PEP EXCLUSIVE (Part 2): Riza Santos’s mom denies breach of contract with Mint

IMAGE 0


Riza Santos may go back to Canada and stay there for good if these intrigues persist.


"Wala kaming ginawang breach of contract!" ang walang alinlangang sabi ng ina ni Riza Santos na si Dina Santos saexclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Isa sa pinakamalaking isyu nakinakaharap ni Riza Santos ay ang pagkakatanggal niya bilang endorser ng isangclothing brand. Nagulat na lamang daw ang 21-year-old actress noong mapanoodniya sa telebisyon na inaalis na ang kanyang billboard at inanunsiyo na siCristine Reyes na ang pumalit sa kanya.

Ang hindi pagsipot ni Riza sa mgamall tours ang sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit siya pinalitan.

Nakatanggap pa nga ng demandletter ang dating Pinoy Big Brother housematenoong October 29, 2008, kung saan isinaad ni Atty. Jorge Sandiego, ang abogadong nasabing clothing brand, ang:

"demand is given to you (Riza Santos) to pay my client the amount ofpesos: Three Hundred Thousand (P 300,000.00) as compensation for expenses madein the preparation of the said mall tours and other incidental expenses."

"Hindi namin alam ang mga scheduled malltours," ang buwelta naman ng ina ni Riza.

Dagdag pa niya, "Nagpaalam siRiza sa Viva na pupunta lang siya sa Canada for military duties in two weeks,then babalik din siya by middle of October, then magugulat na lang kami nabiglang magbabago ang lahat. Di ba pag may mga scheduling ay dapat nai-informdin yung talent? Dapat na-inform din kami about it so we can at least meethalfway, pero hindi, we were not informed...Then eto, makakatanggap na langkami bigla ng demand letter na kailangan namin magbayad for damages?"

At pagkatapos raw nilang matanggapang demand letter ay kaagad itong nakipagpulong sa kanyang lawyer. "We decidedto take legal actions na..." saad niya.

Napag-alaman din ng PEP napagkatapos matanggap ng clothing company ang counter-proposal ng kampo ni Riza aynagkaroon daw ng pagpupulong kasama ang may-ari ng kompanya na si Jopet Sy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mrs. Santos, "Nagkaroonkami ng meeting with Jopet last November 25 and 27 para pag-usapan ang issue atdemand letters. Nakiusap kami na para lamang hindi na lumaki nang sobra angissue, we thought of just returning the talent fee that Riza earned when shestarted endorsing Mint and render her service for the Mint fashion show onFebruary 2009 for free."

Ngunit hindi daw pumayag angkampo ni Jopet sa nasabing proposal ng ina ni Riza at iginiit na kailangan pa rindaw silang magbayad ng "reduced rate" na "P300,000.00 for Brand Reimaging mula saoriginal charge nitong P910,000.00+."

Ang sabi ng mommy ni Riza, "Hindiko alam kung ano pang gusto nila kahit handa na kaming makipag-deal ng halfwaypero gusto pa nila kaming magbayad. Alam mo, wala namang kaso sa akin angmagbayad lalo na kung justifiable naman. Ang aking lang, kung magbabayad ako,babayaran ko, kaso feeling ko hindi tama, eh..."

Ang lawsuit ay nai-file sa PasigCity Regional Trial Court noong December 9, 2008. Ayon dito, "Riza Santos demanded the amount of at leastOne Million Pesos (P 1,000.000.00) for unearned income and damages to herreputation and standing as a professional artist..."

Bago pa man natapos ang intervieway hindi na napigilang maging emotional ang mommy ni Riza. Kung siya lang dawang masusunod, mas gusto na lang niyang bumalik sa Canada ang anak.

Ang sabi niya, "Alam mo, kung akolang ang tatanungin, mas gusto ko nang bumalik na lang si Riza sa Canada kasidoon, she can go back to university and finish her studies and be normal, with nointrigues...

"Kaya lang, masyado akongnababagabag pag nakikita ko ang anak ko na sobrang stressed at malungkot aboutall of these intrigues lalo na, wala naman siyang laban. Ayoko na lang isipinna pinagtutulungan siya pero mukhang yun yung nangyayari, eh."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pang dalawang taon simulanoong tuluyan nang pasukin ng Miss Earth-Canada 2006 ang showbiz, ngunitsari-saring isyu na ang ibinato sa kanya.

Alin kaya sa iba't ibang bersiyon ng istorya ang totoo? Kung tatanunginang ilang kaibigan o nakatrabaho na ng Kapamilya star, gaya ng FHM at Dobol Trobol, ay maganda naman ang kanilang feedback.

Subalit hindi rin naman puwedeng isantabi ang "snubbing incident" niyaumano with Katrina Halili at iba pang Kapuso talents, pati na rin angilang report na nagsasabing may attitude problem daw ang dalaga.

Ano kaya ang kahihinatnan ng kanyang career? Iniwan nga ba siya sa ereng Viva Artists Center? O si Riza ang nagpabaya sa mga opportunities nadumating sa kanya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN