PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE (Part 1): Riza Santos's mom airs grievance about how Viva treated her daughter

Riza was not told she was already replaced by Cristine Reyes as endorser of an apparel brand.
Published Dec 16, 2008
  This is not the first controversy hurled at Riza Santos. The most recent was her reported "tardiness" in one of the tapings of I Love Betty La Fea. Riza's mom said, "Sinabihan siya ng handler niya na may taping siya nung araw na iyon pero hindi niya kasalanan kung late siya ng dalawang oras. Sabi ni Riza sa akin na hindi naman daw nabanggit ng handler niya ang exact call time ng taping. Basta ang sabi lang daw ay may taping siya

Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at beauty queen na si Riza Santos—si Mrs. Dina Santos—kahapon, December 13, sa isang restaurant sa Mandaluyong City. Sa ngayon ay patong-patong na isyu na ipinupukol sa kanyang anak at hindi niya kayang ipagsawalang-kibo na lamang ang mga ito.

"Masyado na akong maraming naririnig na mga negative issues na binibintang sa anak ko. Sobra na siyang nasasaktan, kaya ako na mismo ang umaaksyon para mabigyang-linaw ang mga accusations sa kanya!" diretsahang wika ni Mrs. Santos.

Dagdag pa niya, "Stressed at sobrang malungkot ngayon si Riza dahil sa mga issues na pumapalibot sa kanya, and as a mother, I feel hurt for her. Hanggang ngayon, hindi pa din gaano sanay ang anak ko sa showbiz dito, nag-a-adjust pa din siya until now.

"Lumaki siya sa Canada na hindi talaga marunong makipag-away or sumagot. She is so disciplined and knows how to respect others kasi she's well-trained under military sa Canada. Kaya alam kong tinitiis lang niya ang mga accusations sa kanya, pero ako, hindi ako papayag na ganun na lang ang sitwasyon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat ang mag-ina sa statement na ipinadala ng Viva Artists Agency sa PEP noong ika-11 ng Disyembre. Dalawang punto ang isinaad doon—una, hindi raw umalis ng bansa ang young actress; pangalawa, pinabulaanan ang pahayag ni Riza sa telebisyon na hindi ito naabisuhan ng kanyang handler tungkol sa schedule ng kanyang mall tours para sa isang clothing company, na dati niyang inindorso.

ISSUE WITH VIVA ARTISTS AGENCY (VAA). Hindi ikinaila ni Ms. Dina na hindi natuloy si Riza sa paglipad nito patungong Canada.

Aniya, "Nagpaalam naman nang maayos si Riza sa kanila [VAA] and informing them that after September 29 till third week ng October ay uuwi muna siyang Canada for a military duty...

"We decided to delay Riza's flight back to Canada and later on thought of just canceling it since it would no longer serve any meaningful and practical purpose at all. Nilakad na ni Joshua [Riza's younger brother] yung pag-waive ng Canadian military sa dapat na military service na kailangang gawin ni Riza doon. Kami na mismo ang nag-decide na hindi na siya tumuloy sa Canada kasi na-settle na naman ni Joshua."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol naman sa hindi umano pagsipot ni Riza sa mall tours ng Mint, kulang daw ang salaysay ng VAA sa inilabas nitong official s