Jessica Rodriguez and David Bunevaczs kids start careers in Hollywood

IMAGE 0


Breanna and Grant, the children of Jessica Rodriguezand David Bunevacz, are starting their careers in Hollywood. Breanna finisheda TV commercial with her Mommy Jessica, and Grant—Jessica's son from ex-husband Benedict Aquino—also just finished an international movie.


Tahimik at maayos na ang pamumuhay ng Bunevacz familysa Los Angeles , California, isang taon mula nang umalis sila ngPilipinas noong December 6, 2007.

Nagkaroon ng pagkakataon ang writer na ito namakasama ang mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez, pati na angkanilang mga anak sa L.A., noong Thanksgiving Day.

Larawan ng isang masayang pamilya ang mag-anak athinangaan namin sila dahil ni minsan, wala silang sinabing masama laban sa mgatao na naging dahilan ng pagbabago ng takbo ng kanilang buhay.

Ayon kay Jessica, pinatawad na nila ang mga datingkaibigan at business partner na nag-akusa sa kanila ng mga kasalanan na anila'y hindinila ginawa. Inisip na lang nila na nakatakda na mangyari ang lahat dahil maymas malaki at magandang oportunidad na naghihintay sa kanila sa ibang bansa.

Paulit-ulit ang pasasalamat ng Bunevacz family dahilsa mga magagandang biyaya na natatanggap nila.

Tapos na ang shooting ng commercial na ginawani Jessica at ng kanilang bunsong anak ni David na si Breannapara sa isang malaking food company. Pumayag ang production staff na makunan nglitrato ang shooting ng mag-ina para may souvenir sila.

Natapos na rin ang shooting ni Grant para sa isanginternational movie. Pumayag din ang production staff ng pelikula na kunan angshooting ni Grant at ipalalabas ito mamayang hapon sa Showbiz Central.

Si Grant ang anak ni Jessica sa dating aktor na siBenedict Aquino. Legally-adopted na siya ni David kaya Joseph Grant Bunevacz naang kanyang ginagamit na pangalan at Joseph Grant ang screen name niya saHollywood.

Nagugulat sina David at Jessica sa bilis ng mgapangyayari. Ni sa panaginip, hindi nila inakala na magiging artista angkanilang mga anak at may talent ang mga bata sa pagkanta at pag-arte.

Hindi nawawalan ng audition na pinupuntahan sinaBreanna at Grant dahil sila ang madalas na ipinadadala ng Hollywood agency nanagpapalakad sa kanilang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung maririnig ninyo ang singing voice ng 5-year-olddaughter nina David at Jessica, tiyak na bibilib kayo dahil maganda at hindi sintunadoang boses ni Breanna. Gustung-gusto ni Breanna na umarte at idol niya ang Hannah Montana star na si Miley Cyrus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN