Hayden Kho admits "short-lived" affair with Katrina Halili, asks Dra. Belo's forgiveness

IMAGE 0


"Nakikiusap ako sa inyo, please, kung kayo man ang sinusulat na ‘yon...walang sex video. ‘Wag n'yo nang dagdagan yung problema. Parehas kaming nahihirapan. Bigyan n'yo naman kami ng pagkakataon, kami ni Vicks, na ayusin to patch things up," pleads Hayden Kho.



Nagsalita na si Hayden Kho tungkol sa breakup nila ni Dra. Vicki Belo. Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras kagabi, December 24, aminado si Hayden na nasa kanya ang pagkakamali kaya sila nagkahiwalay ni Dra. Vicki.

"Inaamin ko na ang ako ang may pagkakamali," pahayag ni Hayden.

Inamin din nito na nagtangka siyang magpakamatay ngunit hindi na nito idinetalye kung ano ang ginawa niya sa sarili.

"Totoo yun. I tried to hurt myself," banggit niya.

Nagawa niya raw ‘yon dahil pakiramdam niya ay naging masama siyang tao. "Death penalty" raw ‘yon ni Hayden sa sarili.

Isinulat pa raw ng singer-actor ang mga katagang "I love you, Vicki" sa kanyang katawan nang tangkain niyang wakasan ang kanyang buhay.

"My last words before I die was ‘I love you, Vicki,'" ani Hayden. "And that is true. Yun ang last message ko nun. I wouldn't write something like that and just kill myself just like that."

Pero hindi niya raw ‘yon ginawa para "bolahin" pa si Dra. Belo.

"Para saan yun? Wala naman akong makitang outcome [doon]. Tingin mo ba ang taong gustong magpakamatay, mambobola pa sa last minute niya?"

ADMISSION & DENIAL. Sa mga naglabasang report, ang dahilan ng paghihiwalay nina Hayden at Dra. Belo ay ang pakikipagrelasyon ni Hayden sa ibang babae habang karelasyon pa nito si Dra. Belo. Nabanggit ang mga pangalan nina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto na nakarelasyon ni Hayden.

Pero nilinaw ni Hayden na wala silang naging relasyon ni Rufa Mae.

"Kay Katrina lang ang totoo," pag-amin ni Hayden. "Nagkaroon kami ng affair ni Katrina, pero it was very, very, very short. It was more like fun. Na parehas kaming ego lang [ang] naglaro. Na wala talaga kaming emotional na attachment."

Hindi rin daw totoo na may sex video sila ng sexy actress. "There's none," diin ni Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap pa ng singer-actor sa mga nagsusulat tungkol doon, "Nakikiusap ako sa inyo, please, kung kayo man ang sinusulat na ‘yon...walang sex video. ‘Wag n'yo nang dagdagan yung problema. Parehas kaming nahihirapan. Bigyan n'yo naman kami ng pagkakataon, kami ni Vicks, na ayusin to patch things up."

Sa ngayon ay wala pa raw malinaw na plano si Hayden. Gusto raw niyang suyuing muli si Dra. Vicki at ipaglaban ang kanilang relasyon.

Hindi rin daw tiyak ang singer-actor kung itutuloy pa ang kanyang showbiz career. Pero babalikan daw ni Hayden ang kanyang propesyon bilang doktor.

Nang tanungin ni Lhar si Hayden kung paano idaraos ang Kapaskuhan, hindi agad nakapagsalita ang singer-actor. "I don't know. I don't know how," tugon nito na pigil na pigil na maiyak.

At ang mensahe ni Hayden kay Dra. Vicki, "Ito lang, gusto kong sabihin sa ‘yo... Amor, maha