanagpatalo pa ako. Yun nga, siguro iba-value niya naman yung friendship namin."

Between him and Rob, sino sa palagay niya ang mas maramingkakampi sa Jury?

"Actually ngayon, hindi ko alam. Sobrang kabado ako ngayon,"nakangiting sabi ni JC.

WHY HE DESERVES TO WIN. Ano ang mga katangian ni JC paramaging deserving sa titulong "Pinoy Sole Survivor"?

"Siguro naipakita ko sa kanila na... Lagi kong sinasabi, saunang part, hirap na hirap ako, na muntik na talaga akong mag-quit dahil sasobrang pagod, gutom. Hindi naman ako sanay na sobrang gutom na ganun. Sobranghirap, ang lamig pag gabi.

"Tapos, naipakita ko sa kanila na kakayanin ko. Hanggangdulo, naipakita ko na nakapag-adapt ako sa life doon, na okay lang sa akinlahat. Natutunan kong magluto na ang gamit lang yung palayok namin doon.Challenges, ipinakita ko sa kanila na hundred percent ako sa challenges. Ako nasiguro ang pinakamaraming napanalunang Immunity sa kanila. So, feeling konaman, naipakita ko sa kanila na deserving ako," pahayag ni JC.

Kung hindi si Rob ang kasama niya sa Final 2, sino sa tinginni JC ang magiging mahigpit niyang kalaban?

"I think Kiko or Jace. Kasi kay Kiko, parang he reallywants to fight fairly. Kaya nga, ang dami kong natutunan sa kanya dito saSurvivor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya naiyak nang sabihan siya ni Kiko na, "I'm veryproud of you, bro"?

"Sobrang na-touch po ako sa sinabi niya na sobrang nagtiwalasiya sa akin, sa mga na-achieve ko. Kahit na lahat ng mga Jury, ang sasama nang mga sinasabi sa amin. Nung narinig ko yung kay Kiko, sobrang na-touch ako.Naalala ko pa yung hirap na ginawa namin,"lahad ni JC.

Sino ang pinaka-close niya sa Survivor?

"Ang pinaka-close ko po are Kiko and Jace."

Napag-usapan ba nilang tatlo yung outcome ng botohan, since parehong nasa Jury sina Kiko at Jace?

"Actually yung kay Kiko, alam ko na, e," sabi ni JC. "Kasiwala naman siyang masamang sinabi sa akin. Kay Jacenaman, hindi kami nagtatanungan. Basta sinasabihan niya lang ako na, ‘Goodluck, bro. If ever man na ikaw ang manalo, you deserve it.' Mga ganun lang.Naintindihan naman niya yung ginawa ko dati na bumaliktad ako sa pinag-usapannamin, kasi I have to do it for my tribe. Sa kanya, ganun din naman."

Nasasaktan ba siya kapag sinasabihan siyang "traydor"?

"Actually, hindi po, e. Kasi it's a decision I had to make,e. Either way na anong piliin ko, magiging traydor din ako. If I chose yungside ni Jace, traydor ako sa Naak. If I chose yung side nung Naak, traydor akokay Jace. So, wala rin akong choice. I had to do it for my tribe," ulit niya.

What's the worst thing he did in Survivor?

"Yung kay Jace na po," ani JC. "Kasi siya po yung tao nasinabihan ko na, ‘O, sasama ako sa ‘yo.' Pero yun nga, nagsinungaling ako sakanya kasi kailangan kong protektahan yung tribe ko, e. Even to a point nasabihan ko siya na, ‘Huwag mo nang kausapin si Cris kasi maguguluhan yungtao.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero okay na ba sila?

"Okay na po. Actually, close kami ni Jace 'tsaka Kiko."

What about si Nanay Zita, na hindi talaga itinago ang samang loob kay JC dahil sa pagkaka-vote out niya?

"Sobrang okay po kami ni Nanay Zita," paniniguro ni JC."Naintindihan naman po niya na game ‘yon, e. Kinausap na rin po namin siya,yung nga, ‘Nanay, pare-pareho naman tayong sumali sa game na ‘to, may commongoal tayo to win.' So, prinamis namin ni Kiko sa kanya, dadalhin namin siya sahanggang kaya naming dalhin."

Babalatuhan niya ba si Nanay Zita ‘pag siya ang nanalo?

"Siguro tutulungan ko siya kung may problema siya, just likeCris. Tumutulong ako sa kanila pag may problema sila."

Ano ang mga pagbabago na nangyari sa kanya pagkatapos ngSurvivor Philippines?

"Malaki talaga ang naitulong, lalo na sa outlook ko sa buhayna dapat satisfied ka na sa kung anong meron ka, e. Tapos, confident na akongayon. I mean, kung may darating mang problems sa akin, doon ako huhugot nglakas sa experience ko sa Survivor."

JC ENTERS SHOWBIZ. Dahil artistahin ang hitsura niJC, marami ang humuhula na papasukin niya eventually ang showbizpagkatapos ng showbiz. Aminado naman ang binata na plano niya talagangpasukin ang mundo ng showbiz.

"Kung may opportunity talaga, I'll grab it," aniya."Actually, before Survivor, nagmo-model na ako, nasa modeling industry na ako.So, inisip ko na noon na after modeling, what's next? Yun nga, naisip ko na rinang showbiz. Nakita ko na sa Survivor, puwedeng may chance na may exposure,katulad ng kay Patani [another castaway], ganun."

Handa na ba siya sa showbiz, lalo pa't may non-showbizgirlfriend na siya?

"Hindi naman ako natatakot kasi, katulad ng Survivor,pinasok ko na ‘yon, e. Kung ano yung papasukin ko, ipi-prepare ko lang angsarili ko. Yung girlfriend ko naman, understanding naman siya sa mgamangyayari. Like ngayon, sa Survivor, alam naman niya na after this, kilala nakami ng mga tao. Hindi naman siya nagseselos sa mga fans, okay naman,"sabi niJC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga projects na bang naka-lineup sa kanya sa GMA-7?

"Actually, nagwo-workshop ako sa UP ngayon, sa voice atdancing. Pero I have a lot to learn."

How about his studies?

"Pumapasok pa po ako sa San Sebastian, Management. Last semko na po."

JC is now 23 years old, bakit na-delay yata ang pag-aaralniya?

"Sa basketball po, e. Kasi nung nag-basketball player po akosa San Sebastian, hindi kami puwede kumuha ng full load. Kasi ini-extend nilayung playing years mo," paliwanag niya.

FIRST PINOY SOLE SURVIVOR. Pagkatapos tanghaling Pinoy SoleSurvivor si JC ay muli siyang nakausap ng PEP sa mismong stage ng SurvivorPhilippines. Tinanong namin siya ulit kung ano ang pakiramdam niya ngayong siyana ang nanalo.

"Sobrang saya!" bulalas ni JC. "Kung kanina, sobrang kaba angnararamdaman ko, ngayong sobrang saya. After how many months of waiting kung anoang mangyayari, ngayon sobrang fulfilling yung ginawa namin. Worth it lahat!"

Dahil magte-tape pa sila ng reunion special ng SurvivorPhilippines, na ieere sa Linggo, ay hindi pa agad makakauwi si JC. Pero ano angunang-unang gagawin niya bukas (December 14)?

"Tomorrow, siguro rest muna kami, kasi hanggang 4 a.m. pa yatakami dito para mag-tape ng reunion namin. Siguro magse-celebrate lang kontiwith my family, friends," ani JC.

Bukod sa titulong Pinoy Sole Survivor at P3 million cashprize ay nanalo rin ng bagong kotse si JC. Ang kotseng ito ang ipinagpalit niJC sa Immunity necklace na napanalunan niya at ibinigay kay Rob.

Nakita na ba niya yung kotse na napanalunan niya?

"Actually, hindi pa, e. Pero ibinigay na sa akin yung mgapapeles, pero hindi ko pa nakikita, e."

Pero hindi naman ito ang first car niya?

"Actually, yun ang first car na nakapangalan talaga sa akin,ako yung nakapanalo no'n. Kasi yung mga ginagamit ko naman before, hinihiram kolang sa dad ko, sa mom ko, family car. So, siya yung first-ever car ko talaga!"natatawang sabi ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mensahe ni JC kay Rob, na nagdala sa kanya sa Final2?

"Kay Rob, sobrang saya ko kasi nung time na nawala si Kiko,wala akong mahanap na ibang mapagkakatiwalaan. Nung kinausap ako ni Rob,nalaman ko na kahit may tampuhan sila, hanggang dulo hindi siya nagbago ngvote. Dun ko nakita na trustworthy siya. Kahit matanggal ako nun basta siyayung ka-alliance ko, okay ako, e."

Message naman niya sa Jury at sa lahat ng mga taongsumusuporta sa kanya?

"Sa lahat ng mga Jury na nag-vote sa akin, sobrang thank youako sa kanila. Kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi naman ako mananalo, e. Atsaka, at least, nakita nila yung pinaghirapan ko talaga, e. Kaya, at least,nakasama ko naman silang lahat. Ngayong tapos na ang Survivor, magkakasamanaman kami, magkakaibigan pa rin kami.

"Sa mga fans naman na sumusuporta, sobrang thankful ako,hindi lang sa mga fans ko, kundi sa mga fans din ng ibang castaways. Kasi kungwala sila, walang manonood ng Survivor, walang show," pahayag ng kauna-unahangPinoy Sole Survivor.

Click here to view photos of Survivor Philippines The Finale.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN