Mark Herras fondly remembers friend and dancemate Marky Cielo

IMAGE 0


"Ang maganda kay Marky, marami siyang ginagawa na neverkaming nalungkot. Sa rehearsal pa po, kapag dumarating ako na nauna na siyangnag-rehearsal, kahit kalagitnaan ng rehearsal niya, pupunta siya sa akin attuturuan niya ako. Tapos, pagdating sa kabilang step, sabay na kaming aaralin.Hindi siya nagpapauna," says Mark Herras (left) about Marky Cielo (right). this photo was taken at Star Awards for TV last November 30.



Nasa Dubai, U.A.E. si Mark Herras, kasama si Jennylyn Mercadopara sa event doon ng GMA Pinoy TV, nang makarating sa kanya ang balitang namatayna ang kapwa niya StarStruck winner na si Marky Cielo. Bagamat magkaibasila ng batch sa StarStruck, naging malapit sina Mark at Marky dahil silangdalawa ang palaging magka-dance showdown sa musical-variety show ng GMA-7 na SOP.

Halata sa mukha ni Mark ang lungkot habang ini-interview ngtatlong hosts ng Startalk na sina Lolit Solis, Joey de Leon, at Ricky Lokahapon, December 13. Linggo rin daw ng umaga sa Dubai nang makarating kay Mark ang balitang patay na si Marky.

Kuwento ni Mark, "Sunday ng umaga [December 7] sa Dubai,marami na ang nagte-text, nagtatanong. Sa Pinas kasi, mas advance ng ilangoras. Sakto naman, nawalan po ako ng load, hindi ako maka-reply na kesyo kungtooo ba ang nangyari kay Marky. Yung kasama ko pong handler, sa kanya ko ipinatanongkung ano ba talaga ang totoong nangyari."

Tinanong ni Lolit ang kanyang alaga kung ano ang nagingreaksiyon niya nang makumpirma ngang wala na si Marky.

"Gulat! Gulat po, ‘Nay. Noong time na yun,nag-o-autograph ako ng mga pictures na iiwan namin sa Dubai. Hindi ko nanatapos. Nanginig na lang ako bigla. Nakakagulat. Parang kami po ang tag team,e. Si Miggy [Tanchangco] po ang choreographer, tapos Mart Escudero-Aljur Abrenica po angteam, tapos kami po ni Marky. Simula pa lang na nagsisimula siya, kami po angtag team sa pagsasayaw."

Magkasama sina Mark at Marky sa segment na "Sayaw One" ngSOP. Tinanong ni Joey si Mark kung sino na ang papalit kay Markysa "Sayaw One."

"Ako, sinabi ko po na if ever tumuloy pa rin ang grupo for'Sayaw One,' never kaming tatanggap ng re-replace for Marky, walang papalit doon,e. So, okay na kami sa apat," sabi ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REMEMBERING MARKY. Marami na ang nagsalita sa pagkatao ni Marky. Bukod sapagiging mabait, ano pa ang maaaring hindi alam ng mga tao tungkol sa yumaongkaibigan?

"Ako po kasi, sobrang saludo ko kay Marky," sabi ni Mark."Actually, after noong StarStruck niya, nandoon ang tsismis na pinaglalabankaming dalawa. Siyempre, competition daw. Pero never naming napag-usapan... 'Hindi naman tayo magkaaway, e. Tag team tayo. Pareho tayong Kapuso.'"

Dugtong niya, "Si Marky kasi, sa kanya ko natutunan na yungsintas ng sapatos, ilagay sa ilalim, hindi ko na sinisintas. Kasi ang hirapmagtanggal ng shoelace ni Marky. Tapos kapag ipinatali mo, ang gagawin niya,itatali niyang pareho yung sintas ng sapatos. Makulit si Marky na tahimik. Nakapag may problema, hindi mo mahahalata na may problema pala siya."

Ano ang gusto niyang sabihin kay Marky na hindi niya nasabinang buhay pa ito?

"Siguro, Marky, sa lahat ng napagdaanan mo sa career mo,siguro wala ka namang nabigyan na sama ng loob na tao. Ni tsismis or balita sadiyaryo na tumira ng masama. Puro magagandang ugali ni Marky, na totoo naman potalaga. Mahirap. Actually, hanggang ngayon, hindi pa rin akomakapaniwala," sabi ni Mark.

Naalala naman ni Joey ang binanggit ni LJ Reyes sa VTR, kungsaan nasabi ng young actress na hindi nito makakalimutan kay Marky angkakaibang kembot nito. Joey asked Mark kung ano ang kakaibang kembot na yun niMarky.

"Si Marky lang po talaga ang makakagawa, hindi ko pomagagawa... Si Marky, may mga galaw ‘yan na si Marky lang ang makakagawa. Angmaganda pa niyan, marami siyang ginagawa sa hitsura niya na kung saan, lahatkami, matatawa. Ginagaya niya yung smile ni Kuya Ogie [Alcasid] na siya langang makakagawa.

"At ang maganda kay Marky, marami siyang ginagawa na neverkaming nalungkot. Sa rehearsal pa po, kapag dumarating ako na nauna na siyangnag-rehearsal, kahit kalagitnaan ng rehearsal niya, pupunta siya sa akin attuturuan niya ako. Tapos, pagdating sa kabilang step, sabay na kaming aaralin.Hindi siya nagpapauna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lolit expressed her curiosity na lahat ng mga kaibiganni Marky ay nagsasabing mabait ang yumaong aktor. Pero never ba talagang nag-open up si Marky sakanilang lahat kung may problema man ito, especially sa lovelife?

"Sa lovelife naman po... Actually, yun nga lang po yung neverkong napakinggan or naringgan na may lovelife si Marky. Pero alam ko pobefore, yung huli kaming... Parang sinasabi niya sa akin n