Eugene Domingo says friendship is more important than fame

IMAGE 0


"Titlelang naman ‘yan, trono lang yun... Sa akin kasi ang pinakaimportante sa lahatay natutuwa ako dahil sa friendship namin, di lang dahil magkasama kami satrabaho kundi even behind the camera...yungglitter, yung glamour, yung fame, mawawala yun pero yung friendship hindi," commentsEugene Domingo when told about friend Ai-Ai delas Alas's statement that shewill be her "heir to the throne."



May ilang pagkakataon nang sinubukang kunin ang panig noon ni Eugene Domingotungkol sa isyung pagkakaalis niya sa tatlong pelikula ng Regal Films. May mganaisulat kasing ang mataas na hinihinging talent fee raw ng mahusay nakomedyante ang rason kung bakit sinibak siya sa mga proyekto ng Regal. Nanatilingtahimik lang tungkol dito si Uge.

Pero sanakaraang press conference ng Tanging InaNyong Lahat, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinemalast December 18 , nagbigay na rin ng pahayag si Eugene.

"Businessside ‘yan, e. Sa business, may manager tayong tinatawag, my manager is RickyGallardo. Dun sa sinasabi nilang sobrang taas daw ng hinihingi naming talentfee, di naman mataas na mataas, tama lang naman.

"Sakanatapos naman din, nagkaayus-ayos na. Ako, patuloy ko namang sinasabi nahindi naman ‘yan ang huling proyekto na gagawin ko sa Regal. I'm open atgustung-gusto kong makatrabaho si Direk Joel [Lamangan], si Direk MikeTuvierra."

Sabalitang galit na galit pa rin daw kay Eugene si Mother Lily Monteverde ngRegal, kahit wala pang tsansa na makapag-usap ay nagpahayag naman ang comediennena humihingi siya ng dispensa sa nangyari.

"Di pakami nakakapag-usap ni Mother, pero sana 'wag na siyang magalit, sa espiritu nalang ng Pasko, 'wag na siyang magalit. For whatever delay orinconvenience, I apologize. Siyempre production work and schedule ‘yan, soI'm sure there was a delay or whatever, so humihingi ako ng dispensa."

HAPPY FOR OGIE. Isa sa pelikulang di niya nagawa ay ang Desperadas 2 kung saan pinalitan siya niOgie Alcasid na gumanap na totoong babae sa role na dapat ay gagampananniya. Natutuwa naman si Uge para sa singer-comedian. Alam niyaraw kasing mahusay na magagampanan nito ang role na binakantehan niya. Aniyapa, wala siyang pagsisising naramdaman nung hindi na sa kanya napunta ang rolebilang panlimang kapatid sa Desperadas 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ko ugaliang nagre-regrets. Kasi pag ganyan, di ka makaka-move on, at saka naniniwalaako na pag di ukol, di bubukol.

"Nakitako yung billboards ng Desperadas,nakita ko si Ogie at nakakatawa ang itsura. Sa tingin ko, sa kanya talaga yun.Naisip ko, he was supposed to be Zha-Zha Zaturnahh, tama lang na ngayong taonpala, siya ang gaganap na di baklang role kundi babae na mismo. So very, veryinteresting na ngayong taon, nagampanan niya pa rin yung project ngRegal.

"No oneis indispensable, lahat puwedeng palitan at kung sinuman ang pumalit ay dahil sakanya talaga yun. Mahusay si Ogie, artist siya and I wish him all thebest na sana magbunga ang lahat ng pinaghirapan niya."

HEIR TO THE THRONE. Maramiang kinukumpara kay Ai-Ai delas Alas bilang Comedy Queen, pero nagbitaw ng salita ang komedyanasa nasabing presscon ng Tanging Ina NyongLahat na kay Eugene niya raw ipapasa ang "trono" niya pagdating ng panahon.

Aminadosi Uge na ikinatataba ng puso niya ang sinabing ito ng kaibigan, pero ang mas pinahahalagahanniya ay ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Ai-Ai.

"Titlelang naman ‘yan, trono lang yun, pero siyempre natutuwa ako dahil sa tiwalaniya sa akin na puwedeng ako ang sumunod sa mga yapak niya. Kung talagang usoba yung susunod ka sa yapak, although alam kong ibang-iba siya at ibang-iba dinako.

"Sa akinkasi, ang pinakaimportante sa lahat ay natutuwa ako dahil sa friendship namin,di lang dahil magkasama kami sa trabaho kundi even behind the camera. Magkaibigankami at matatag yung friendship namin. Yun ang importante, yun angmatitira. Dahil yung glitter, yung glamour, yung fame, mawawala yun pero yungfriendship hindi."

"MU" WITH DIREK WENN?! Sa usaping lovelife, aminado siEugene na "zero" siya pagdating doon. Nang tanungin siya ng PEP kung anoang reaksyon niya sa mga bali-balitang lumalabas na mag-MU (mutual understanding)daw sila ni Direk Wenn Deramas, director niya rin sa Tanging Ina N'yong Lahat, natawa na lang si Uge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-unanandidiri ako sa balitang ‘yan, parang imposibleng-imposible. Mahirapkasi...ang bakla ay bakla, pag naging kami, susuka kami araw-araw at malamangsiya ang magbuntis at di ako. Pero kung magiging lalake si Direk Wenn,napakasarap niyang maging asawa kasi responsible siya, talented, napakalinis sakatawan, mabango, masipag."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN