Kasama ang Star Magic artist na si Gian Sotto sa reunion movie nina Tito, Vic & Joey na Iskul Bukol: 20 Years After. Si Gian ang panganay na anak na lalaki nina Tito Sotto at Helen Gamboa.
Kasama rin sa Iskul Bukol, na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival ang mga anak nina Vic at Joey na sina Oyo Sotto at Keempee de Leon. Hindi itinanggi ni Gian na may mga pagkakataon na napag-uusapan daw nilang tatlo nina Oyo at Keempee paano kung ituloy nila ang Iskul Bukol sa kanilang henerasyon ngayon.
"Palagi nga po naming napag-uusapan. Lalo na po kapag magkakasama kaming tatlo. Parang sinasabi namin na, ‘Tol, kailangan gawin natin itong TV show na Iskul Bukol. Tayo na ang magtuloy.' Kami naman, ‘Sige, sige, kahit walang bayad!'
"Iba po kasi itong Iskul Bukol, lalo na yung experience na ginawa namin sa shooting, especially kasama namin ang parents namin. Ang hirap pong ibalik ng moments. Sobrang saya po na kasama namin sila. At saka dream ko po yun, e, makasama ko sa isang pelikula ang daddy ko," ani Gian nang makausap siya ng PEP sa presscon na ibinigay ng Star Magic sa kanilang talents na nagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan ng December.
Naiparating ba nila ang kanilang idea sa kanilang mga ama?
"Nahihiya po kami, e!" natatawang sabi ni Gian. "Siguro po, alam naman nila. Pero actually, hindi nga po namin nabi-bring up sa kanila. Pero siguro nga po, maganda pong i-bring-up namin.
"I'm sure ngayon, parang alam lang nila na gusto naming ituloy," sabi ni Gian. "Pero siguro kung i-bring up namin, papayag sila. Kaso, iba po talaga sina Tito, Vic & Joey, yun na po talaga sila. Baka mag-suffer lang din po kami in comparison.
"Hindi na lang din po namin iisipin yung comparison, kasi ibang tao rin naman po kami. Ibang chemistry naman po siguro ang mailalabas namin. Kumbaga, parang gusto lang din po naming subukan. Parang just take it step by step and day by day."
STAR MAGIC TALENT. Since last year ay nasa Star Magic na si Gian. Mismong ang head ng talent arm ng ABS-CBN daw na si Johnny Manahan ang nag-offer sa kanya na maging bahagi ng Star Magic. Sa loob naman daw ng isang taon na naging bahagi siya ng Star Magic, "very happy and contented" siya sa nagiging palakad ng career niya.
"Sobrang dami na rin po naibibigay nila sa akin, kaya I'm really blessed po," banggit ni Gian. "Like now, I'm in Eva Fonda. Ako po yung bad boy dun na best friend ni Baron Geisler.
"Tapos, kakatapos lang din po namin ng indie film, Iliw po yung title. Si Kaye Abad po ang lead. Parang panahon po ng Hapon. Nag-shoot po kami sa Vigan. It's a very good indie film. Pari po ako run, si Padre Jose. It's actually inspired by a true story. Ang galing po ni Kaye rito, ang galing niya! Ang dami kong natutunan sa kanya."
Ang Iliw ay isa raw Ilocano song. Hindi lang daw rito sa Pilipinas ipalalabas ang indie film na ginawa nila kundi maging sa Japan .
"May kasama rin po kasi kaming mga lead actors na mga Japanese, like si Hiro Takayama. Pero balita ko po, may screening po yata this December. Hindi ko nga lang po alam ang exact date."
CHILDHOOD DREAM. Mukhang nalilinya na ngayon sa acting si Gian, bagamat ang una niyang naging daan sa showbiz ay through the band Nerveline, kung saan siya ang lead vocalist and guitarist. Ano na ang nangyari sa singing career niya?
"Kasi ano po, yung music, yung Nerveline, palaging naririyan sa heart ko. Nandiyan na siya, as a musician. Ako ang lead guitarist at lead vocalist. Gumagawa po ako ng kanta, tapos yun po ang nire-record. Last Enteng Kabisote 4, may kanta po kaming nakasama run. Kaya lang po siguro ko name-merge into acting ngayon, kasi panahon po namin ng pagsusulat ng kanta," saad ni Gian.
Pero inamin ni Gian na bata pa lang daw siya ay pangarap na niyang talaga ang umarte. May problema lang daw siyang nakikita noon.
"Dati po kasi, noong ino-offer-an na ako, hindi po talaga
ako marunong sumayaw. Ngayon ko na lang na-realize na hindi ko naman po pala
kailangang sumayaw para umarte, so yun po talaga ang naging hadlang ko kaya sa
banda ang bagsak ko. Kahit naman po si Daddy, hindi marunong sumayaw. Yun po
ang totoo!" natatawang pag-amin ni Gian.
Happily married na si Gian at may apat na taong gulang na anak, si Hugo. Pero hindi naging hadlang ang pagiging married man niya para pasukin pa rin ang showbiz.
"Kasi po, siguro po, dahil na rin sa mga roles na naibibigay sa akin, sa mga character roles po. Yung craft ko into acting, yun po talaga ang gusto kong matutunan. Kaya hindi po talaga kailangang maging single ka. At saka I feel blessed by the Lord Jesus, kaya tuloy-tuloy na rin po ang showbiz career ko."
FAMILY FIRST. Kapag wala raw siyang masyadong showbiz commitment, tumutulong din siya sa kanyang kapatid na si Lala Sotto, na councilor sa third district ng Quezon City.
"Kung minsan po, kapag nangangailangan siya ng tulong, palagi po akong nandooon sa kanya, tumutulong po," banggit ni Gian.
Hindi naman daw nagkukulang sa pagbibigay ng advice ang kanyang ama sa kanya since he started his showbiz career.
"Si Papa po, ang sa kanya lang, kailangan madali kang katrabaho sa lahat. Huwag kang magpi-feeling na parang anak ka ni ganito, ni ganyan. At saka, para sa kanya, mas mabuti na ikaw ang naghihintay sa mga kasama mo at hindi ikaw ang hinihintay. Kaya sa everyday work, ganoon po ang ginagawa ko.
"Blessed nga po ako kasi dati pa kapag may shooting, taping, sumasama po ako sa kanya. Kaya sanay na rin ako sa hintayan ng matagal. Kaya wala po kayong reklamong maririnig sa akin sa ganyan."
On his younger sister Ciara Sotto, ayon kay Gian ay hindi pa rin nag-i-start ang show nito sa Las Vegas.
"Bitin na bitin na nga po kami!" natatawa niyang sabi. "Sa ngayon, hindi pa rin po sila nakakapag-start. Parang sa venue raw po, meron pa yatang paperworks na hindi pa tapos. Naiintindihan naman ni Ciara na sobrang strict nga po sa States, na konting paperwork lang na kulang, ide-delay-delay talaga yung establishment.
"Out of control po niya yung mga paperwork, nandoon naman po siya to perform lang. Pero uuwi po siya ngayong Christmas at dito rin po siya magnu-New Year. Tapos, baka bumalik din po siya agad. Hindi pa rin po siya tapos mag-promote ng album niya