"Survivor" runner-up Rob Sy feels he's also a winner for reaching Top 2

IMAGE 0


"I don't expect anything at all. Kasi obvious na sa TribalCouncil, yung Jury, all for JC. So, okay lang sa akin yun. Kung manalo si JC,I'm proud of him. Parang nanalo na rin ako kasi nakaabot ako ng Top 2," says Rob Sy a few moments before the announcement of winner in Survivor Philippines.



Walang panghihinayang at tanggap ni Rob Sy na hindi siya angitinanghal na kauna-unahang Pinoy Sole Survivor sa ginanap na live broadcast ngSurvivor Philippines The Finale kagabi, December 12, sa bagong studio ng GMA-7.Ang nakasama niya sa Final 2 na si JC Tiuseco ang nanalo at nag-uwi ng tatlongmilyong piso.

"He [JC] deserves it. He deserves it. Congratulations!" itoang naibulalas ni Rob nang ma-interview siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) pagkatapos ng Survivor Philippines finale.

Honestly, ano ang naramdaman niya noong nagbibilangan na ngmga boto?

"No bearing yung bilang, e. Kasi sa Tribal Council pa lang,alam ko na, e. Nanalo na siya [JC], e," sabi ni Rob, na nakatanggap ng masasakit nasalita mula sa walong Jury members sa huling Tribal Council.

Wala ba siyang naramdamang sama ng loob?

"No, no, no! As I've said before, kung sino ang manalo,salamat sa Diyos. It so happened na si JC yung nanalo. So, congratulations. I'mhappy for the guy. He deserves it."

Ano ang immediate plans niya pagkatapos ng Survivor?

"I'll go back to the corporate world. I'll go back to thesame job," sabi ng sales analyst.

Paano kung magkaroon ng offer sa showbiz, like television?

"If there will be opportunities and offers like that, I'llaccept it," sagot ni Rob.

BRIEF REVELATION. Bago pa ang announcement ng winner ngSurvivor Philippines ay nakausap na ng PEP si Rob sa backstage. Agadnagpakuwento ang PEP kay Rob tungkol sa kontrobersiyal na pagkakabutas ngkanyang underwear during his stay sa Koh Tarutao island sa Thailand.

"Kasi, we only have two underwear. So kapag hinubad mo ‘yon,lalabhan mo agad. Tapos patutuyuin mo agad. E, hindi ako marunong magpatuyo saapoy. So, nabutas pareho yung dalawa. Doon mismo sa part ng [maselang bahagi ngpagkalalaki]... Alam mo na kung ano!" natatawang kuwento ni Rob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "So, the whole two weeks pang natitira or aweek, butas totally! So, tumatakbo ako...nagdyi-jingle bell!"

Bukod sa naturang revelation ni Rob, marami pang revelationsang mapapanood sa Survivor Philippines Reunion Special, na ipalalabas bukas nggabi, December 14, sa SNBO pagkatapos ng Ful Haus sa GMA-7.

MORE OF BACKSTAGE INTERVIEW. Sa backstage interview pa rinng PEP kay Rob ay kaagad niyang inamin na sa tingin niya ay hindi siya angmananalo.

Ano sa tingin niya ang edge niya kay JC?

"Honestly, I don't see myself as talagang contender," sabiniya. "Kasi obvious naman yung Jury, JC all the way. Pero I always hope andpray na sana mabigyan pa ako ng ibang pagkakataon."

So, hindi na siya nag-e-expect na manalo?

"I don't expect anything at all. Kasi obvious na sa TribalCouncil, yung Jury, all for JC. So, okay lang sa akin yun. Kung manalo si JC,I'm proud of him. Parang nanalo na rin ako kasi nakaabot ako ng Top 2."

Aside from JC, sino pa sana yung biggest threat sa kanya saibang castaways?

"Kahit yung sa Jury...halos lahat, e," sagot ni Rob. "Kasiang dating ko sa kanila, traydor ako, e. Kaya kahit sinong dalhin ko sa Final 2,mananalo talaga."

Pero masaya na rin si Rob na si JC ang nakasama niya saFinal 2. Kasi simula pa lang ay napag-usapan na raw nilang tatlo nina JC atKiko Rustia na sila ang magiging Final 3. Although natanggal na si Kiko, peronatira si JC at nakasama pa niya sa Final 2.

"Yun na lang siguro yung maganda na nagawa ko, kasi nangakoako at tinupad ko yung pangako ko," sbai ni Rob.

May sama pa rin ba siya ng loob kay Kiko dahil noongnatanggal ito ay sa kanya ibinigay ang black pearl na nangangahulugan nginstant one vote against him sa Tribal Council? At noong huling Tribal Councilnga ay hayagang pinaboran ni Kiko si JC para manalo as Pinoy Sole Survivor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala nang sama ng loob. It's all part of the game. Tapos na‘yon, e," sabi ni Rob.

Ano ang plans niya after Survivor?

"Plans... Actually, somebody approached me kanina at willingdaw siyang i-manag