Vic Sotto happy about reunion movie of TVJ: "Mas matindi ang tawanan..."

IMAGE 0


This year, Vic Sotto chose to reunite with Tito Sotto and Joey de Leon for the MMFF comedy entry, Iskul Bukol: 20 Years After. He said, "Mas matinding entertainment ito. Mas matindi ang tawanan. Para sa lahat, para sa mga bata, para sa mga teen-agers, mga magulang, mga lola't lolo."


Hindi kinakabahan ang ace comedian na si Vic Sotto kahit pa maraming comedy entries ngayong taon sa Metro Manila Film Festival.

Pinili muna ni Vic na ipahinga ang kanyang annual entry na Enteng Kabisote para matuloy ang reunion movie ng TVJ, kung saan kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon, na pinamagatang Iskul Bukol: 20 Years After.

Kinikilalang living legends ang kanilang triumvirate sa larangan ng komedya pero marami ang nagsasabing isang napakalaking sugal para kay Vic ang bitawan pansamantala ang Enteng Kabisote, na humataw ito sa takilya noong mga nakaraang taon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Vic noong December 24, sa annual Parade of Stars, sinabi nito na naniniwala siya na mas masisiyahan ang mga manonood ngayon sa Iskul Bukol for the sole reason na hindi lang siya ang magdadala at magbibigay ng comedic punch lines. Kumbaga nga raw ay thrice the fun ang mararanasan ng publiko ngayon kumpara sa dati.

"Iba ‘yong Tito, Vic and Joey, e. Tinatanong nga ako kung anong difference ng Enteng Kabisote 'tsaka ng Iskul Bukol, e, sa Enteng nag-iisa ako. Dito, kasama ko pa ang Escalera Brothers kaya mas matinding entertainment ito. Mas matindi ang tawanan," paliwanag ni Vic.

Personally ay na-miss din ni Vic ang gumawa ng pelikula kasama sina Tito at Joey. Bagama't nagkakasama naman daw sila sa Eat Bulaga! ay iba pa rin ang chemistry nilang tatlo pagdating sa big screen.

"Katrabaho ko lang sila sa telebisyon pero it's an entirely different experience again para sa akin dahil kumpleto na naman kaming tatlo and iba, masarap ang trabaho ‘pag katrabaho mo itong mga Escalera Brothers." seryosong pahayag ng enigmatic comedian-host.

Ayaw din niyang isipin ang pressure na dala ng kumpetisyon since hindi lang Iskul Bukol ang comedy film na nakalusot ngayong taon sa MMFF. Kung may nais man daw siyang mangyari, iyon daw ay ang hiling na maging, "Matagumpay ang festival at kung puwede sana, mas maging matagumpay kesa dun sa mga nakaraan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa na rin namin ang kanyang wish para sa darating na 2009.

"Next year sana, e, magpatuloy ang tibay ng Pilipino sa hinaharap na global crisis. Pero tiwala ako sa Pilipino na malalagpasan kahit ano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN