Director Mark Meily not in favor of topgrosser-best picture ruling of MMFF

IMAGE 0


"Iba yung best picture sa popular [choice]. Dapat excellence [pa rin ang basis]... Kasi, if you'rea producer, ang magiging objective mo, kumita ka na lang. Kung ano yungpinakamalaking kikitain, na kaya mong kitain, yun ang gagawin mo. So,titipirin mo yung production. Whereas, if you have judges who would select [areal] best picture, ang criterion is excellence,"says director Mark Meily.



Para sa pangatlo niyang pelikulang Baler aynakamit ni Mark Meily ang ikalawa niyang Best Director trophy sa taunang MetroManila Film Festival (MMFF). Una'y nang manalo siyang pinakamahusay sa nasabingkategorya noong 2003 para sa debut film niyang Crying Ladies ng UnitelPictures.

Runaway winner—or, almost—ang Viva Films-Bida Foundationentry sa 34th Metro Manila Filmfest, which won 10 awards; including BestPicture, Best Director, Best Actress (Anne Curtis), Best Actor (PhillipSalvador), Best Screenplay (Roy Iglesia), Best Cinematography (Lee Meilly), BestProduction Design (Aped Santos), and Best Editing (Danny Añonuevo); pati ang MostGender Sensitive Film at Gatpuno Antonio J. Villegas award.

JERICHO'S LOSS. But Eirek Mark has one regret: Jericho Rosales lostthe best actor award to Christopher de Leon of Magkaibigan, directedby Jose Javier Reyes.

"Na-disappoint ako," tahasang sambit ni Direk Marknang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang Gabing Parangal ng 2008 MMFF sa Harbor Tent ng Sofitel Hotel,Pasay City.

"Magaling si Jericho. I'm sure that, among the judges,it was a close race between Jericho and Boyet. I mean, they're both goodactors but, iba yung performance ni Jericho," opinyon ni Direk Mark.

Direk Mark is hopeful na mavi-vindicate ang lead actor ngpelikula niyang Baler sa ibang award-giving bodies. "Marami pa'yan. And in other festivals, [perhaps sa] abroad... Bagay nabagay, kasi cross-cultural yung pelikula."

Pero hindi ito ang pagkakataon para manimdim nangtodo ang premyadong direktor, dahil runaway winner nga ang Baler.

"We're so blessed. Sabi ko nga, I had the best cast;the best production team, best producers, post-producers... Malaking bagay'yon. Malaking bagay ang manalo."

Malaking bagay rin ang manguna, o isa sa mga nangungunangayon sa takilya ng 2008 MMFF. As of the latest, pumapalosa 3rd and 4th slots ang Baler, as top-grossing entry, after AngTanging Ina N'yong Lahat ng Star Cinema na nasa No. 1 slot, IskulBukol: 20 Years After ng TAPE/M-ZET/APT Ent., sa No. 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigpit na kalaban ng Baler sa ikatlong puwestoang Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment.

"Sa akin, kahit na No. 3 kami," sabi ni DirekMark. "Sabi nga ni [MMDA Chairman Bayani] Fernando, kahit No. 3, masmaraming manonood ng pelikula namin."

BEST PICTURE. Sa MMFF '08 Awards Night, nanatili ang patakaran hinggil satop-grosser-best picture entry, although na-limit 'yon sa 3rd (Iskul Bukol) at2nd (Ang Tanging Ina N'yong Lahat) Best Picture awards. Para sa 1st BestPicture, nagwagi pa rin ang entry na may pinakamaraming napanalunansa major at minor categories, ang Baler nga.

"Natakot kami sa criterion na 'yon," sabi ni DirekMark. Akala raw nila, ang pelikulang bida si Ai-Ai delas Alas ang siya ringmagiging 1st Best Picture, dahil ito ang nangunguna sa takilya as of December27—third day ng festival.

"Mahirap talunin 'yon. It's a popularchoice," ani Direk Mark.

Pero hindi siya sang-ayon sa topgrosser-best pictureruling ng MMFF.

"Iba yung best picture sa popular [choice]," rasonng direktor. "Dapat excellence [pa rin ang basis]... Kasi, if you'rea producer, ang magiging objective mo, kumita ka na lang. Kung ano yungpinakamalaking kikitain, na kaya mong kitain, yun ang gagawin mo. So,titipirin mo yung production. Whereas, if you have judges who would select [areal] best picture, ang criterion is excellence."

HIGH STANDARD. Bukod sa pagwawagi ng Baler sa MMFF '08,masaya si Direk Mark para sa idinidirek na gag show, ang Camera Café saQTV 11 at GMA-7, na nanalo this year sa Asian TV Awards sa kategoryang BestComedy Show.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Baler,tulad ng dalawang naunang obra ni Mark Meilly, ang Crying Ladies(2003) at La Visa Loca (2004). Para rin sa debut film niya unangnanalong Best Director si Direk Mark, sa MMFF '03.

Sa mataas na standard ng filmmaking/directorialexcellence nakikilala ngayon si Direk Mark, at hindi naman daw dahilan 'yon paramakaramdam siya ng matinding pressure o kakaibang challenge bilang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May sinasabi sila noon na pag Rated A ka, huwag mongi-announce, dahil baka raw hindi kumita. Pero ngayon [with Baler],it breaks the myth. So I aspire for excellence, for being the best. O kahit nahindi ka maging best, it follows...yung sa box-office."

Walang magbabago, sa pacing o project preference ni DirekMark, sa kabila ng panibago niyang tagumpay via Baler. Truth is, walapa rin siyang bagong pelikulang gagawin, pero malamang daw na sa GMA Films siyasusunod na gagawa ng pelikula.

"Ang output ko, sabi nga nila, matumal. Ionly do movies every three years, parang gano'n. Pero sabi rin nga nila, chooseyour projects also," makahulugang banggit ng premyadong direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN