Diana Zubiri learns lesson from tabloid photo of her and boyfriend kissing in public

IMAGE 0


"Wala naman mangyayari kung magalit man ako, di ba? Hindiko na idadaan ‘yan sa legal na paraan kasi pareho lang maaabala ang trabahonamin. Siguro nga ginagawa lang nila ang trabaho nila," says Diana Zubiri about the photo with her non-showbiz boyfriend—identified as Alex Lopez—that came out in the tabloid Pinoy Parazzi (inset).


Mainam at hindi na nag-deny pa si Diana Zubiri salitratong lumabas sa tabloid na Pinoy Parazzi kunsaan pinapakita siyang nakikipaghalikan saisang lalake. Inamin ni Diana na siya iyon at boyfriend niya ang guy.

Ayaw na lang sabihin ni Diana kung sino ang boyfriendniya dahil hindi naman daw taga-showbiz ito. Pero natatandaan namin naipinakilala na ni Diana sa amin ang boyfriend niyang nagngangalangAlex.

Pero ayon sa ilang PEP sources, ang kumpletong pangalan ng lalaki ay Alex Lopez, dating boyfriend ni Tanya Garcia at napabalitang manliligaw noon ni Katrina Halili.

Anyway, one year na nga raw silang mag-on at wala siyangnakikitang masama kung maghalikan silang dalawa. Tutal karelasyon niya ito atmahal na mahal nila ang isa't isa.

"Napakilala ko na siya sa family ko at nakilala ko na rinang family niya sa Vigan," ngiti ni Diana habang kausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

"Natuwa nga ako kasi ang babait nila sa akin. Pati angfamily ko, gusto nila ang karelasyon ko ngayon."

Matagal din daw kasing nabakante ang puso ni Diana kayanoong dumating ang lalaking ito ay na-in love na siya rito.

"Pero mas in-love siya sa akin, huh!" malakas na tawa paniya.

"Nagpapakipot pa ako noon sa kanya. Pero mabait kasisiyang tao at matiyaga kaya sinagot ko siya dahil sa effort niya sa akin."

Medyo na-bother lang daw si Diana sa lumabas na litratonila ng kanyang boyfriend sa naturang tabloid. Pero naiintindihan naman daw niDiana na dahil artista siya ay public property na rin siya.

"Wala naman mangyayari kung magalit man ako, di ba? Hindiko na idadaan ‘yan sa legal na paraan kasi pareho lang maaabala ang trabahonamin. Siguro nga ginagawa lang nila ang trabaho nila.

"Siguro kaming mga artista, maging careful na lang sa mgakilos namin. Nakunan naman kami sa isang publiko na lugar, e. Yun lang ang malinamin siguro. Kaya magiging mas maingat na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang wala pang bagong TV show si Diana sa GMA-7 aynakatapos siya ng dalawang pelikula para sa Metro Manila Film Festival, One Night Only at Shake, Rattle & Roll X ("Nieves"episode).

Hindi nga raw alam ni Diana kung saang float siya unang sasakay.Pero for sure ay masasakyan niya ang dalawang float sa parada on December 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN