"Ogie Sings With The Idols" successful despite main performers' voice problems

IMAGE 0


Ogie Alcasid and Ramiele Malubay (right), despite having problems with their voices, managed to entertain the large audience who watched the two-night Ogie Sings With The Idols concert in Aliw Theater. Ogie performed with Ramiele and the Pinoy Idol champion Gretchen Espina (left) and the Pinoy Idol finalists.


Successful ang two-night concert ni Ogie Alcasid—Ogie Sings With The Idols—together with American Idol finalist RamieleMalubay, Pinoy Idol winner GretchenEspina and the Pinoy Idol finalists,titled .

Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noongDecember 21 schedule ng concert (second night) sa Aliw Theater sa PasayCity, ang tagumpay na ito. Pinasaya nang husto ni Ogie at ng mga kasama niyaang mga manonood, sa kabila ng pagkakaroon ni Ogie at ng ilang kasama niyang karamdaman.

MENAYA OPENING. Theconcert was opened by the indie band Menaya na contract band ng IMusic label.Ang IMusic ay pag-aari ng magkasintahang Ogie at Regine Velasquez. The drivingforce behind the band, frontman Brian Sombero, aside from being a close familyfriend of Ogie's, was also one of the producers of Ogie's concert.

Magaling ang chill-out, new wave and pop rockfoundation ng musika ng banda. Technically, the band knew how to gel thesedifferent music genres together for a groovy but easy-listening music withtheir excellent use of space echo and delay guitar effects. The band warmed upthe audience with their songs, "Happiness," "Everytime," "Idiom," "BakitKailangan," and the first single from their TheWorst News album, "Safer."

HERE'S"RENALDO."After Menaya, Ogie's accompanying band and backup singers set themselves upwhile a montage of "Idol auditions"featuring Diego and Babagee of BubbleGang, the Pinoy Idol finalists, andOgie's Bubble Gang character Angelica appeared on the big screen mounted above the stage.

The video ended with Ogie dressed as American Idol star reject Renaldo Lapuzsinging Renaldo's "hit" song "We're Brothers Forever." Nagulat na lang angaudience nang mula sa likuran ay lumabas ang isang marching band with Ogiecontinuing the song from the video.

Tinuloy ni Ogie at tinapos ang "We're BrothersForever" sa stage with the FEU Marching Band, a la Renaldo in the Season 7finals ng American Idol, minus ngalang ang judges na sina Paula Abdul and Randy Jackson na nagsasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As the marching band exited, unti-unting hinuhubad niOgie ang kanyang Renaldo costume habang pumapasok naman ang kanyang all-femaleback-up dancers in their gold sequened dresses.

Ogie then performed a medley of songs by LionelRichie, DeBarge, and Kool and the Gang na ikinasayaw ng ilang members of theaudience habang nagwawagayway naman ng mga kamay nila ang iba.

After the medley, kinanta ni Ogie ang kanyang hitsong na "Nandito Ako" na inareglo sa reggae tempo.

MORNING MIRACLE. Before going to his next song, ikinuwento ni Ogie nadays before the concert, nagkaroon siya ng problema sa kanyang boses dahil narin sa klima ngayon. In fact, noong umaga nga raw before the second night of hisconcert, gumising siyang walang boses. Nanalangin na nga lang daw siya nangtaimtim, at unti-unti, as if a miracle had happened, bumalik ang boses niya,although hindi ito in full-performance capacity. Ayaw niya raw kasing makitang ma-disappoint ang mga taong gustong manonood sakanya at sa Idols. Hindi na niya ininda ang nararamdaman at heto na nga'tnagpe-perform siya.

Napahiyaw ang audience nang kinanta na ni Ogie ang"Kung Sakali," a remake of a Pabs Dadivas original na nasa The Great Filipino Songbook album ni Ogie. Lalong naghiyawan angaudience sa appreciation at tuwa nang makita ang MTV ng kanta sa mounted bigscreen sa stage. Kapareha kasi ni Ogie sa music video si Marian Rivera.

ENTER THE "IDOL"GIRLS.After this number, in-introduce na ni Ogie ang Pinoy Idol Girls—Jayann Bautista, Jenni Rawole, MayFlores, Penelope, Sue Ellen Cubing, and Gretchen. They sang a medley of songsby the Pussycat Dolls, Rihanna, and The Ting Tings. Gretchen later stayedbehind to sing Alicia Keys's "If I Ain't Got You."

Ogie paid tribute to his pop idols nang kantahinniya, pagkatapos ni Gretchen, ang mga awitin nina Nonoy Zuñiga, Ric Segreto,Hadji Alejandro, Marco Sison, Basil Valdez and Rico J. Puno. Sa parteng ito, kumuhapa ng audience member si Ogie at pinakanta ito. Maganda ang pagkakakanta ngaudience member who turned out to be a friend of Ogie and one of the concertproducers named Wally Sombero. Tinapos nito ang "Kapalaran" ni Rico J. Puno habangnakiupo na lang muna sa audience si Ogie. May kiss pa from Ogie si Wally pagkatapos ng kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa mood makihalubilo si Ogie sa audience atnakipag-photo op pa sa mga ito nang umakyat sa V.I.P. tickets section sa gitnang theater. Taranta tuloy na nagsipagtayo at nag-crowd control ang mganakapaligid na event bouncers.

RAMIELE SINGS. Mulasa kinatatayuan niya habang nakikipag-photo op, kinanta ni Ogie ang firststanzas ng "Bakit Ngayon Ka Lang." Ipinakilala niya pagkatapos angmakaka-duet niya sa kantang iyon na si Ramiele Malubay, ang Pinay American Idol finalist.

After the song, nagbiruan pa sa stage sina Ogie atRamiele, with Ogie telling Ramiele how much he enjoyed performing with her.Na-miss daw kasi niya ang pagpe-perform sa mga singer na ka-height niya o masmaliit sa kanya. Ramiele is believed to stand only 4'11".

Kinanta ni Ramiele ang mga awitin ng Filipino idolsniyang sina Lani Misalucha ("Bukas Na Lang Kita Mamahalin") at Regine Velasquez("You Are My Song" and "Dadalhin"). Tinapos niya ang medley with her American Idol piece na "You Don't HaveTo Say You Love Me," originally by Dusty Springfield.

Walking around the stage, panay ang sabi ni Ramieleng, "Ang haba!" referring to the skirt of her long dress na lumalampaso na sasahig ng stage. She ended her set with Bing Crosby's "I'll Be Home ForChristmas," habang pinapakita sa mounted big screen ang video ng kanyang trip saPolillo Island in Quezon Province. Ramiele's father Roger Malubay is fromPolillo.

THE "IDOL" BOYS. Ramielelater introduced the Pinoy Idol boysled by Ram Chavez singing American Idolseason 5 finalist Chris Daughtry's "Home."He was joined later by other Pinoy Idolboys with rock influences, Warren Antig and Toffer Rei .

Sumunod sa kanila ang tatlo pang Pinoy Idol boys na sina Kid Camaya,Robbie Navarro at Daryl Celis singing RnB star Chris Brown's "With You." Tinapos nilaang medley with all the six boys doing a rock version of Justin Timberlakeand Madonna's "4 Minutes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay muling bumalik onstage ang tatlopang Idol girls na sina Gretchen, Penelope at Jayann para umawit with the Idolboys Robby, Kid and Daryl. They sang Ogie and Regine's hit duets "HanggangNgayon," "Sa Piling Mo," and "Paano Kita Iibigin."

Pumasok uli si Ogie pagkatapos ng duets, singing VST& Company's "Sumunod, Sumayaw" na ikinatayo at ikinasayaw ng audience. Ipinakilalani Ogie ang mga member ng kanyang band at backup singers bago muling tinatawagsina Ram, Warren at Toffer para umawit ng Pinoy Rock medley with songs by MariaCafra, Juan dela Cruz Band and The Dawn. Menaya's Brian Sombero joined themsinging The Dawn's "Iisang Bangka."

DIO MARCO. Nangmuling maiwan si Ogie sa stage, nagkuwento siya kung gaanong kataas ang bilibniya sa mga overseas Filipino Workers. Ang mga ito raw ang tunay nadapat tawaging mga idol dahil sa pagsasakripisyo ng pagkakawalay sa mga mahalsa buhay para lang makapagtrabaho sa ibang bansa at makapagbigay ng magandangkinabukasan sa mga naiwan.

Dito na ipinasok ni Ogie ang former Student Canteen singing champion na siDio Marco. Iniwan ni Dio ang sariling nagbu-bloom na noong showbiz career noong ‘80spara sa mas malaking kita abroad.

Dio Marco entered the stage singing the classicalItalian aria by Giacomo Puccini titled "Nessun Dorma" from the opera Turandot. Pinalakpakan nang husto ngaudience ang husay sa pag-awit at lakas ng vocal range ni Dio. We later learnedna talagang ginastusan pala ang pag-uwi ni Dio ng concert producers para surpresahin ang pamilya nito at bigyang-tribute na rin ito by giving him aspot in Ogie's concert.

After singing the religious song "Thankful" by JoshGroban, the concert ended with the whole PinoyIdol lineup, Ramiele and Ogie singing a disco and Manila Sound medley namuling ikinasayaw ng audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POST CONCERT. Backstage after the concert, PEP hadthe chance to talk to Ramiele and Ogie.

Ramiele said na sa kabila ng magandang performancenilang lahat sa dalawang gabi ng concert, hindi lang alam ng audience na maramisa kanila ang may karamdaman.

"I think it's going around. Like me, for example,two days ago, wala akong boses. May ubo pa. So it's just a miracle na talagangnakakanta pa kami," Ramiele said habang napapansin naming ilan nga sa Pinoy Idols ang umuubo ng konti. AniRamiele, bilib lang daw siya talaga kung gaano ka-professional ang lahat nginvolved sa concert at hindi ininda ang mga nararamdaman para lang masulit angibinayad ng audience.

Ramiele mentioned she'll be staying in thePhilippines for three months (which started this December), at pag-aaralan angoffers sa kanya for record deals and a possible career in the Philippines.

Inside Ogie's dressing room, congratulations at ibapang pagbati ang narinig mula kay Ogie, sa mga taong involved sa productions atsa overall director na si Roel Santiago.

Ikinuwento ngang muli ni Ogie na sobra angpasasalamat niya sa Panginoon sa pagbibigay sa kanya muli ng "miracle" dahil sapagbabalik sa kanya ng boses niya. Talaga raw nang umaga ng Linggo na iyon,wala talaga siyang boses at isang milagro daw na bumalik nitong bago siyasumalang sa concert.

"Kung mapapansin n'yo nga, nung mga early part of theconcert, medyo nahihirapan akong kumanta. Talagang ayoko lang ma-disappoint angmga dumating na audience kaya sabi ko, ‘Dear Lord, bahala Ka na po. I trust inYou, I believe in You,' so... talagang milagro lang ng Panginoon kaya akonakakakanta ngayon," patotoo pa ni Ogie.

Nang tanungin namin kung nakapanood na si Regine, "Nungfirst night, nandito siya. Meron lang siyang family function ngayon kaya walasiya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In an earlierPEP interview, Ogie said he will be spending Christmas with his kids inAustralia while Regine will stay here for some shows. Magkakasama naman silangmuli at magse-celebrate sa darating na New Year.

Ogie Sings WithIdolswas produced by the new production company The UnderGround Studio Inc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN